Ano na ba talaga tayo ngaun? Ilang dekada na rin tayong lumaya sa kamay ng ibang bansa. Pero, nasan na ba talaga tayo? Umusad nga ba angating buhay gamit ang sarili nating paa? Malamang alam mo na ang kasagutan.
Syempre umusad ang buhay natin. Kung sagot mo sa katanongan ay hindi. Aba magi sip isip ka na. Dati rati, konti lang ang may afford ng tv. Sabi nga ng mga lola ko ay talagang dumadayo pa sila sa ibang barangay para lang masubaybayan ang paborito nilang palabas. Dati rati, sobrang tagal makadating ng mensahe mo sa pamilya sa probinsya. Kasi ba naman parang tao itong naglalakbay. Dati rati, kalabaw lang ang maasahan sa pag sasaka. Kaya anga pambansang hayop ito ang bumubuhay sa bawat tao sa pinas.
Ngaun ba? Aba meron ng tv bawat bahay sa pinas. Nakakapanood na gabi gabi sa sarisariling bahay ng mga makabagong palabas katulad ng immortal at captain barbell. At syempre di lang pang pilipinas na show ang available pati international news. diba astig na natin. Meron na rin cellphone ang bawat bulsa ng pinoy. Bata man o matanda alam ang salitang UNLI na tila ba pambansang salita ng bansa. At dahil din dito naimbento ang mga jejemon. Pati pangalan ng tao nag evolve na rin. Di ba astig na tayo. Meron na rin traktora ang bawat magsasaka. Mabilis na rin tayo makapag ani ng bigas. Aun nga lang dahil sa bagyo at sakuna tila ba di natin nararamdaman ang dulot ng teknolohiya nito sa ating pagsasaka. Takenote pa, nasa bansa ang International Rice Research Institute.Di ba astig! Di ba sobrang laki ng inusad ng pinas. Aminin mo na humanga ka sa ating mga saarili sa pagtaguyod ng ating bansa.
———————————————————————————————————————————————–
Pero kahit ganon pikit mata ko parin ididilat ang aking mata sa pag asang aahon ang ating bansa sa kahirapan.
Pikit mata kong titingnan ang isang bagay na di umusad sa ating lahat. Ito ay ung sarili nating pag iisip tungkol sa hinaharap gamit ang mga nakaraan na lumalamon sa systema ng buhay.
Hayz
————————————————————————————————————————————————
Siguro mas mabuti pang pumikit at managinip! Kesa dumilat at magbulagbulagan lamang sa kanai nais na bagay sa pinas: magarbong mall, amusement park, astig na kotse at mga eroplano. Total umuusad naman talaga ang bayan. Ung mga tao lang ang hindi.
————————————————————————————————————————————————-
Kung gusto mong mabuhay ng Masaya pikit mata kang lumakad sa daan ng tagumpay.