2011 Accomplishments

Before Graduation:

Before mag-graduation may bonding kami ng mga classmate ko na di ko makakalimutan. Eto ung matuloy ung trip namin sa Baguio. Educational Trip un pero alam mo naman ang true purpose non ay mag aliw at magbonding ng todo todo. Natatandaan ko nga si Sir Ona muntik ng di makasama kasi masama ung pakiramdam nya. Pero pinilit nya pa rin pumunta, di na ata sya naligo para di lamigin e (hehe) peace sir. Kasama rin si Sir Shinbei at si Sir Pucyutan sa Trip. Masaya ung whole trip namin dami mga happenings na ngaganap specially ung “I’m a Mabi Girl in a Mabi world”. Un ata ung best na song I’ve ever heard na kinakanta sa videoke ng isang malupet na singer na si Mabilangan.

At dun din ung Kulit ng aking mga Classmate na Lalaki.. haha. Talaga nagbalak pa kami na magpasayaw ng babae sa room ahhaha.. kanya kanyang labas ng Pera pero di naman natuloy kulang kasi ang pera na nalikum namin. Tipid lahat para marami mapasalubungan sa pag uwi.

Ung mga Company na napuntahan namin, Siguro ang pinaka Magandang Experience ay dun sa Voice of America, dun lang kasi ako marami natutunan tungko sa broadcasting at some other equipment pa. Ung iba parang Picture taking lang ung kinalabasan. Okay din sa Subic kasi nagka-Idea ako sa mga ginagawa ng mga researcher ng barko, ang trabaho nila ay measure ung lalim ng bawat close shore water  para maiwasan ung pagsayad ng malalaking barko at makaiwas sa accident.

Tapos Nong pauwi namin mejo pagod na kami kaya nagkaroon ng conflict sa amin at dun sa driver. Nagkaproblema sila sa time management. Kasi kami gusto namin talaga mamili ng mamili aun nong pahapon na ay nakalimutan na ung oras kaya nagalit sila. Syempre di naman kami nagpatalo sa discussion at pinagunahan ung ng shrek ng batch namin. kaya nong pauwi mejo tahimik kami. So sad. sira ang araw namin non.

Unang bumaba ang mga taga Calamba kasi un ung mas Malapit. Dami ko dala non pero okay lang kasi nakalibre ako ng konting pamasahe, nisabay kasi ako ni lara hanggang sa may Halang kaya me bawas na ung binayaran ko sa jeep. haha.. Kinapalan ko na mukha ko, sayang naman e.. hehe

Ung mga nasa Picture above ay sila arvin, ariel, alvin at sir Ona. astig, lahat yan mga Engineer na.. yiheey..

Graduation:

ECE Batch of 2011 (PUP-STC)

Eto na ung araw na niaasam asam ng kahit sinong Studyante. Napaka-Exciting ng Graduation na to kasi 5 years din kami na naghirap at nag-aral para lang makuwa ung diploma ng BS ECE. Sa una, di talaga ako makapaniwala na Graduate na ako. May Halong Saya at Takot dahil di pa ata ready para sa actual na buhay ung magtratrabaho na para sa sarili mo at sa family. Pero un din ung Motivation ko sa pag-aaral un makatulong na sa family ko. Contradict ba ? Mejo noh? hehe Ang Gulo ng isip ko. Peace.

Special talaga ng Graduation na to. Una, Dahil umuwi si nanay para umattend ng Graduation. Di ba what an effort.. hehe. Muli, nagsama sama kaming magkakapamilya, Lahat Proud kasi nakagraduate ako in Time at walang Bagsak. Proud din ako sa Sarili ko at Nagpapasalamat din sa Diyos at pinagkaloob nya to sa akin. Second, Nakasabay ko sa pagpunta sa Graduation ang Family ni Lara. Masaya un kasi nagkabonding kami ng best of enemy ko ng 2010. haha..

Marami rin ako nagpapicture na mga crushes ko non na graduating. Syempre last day na naman, kaya naisip ko grab na ung opportunity para naman may remembrance before going to separate lives. Nagpapicture ako kay Kez, Ilona, Unknown Girl, chelo and Many more.

Eto ung one of my favorite Picture.. ang Cute kasi ni mina dito.

Yan ung Pic namin ng Nanay ko. hehe.. Wala kami Picture ng Tatay ko kasi shy sa Camera.. Sayang nga e. Pero okay lang un kasi alam ko proud din naman sa akin sa tatay at masaya sya for me.

Oath Taking:

After 6 months of NON-STOP Review Eto na ung Resulta. We made it. Nakapasa kami ng mga Classmate ko. 55% percent lang ung aming passing percentage pero We are still proud of it kasi after so many years ngaun lang uli tumaas ung passing percentage ng School Namin.

Dati talaga before me grumaduate ay nasaisip ko malabo na ako ay makapasa. Kasi Kung susuriin mo, ung mga nakakapasa lang sa aming school ay puro quizzer lang. Kaya very thankful kami kay God nong ni blessed nya kami para makapasa.

Ung isang nagpatibay na kaya kung pumasa ay si Kuya Jason. Kasi sya ung tipong di quizzer at simple lang kung umasta. Ung parang di mu aakalain na makakapasa sa board exam kasi easy go lucky e, lage pang lasing. peace. Nong pumasa si kuya Jason parang may liwanag akong nakita. Sabi ko “Kaya ko to, si Kuya Jason nga nakapasa habang nagwowork pa sya how about me kung ibibigay ko ung time ko para ipasa ung unang exam para sa magandang kinabukasan ng pamilya ko”. Then, Nagdecide ako na itake ang board ng buo ang loob.

5 days of uneasiness ung aking naramdam habang nag iintay ng resulta. Hindi talaga ako makalabas ng Bahay noon. Ung tipong mahirap lumabas kasi marami may alam na kumuwa ka ng exam tapos tatanungin ka ng “May result na ba? Engineer na ba?”. Nong November 4 lumabas na ung result. At nagtatalon ako sa saya. Sobrang saya ko. Nagflashback ung mga moments ko nong review kung pano ako naghirap ng 6 months for this moments to come.

I finally can say that I am an ENGINEER. Yeah.. saya..

During Oath Taking, ako lang ung pumunta. Ayaw ni tatay sumama, sayang naman daw ung gagastusin pa sa tickets. Ako lang ata ang walang kasamang magulang sa aking mga Classmate. Mejo nalungkot ako kasi gusto ko nga andun si Nanay at Tatay para makita nila ako para manumpa Bilang isang Electronics Engineer.

Masaya naman ang program ng Oath Taking, sobrang gaan ng atmosphere.

At natapos ang Oath Taking sa pagbibigayan ng mga License. Mejo magulo ang systema. 2 hours ata kami pumila para lang makamtam ung license na aming inaasam asam simula palang nong kami ay nagdecide na magtake up ng Engineering Course.

This is one of the Highlights of my Year. Astig na Astig ang pakiramdam ko. Kasi may mukha na akong ihaharap sa aking mga classmate nong High School.

Dati kasi I failed to prove myself. Gusto ko talaga makapasok sa UP pero di me lang talaga nakapasa tapos lahat ng kabarkada ko at kaibigan dun ay nakapasa sa UPCAT. I feel as an outcast that time. Saka pa lang ako nagtake ng exam sa PUP na wala naman ako balak pumasok kasi malayo sa amin ung lugar. Eventually God push me na makapasa sa PUPCET. Nagulat nga ako sa Grade na nakuwa ko dun. Wow pede para sa Engineering Course ung Score ko. Aun na ung naging simula para tahakin ko ung daan patungo dito. At simula non, nahihiya pa rin ako pumunta sa UP or kahit mamasyal lang sa ELBI dahil sa insecurities ko. Sa umpisa naiinggit ako sa kanila, kasi nakapasa sila tapos ung dream nila na makapasok sa pinakamagandang School sa Philippines ay natupad nila. Pero Nong grumaduate ako with a degree of BS ECE parang ibang tao na ako, unti unti ko na natanggap na di ko na maibabalik ung mga panahong un. God is always right to his plan. I had met a lot of friends and of course I acquire great knowledge living myself at PUP. I feel so blessed sa mga plans ni God.

Here I am, Giving an oath to my Parents and To God that I will do my best to make them proud of me. This Journey Has just begun. And it’s time for me to live to the fullest for whatever God plans for me

apir.

New Friends:

Eto ung mga naging kaibigan ko during review namin for 6 months. Tinetreasure ko talaga ung mga bonding namin ng mga to. kasi napaka bait at approachable nila e. Saka napaka religious nilang mga tao. Pag kasama mo sila talagang mahahawa ka sa kanilang mga ideology sa  buhay. Ang isang taong nagturo sa akin ng malulupet na Ideas ay si Frida. Sya na ata ung mentor ko pag sa motivation ung usapan. Lupet nan. Sa kalokohan naman ay si Day at Lovely, haha sobrang Majoke kasi yan dalawa at lage ko rin sila kabiruan sa Bhouse. Si ate yeng naman ang lage kong kaaway, haha ang taray nya kasi sa akin. Pero magaling si Ate yeng kumanta un ung hinahangaan ko sa kanya. Si Char-Char naman ay ung naging crush ko, ang bait kasi at walang arte sa katawan. Simpleng tao lang sya at tunay makitungo at syempre sobrang saya nya kasama. Wala ka Idle moments pag sya ang kasama mo. Si kaysie naman ay prang si frida rin, magaling din mag motivate yan, lupet nan nong last day before board exam namin kausap ko sya at talagang minotivate nya ko para bukas. Si Kris naman ang pinaka franka sa lahat sa kanila, Lahat daw ng secret malalaman mo kay kris. nagalit si kris sa akin nong tinawag ko syan g”Kris” dapat pala “Cris”. Ginawan ko kasi sya ng Banda, Kristina’s Parokya e nakalimutan ko lagay name nya. aun nagtampo na sya. hehe at Si anne naman ang mahilig mag beso beso. Nakakatuwa sya dahil dun pag sinasabi nya Beso-beso onat. Napakasmart nya talaga at sobra ang focus sa pag aaral ung tipong di mo na siya magagambala.

Anne

   

FRIDA

Yeng

Lovely

KRIS

KAYSIE

DAY-DAY

CHAR-CHAR


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s