ECE Board Exam experience 2011

Partehin natin ang mga bagay bagay para sa preparation para sa Board Exam. Eto ay batay sa kung ano ung naexperience ko so di naman suggested ung mga share ko sa inyo. Ang gusto ko lang ay mabigyan ko kayo kung ano ano ung maexpect  mo during review, before and after board exam.  So enjoy guys..

To all first timer na board examinee for Electronics Engineering ROCK on GUYS…

1. Choosing a Review Center (required ba talaga to?)

2. Preparation sa Review

3. Books to be Considered

4. Pre-board EXAM

5. Refresher

6. 1 week before the Examination

7. 1 day before the Examination

8. On examination date

9. Waiting for the Result

10. Oath taking

Ang una talagang Step para makakuwa ng Board Exam. Secure mo muna na makakagraduate ka sa April or October.  Eto ung unang mahirap na Step, ung assurance ng pag graduate. Kasi ung ibang review center ay nagbibigay ng discount sa mga early bird para sa package ng review. Mas maganda kung makakakuwa ka na non lalo na kapag endi ka naman quizer or Officer ng Class. Katulad ko ako ay simpleng studyante lang at nigrab ko ung early bird na promo. Mejo risky sya kasi di pa ako sure na gagraduate kasi mejo mahirap talaga ang 5th year marami projects at napapabayaan mo ung ibang mga subject dahil sa hirap ng time management non. Puro Overnight nga e. at ang mas Matindi pa ay Meron kaming Pre-board sa School. Pag di ka pumasa dun ay di kamakakagraduate. Un ung nakakakaba. Bago lang sya naimplement sa PUP-STC so kabado kaming mga classmate at lalo na kaming nadivert kung ano ba talaga ung dapat namin ifocus.. review, subject or projects?? Hirap mamili kasi lahat sila requirement sa Grade and of course ung mga dapat asikasuhin mo during graduation ung nagbigay pa ng Stress sa amin sapagkat endi masyado systematic ang proseso.. Ako nga nakikiride on na lang sa mga Classmate ko kung saan sila magpapapirma or mga gagawin dun na rin ako pero di ko talaga alam kung para saan ung mga ginagawa namin.

Bilang isang Graduating sa Engineering be better prepared kayo sa ganyang systema upang di kayo mahirapan. Set your mind na habang maaga pa. Mahalaga talaga ung Time management sa parte ng buhay mo na to..

Choosing a Review Center

Critical tong part na ito para sa mga reviewees kasi ibibigay mo ung whole trust mo sa isang tao kung ano ung maging future mo. Marami na ring mga Review Center ang ECE

  • EXCEL
  • PERCDC
  • TOP
  • EDGE
  • RF
  • PRC

Anong isaalang alang sa pagpili ng Review Center?

  • Materials
  • Mentor
  • PROGRAM

Materials

Ang Review Center na pupuntahan mo ay dapat maraming materials na hawak. Kasi ung mga ibibigay nila ung mga aaralin mo. Ang iba dun ay di mo natake up ng College na include sa board exam syllabus. Bibigay ko ung point na to sa EXCEL at PERCHDC.

Mentor

EXCEL lang kasi ang Review Center ko. Kaya ung payo na ibibigay ko sa mentor ay base sa mga classmate ko sa ibang Review ko ibabatay.

EXCEL: ang mentor dito ay si Sir Pangan, Sir Cuervo, Sir Jay jay, Sir Fuentes at si Sir Amboy. Dito lang ako may alam e. Paxenxa na kung mejo Kulang info na mabibigay ko sa ibang review center, ung mga comment na lang ng aking mga classmate ung share ko. Sa Excel itreat nila kayo equally so it means walang favoritism dito at kailangan Fast Learner ka kasi Mabilis ang Facing ng kanilang Lecture. Magaling naman magturo ang mentor dito lalo na si Sir Pangan at Sir Cuervo.

Sir Pangan ang Da best kasi sya ung lively magturo at gusto nya magets nyo talaga ung lecture nya sa loob lamang ng 3 hours. Malupet din sya mag joke (kailangan talaga to iconsider). kasi kailangan maging lively ka sa loob ng room para makasabay sa discussion, di lang kailangan ay puro galing lang. anong mapapala ng magaling kung tulog naman sa klase ung mga tinuturuan mo. Di ba? Saka napag aralan na natin un nong College kaya ung iba sawa na sa pag aaral sa klase. So mahalaga tlaga ung ganong mga mentor na ugali at kung pano sila magturo.

Sir Cuervo naman ay nakakaantok magturo sa Klase pero dapat gisingin mo ung lamang lupa mo tuwing magklase sya kasi lahat ng mga sasabihin nya mahalaga talaga at magagamit mong panlaban sa board exam. Uminom ka na ng Kape pag sya ang magtuturo. Serious Stuff yan, kaya dapat mo talaga yan paghandaan kungnapili mo ang excel na review Center.

Sir Jay Jay, sya ang Little Princess ng EXCEL. haha. un tawag nila Sir Pangan sa kanya e. Ang specialty ni Sir jj ay General Science. Amazing ung pagtuturo ni Sir sa GEAS lalo na sa Computation ung mahihirap isolve dati nong college madali lang pala lalo na ung sa Strength of materials and Rigid Bodies.

Sir Amboy, haha.. kalahati ata ng pagtuturo ni sir ay puro kwento lang. about sa experience nya sa buhay at ung accomplishment nya sa buhay.. ang maganda lang kay Sir ay mamotivate ka lage mag aral at parang narerelax din utak mo sa mga jokes nya..

Sir Fuentes, haha. Natatawa lage ako kay Sir Fuentes sa pagtuturo nya. Sya kasi ung tipong ng tao na mahilig mang aasar pero lage naman talo. si Sir Fuentes ung pinaka approachable sa mga mentor ng EXCEL so wag kayo mahiya sa kanya humingi ng mga materials kasi magbibigay yan..

PERCDC: Nong review namin ay ung time na umalis ung magagaling na mentor ng percdc marami ang nag-alinlangan kung kaya pa ba ng PERCDC makipagsabayan. Pero base sa mga Classmate ko ung bagong mga Mentor ng PERC ay mababait at mapagbigay sa materials kaya dami nila materials na nauuwi sa boarding house namin.. Sa pagtuturo mejo boring daw ung pagtuturo ng Mentor dun. pero ung content naman ay maganda kung susuriin mo.. so dapat mas focus ka at matyaga sa pag intindi ng lectures. saka sa PERC madami ka malalaman na mga Short cut  na formula. un siguro ung Strength na makukuwa mo pag nagreview ka sa PERC

TOP: maybe I will give the Best Mentor sa Review Center na to. kasi sa Top (based sa aking mga Classmate) ay di lang tungkol sa review ung mattutunan mo at pati ung mga bagay bagay na dapat malaman mo sa actual life mo. parang maging mentor mo sila AFter this. Di ba astig. Magaling din mga Prof Dito sila Sir Adrian, Sir Woods at Sir Roy. Di ka talaga nila pababayaan. ibibigay niila lahat ng meron sila sayo kasi itinuturing ka nila as na kabarda lang. Siguro kung may Extra money ako ay nag enrol ako dito. Siguro ang naging weakness lang ng TOP ay ung reviewer para sa GeAS kasi dun sila nahirapan lalo na sa board exam.

PRC: Nung time na nagrereview kami ay time na nag alisan ung mga Mentor ng PRC. Di ko alam kung anong nangyari sa kanila after that.

RF: wala me naging balita sila ung pinanganak ng PRC.

EDGE: Siguro ang Strength ng Mentor ng EDGE ay pagtuturo ng MATH. Kung mahina ka sa math better check this REVIEW Center.

Sino ang may pinaka Magandang Program?

Sa Excel ang program ay magulo. Sobra. ang katwiran kasi nila, nag tapos ka na ng BS ECE so dapat kahit anong unahin nila ay makakarelate ka. One week lang nila inaayos ung mga schedule nila kaya di motalaga mamanage ang time mo sa susunod na mga araw. Kailangan lage ka rin magbabasa sa Bulletin nila kasi andun ung mga Schedule na bago lalo na kapag may make-up class at advance make-up class para paghandaan ung mga bagyong paparating at di na maalantala ung program nila kahit walang pasok dahil sa Ulan.

Every Week may Exam para matest mo ung knowledge mo sa mga nagdaang mga lecture. Maganda ung Program na ito kasi nakikilala mo na agad ung mga nangunguna at mga kalaban mo para sa Top spot. Maganda ring motivation ung exam para mag aral kasi bilang isang profesyonal mahalaga din na nakikita mo ung outcome ng pinag-aaralan mo at syempre nagbibigay din un ng boost sa confidence mo.

E-Review: Eto ung pinagmamalaki ng Excel ang kanilang Virtual review program. Maganda rin tong program na to ng excel napaka Handy nya basahin at matetest mo na rin ung knowledge mo in advance. Kaya lang may Limited Session lang na available lang kaya proper use talaga ang kelangan. Kung alam mong ayaw pumasok ng mga binabasa mo nong araw na un ay wag ka na mag e-review, save mo na lang sa mas ok na pagkakataon. Ang Pinaka mahalagang Part ng e-review ay ung Last 2 weeks na ilalabas nila na update so kelangan may matira ka pa na at least  8 na sessions para macomplete mo ung lahat ng  Module na bago.

Sa PERC mas maganda ang program kasi nakasched na ung buong subject na aaralin mo hanggang sa last day. Mas madali ung time management mo at mapapag-aralan mo rin ung diskarte at scope ng exam na paghahandaan mo.  Ang advantage nito ay kahit magkasakit sa isang araw pede mo pa sya matake sa ibang araw na sure ka na un ang subject. Unlike sa Excel, Bye Bye Philippines ang mangyayari pag di ka nakaattend.

May Virtual din ang PERC, masasabi ko na mas maganda ang virtual ng PERC compare sa EXCEL kung ung mga features ung pagbabasehan kasi mas madali mo magagamit ung sa PERC dahil pede mo gamitin ung keyboard ung sa excel by click lang kaya mahirap pag di ka sanay sa pagcocomputer. Ako kasi mas madali sa akin pag may keyboard, Mas di sya hustle sa aking kamay.

Sa Top, Halos parehas lang din sya ng PERC kasi Makikita mo na rin ung subject mo the whole semester. Ang panget lang sa Top ay obligado ka pa rin pumasok kahit sobrang lakas ng Bagyo. Ang katwiran naman nila ay ang Board Exam ay di mamomove kahit malakas pa ang Ulan. Ang di ko lang gusto e di nila sinasaalang alang ung studyante nila na magbyahe papunta sa kanila kasi sa Manila ay Bahain e kung magkasakit ung mga students sa paglublob sa baha. di ba?

Sa EDGE, Sabi ng Classmate ko mejo magulo ang Sched ng EDGE. Ang maganda sa EDGE ung posting ng kanilang mga exam kasi overall posting ung ginagawa nila makikita mo kung anong school ung kulelat sa exam. Pero di mo makikita ung mga pangalan nong bagsak syempre naka ID Code un para di nakakahiya. Maganda rin tong motivation kasi ayaw mo naman sabihin ng mga ibang school na bobo ung mga Studyante Galing sa School nyo di ba. Great Competition.

Ano dapat ung Piliin nyong Review Center?

Popular Subject of each Review Center:

EXCEL: GEAS, MATH, EST

PERC: GEAS, MATH, EST

TOP: MATH, EST

EDGE: GEAS, MATH

PRC and RF: wala me balita sorry.. wla kasi nagtake sa mga classmate ko

 Electronics ay dapat madali lang sapagkat Electronics Engineer tayo eh. diba. Mejo kya Sagutin.

Di na ako mag suggest ng Review Center ha. Kasi mahirap na baka kasi masisi nyo pa ako.

My Reason for Choosing EXCEL: Simply Because I trust them at matagal na silang may magandang feedback sa mga forums at ung mga percentage ng passing rate nila maganda rin. D ko pinili ung PERC dahil nga nong review namin ay Umalis ung mga Mentor nila kaya nag Doubt ako na mag enrol dun.

Kailangan ba talaga mag review center?

Tingin ko kailangan talaga para sa mga normal na student. Kasi base sa experience ko 60 percent ung nakuwa ko sa review center and 40 percent lang ang lumabas na napag aralan namin sa School lalo na ang GEAS at EST questions na sa mga materials ko lang ng Review Center nalaman.

Preparation for the REVIEW

Ang unang preparation ay humanap ng Boarding House kung saan ka titira sa Loob ng 6 months. Kailangan mong pumili ng accessible na place and of course Hindi Bahain.

Requirements for Good Boarding house:

1. Good Environment – kailangan ung place mo ay hindi bahain at di maingay like mga Bhouse na malapit sa daan at ung mga kulob na lugar kasi sa Manila ay mainit pag tanghali so kailangan pumili ka ng place na comfortable ka mag aral at matulog.

Price range ng boarding house:

1200 per person in one room -> 6 person

Ung boarding house na to ay mejo low class or malayo sa mga universidad. ung tipong sasakay ka pa ng jeep pra makapunta sa review center mu

1500 per person in one room-> 6 person

Halos katulad din to ng laki ng room ng 1200. Mejo nag vary lang sya depende sa namamalakad at sa position nong boarding house.

2000 per person in one room-> 6 person

comfortable na rin dito.

3000 per person in one room-> 6 person

Etong mga to ay may aircon na sa Bhouse. so comfortable talaga at malaki talaga.

San Location ung Mura ang Bhouse?

Sa Recto ang may pinaka murang Bhouse at dun sa Paligid ng UE.

Sa May Gilid naman ng UST sa Espanya ang may pinaka mahal ang cost of living. nagrarange kasi ng 18K dun per room

2. Location of Review Center:

EXCEL:

Ang Location nila ay sa R. Papa Street. Katapat sila nong PSBA. Malaki ang place ng Excel so di ka mahihirapan hanapin sila. ung isang building dun ay kanila, mula 1st floor to 4h floor.

Di bahain ang lugar ng Excel kasi mataas ung place nila compare sa ibang review Center.

Ung kainan naman sa Gilid ng Building ng Excel ay OK naman ang presyo. Kaya naman ng Budget kasi may Student meal na offer.

Malapit din sila sa FEU at sa UE na School.

Katabi ng EXCEL ang isa pang sikat na Review Center for Civil Engineer. RI Review Center. Sa baba nito may maliit na booth ng chichirya. Pede ka rin dun Bumili doon pang baon.

PERC:

Matatagpuan sila sa F. Cayco street. Malapit sila sa may UST. Pedeng lakarin pag nasa Tapat ka na ng UST.

Bahain ang lugar ng PERC pag bumuhos ng Matagal ang Ulan ay sila agad ung lumulubog, so kalimitan pag may bagyo ay wala talaga silang pasok.

Mejo mahirap mahanap ung PERC kasi di sya kapansin pansin. Lalo na ung Pasukan. mejo Luma na kasi ung Lugar nila. Pero Accommodating naman sa Loob.

TOP:

SA tapat sila ng PRC. kaya madali lang sila hanapin. Nakalimutan ko  ung tawag sa building. Pero pag may nakita ka na elevator sa may bukana ng pasukan un na ung lugar ng Top RC. 4th floor ata sila. I’m not sure. Pero pagtanong nyo na rin sa guard kung anong floor para sure.

EDGE:

Room 502, Doña Amparo Bldg. G. Tolentino St. (formerly Cataluña St.) cor. España Blvd., Sampaloc, Manila ang  Location nila. Kahanay nya ang UST. Madali lang mahanap to kasi may malaking banner ung EDGE. Tingin lang kayo sa taas. Malapit sya sa may Overpass galing PRC. Di kasi ako aware sa mga street dun e. Paxenxa na.

Sobrang nakakatakot ang Lugar ng EDGE kasi nong pumunta ako parang nagewang ung mga sahig pag andun ka nsa 5th floor. Di ko lam kung imagination ko lang. Pero un ung naramdaman ko at pati ng mga classmate ko. Mahal ung mga Pagkain sa may eatery sa ground floor ng Building abot ata ng 50 para mafull ung stomach mo. Kaya ung mga classmate ko ay nagbabaon na lang para makamura kahit konti.

Bahain ang Paligid ng EDGE.

3. Budget

Before you choose a Boarding house, you must also know how much budget you will have to spent for one month. Remember, ung mga Bhouse na renta ay di pa kasama ang tubig at kuryente for a month.

Ako ang naging gastos ko per month ay umaabot ng 5500  pesos kasama na lahat dun pati pagkain, rent, and miscellaneous.

4. Accessible for other Establishment

Kailangan alam mo rin ung mga establisyemento na nasa paligid ng boarding house mo. Dapat malapit sya sa Drug Store, Super Market at Palengke para di ka na mahirapan bumili ng mga kailangan mo  pang araw araw. Hustle kasi un. Saka sayang ung time mo na mawaste sa pagtravel edi sana nagamit mo na  un sa pag aaral. At saka matraffic ang byahe sa manila kaya nakakastress lang.

Maganda rin magtanong ka sa mga alumni nyo kung saan sila nag Boarding House para naman may idea kayo sa lugar at sa mga experience nila regarding sa location. Maganda rin na magtanong kayo kung saan pede kayo irefer na bhouse para mas mapadali ang paghahanap nyo at may assurance na maganda ung place at comfortable.

Maganda rin na maghiram ng mga notes from your alumni para may materials na kayo sa umpisa pa lang review. Mas maraming mababasa mas Maganda. Sabi nga, Panalo ang maraming Nabasa.

Pero sa akin, Panalo ang maraming naintindihan sa kanyang Nabasa!

During review dito nyo babalikan ung mga natake-up nyo nong college, mula Algebra hanggang sa Differential Equations, DC to Industrial technology, AM to NAvigation. Ung isang sem na subject ay itatake-up mo lang sa loob ng 3 hours. Kailangan mo prepare ung sarili mo sa maduguang pag intindi ng mga subject. Alam ko naman lahat tayo ay may  ayaw na subject during college, kaya dapat isang tabi muna natin to, kelangan nating mahalin ang bawat subject naituturo sayo.

Ung mga reviewer ay sobrang galing na sa pagtuturo ng subject. Maybe, siguro dahil sa matagal na pagtuturo na rin or sadyang magaling lang sila. Para sa akin, talagang magaling sila, lahat ng sasabihin nila ay pawang tama naman. Kaya Both ears must be wide open tuwing class. Kalimutan muna ung pagtatanongan sa klase or biruan. Tandaan, Lahat kayo ay nandun para magreview so nakakahiya na interrupt mo pa ung kanilang concentration. Be professional!

Speaking of Be Professional, Don’t Be late to your Class. Sa excel mayroon silang policy na ung mga late ay di na bibigyan ng handouts. Parang punishment nila un dahil di sila pumasok ng maaga sa class. Ang Katwiran nila ay di nila un tinotolerate sapagkat ung di pag attend sa class or malate ay malaking chance na di pagpasa ng students. Ayaw din nila kasi na bumababa ung kalidad nila ng pagtuturo kaya dinidiscipline talaga nila ung mga students nila to have focus at interest sa review.

Sa First week ko sa manila mejo lonely kasi ahead ako ng 5 days sa mga classmate ko sa pagpunta sa boarding house. Hinatid ako ni Nanay at lola kasakay ng VAN. I feel a bit of stranger sa place kasi ba naman ang daming building at saka sobrang liit lang nong bhouse na napili namin kaya nung una ay nag aadjust pa ako. Super Adjustment. Ginala ako ni nanay sa place sa manila kasi nong college nya dun sya nagboard. Malapit sya dun sa may Espanya dati. Pinuntahan namin ung Quiapo Recto and St. Jude. Nagbonding moments kami kaya masaya na rin. Then, nagpunta rin kami sa makati, sabi ni nanay dapat alam ko ang papunta dun kasi para pagkatapos ng board exam pag napapply me sa Makati ay makakapunta ako mag isa. Mahirap daw kasi pag ung  pupunta ka dun ng first time.

Siguro It’s advisable na ivisit nyo rin ung land mark sa manila para sa unang week ay mafeel nyo na at home kayo kahit papano.

Nong unang araw ko dun ay wala me ginagawa. Kasi ala pa ako books na nahiram in advance. ang meron lang ako ay dalawang 3001 na book ng excel. Di ko sya binasa kasi sabi ko di pa naman start ng review magrerelax muna ako ng 2 days. Nag ayos ako ng gamit ko dahil ako ang unang nakapunta sa bhouse ako pipili ng kama ko. Ang pinili ko ay ung taas kasi wala ako dala electric pan. Di ko talaga ni expect na sobra palang init sa manila sa tanghali at sa gabi. Di ako sanay sa ganyong atmosphere kaya nong 3 days ay di ako nakatulog ng ayos. Lonely na tapos puyat pa. What a day to start a review.

Must bring during 1st month of review:

  • electric pan
  • College notes
  • Engineering books
  • Clothes for 1 week
  • Money (1000php ok na kung taga calamba lang bahay mo or pampanga)
  • Infinite motivations and inspiration

Sa unang mga araw ko ay naghanap ako ng murang kainan na malinis at mapagkakatiwalaan. Di pa kasi pinayagan na magluto dun sa Bhouse nong umpisa at saka wala ako kalan dala. At dun ko na nakilala ung Tindahan nila Bro. Sa totoo di naman talaga ganon kasarap mga pagkain dun. Pero masatisfy ka naman sa mga handa nila kaya nga lang whole year mo na un kakainin kasi pare-parehas sila ng menu everyday. Malapit sya sa University of Manila. Sikat un dun. Pag tanong mo lang sa mga student kung saan ung karinderya nila Bro. Bro kasi ang tawag namin dahil pagbibili ka sa kanya lageng introduction nyo ay “Bro anong order mo?”

Sa loob ng 1 month ganon ang naging buhay namin sa pag kain. Saklap ba? Kelangan kasi talaga magtipid e.

First day sa EXCEL:

Sa first day namin ay elecs ata ang subject. Mejo nalimutan ko na kung Elecs or Math. Dito na rin kami ni Orient ni Sir Tiong at Sir Cuervo. Magaling magsalita si Sir Tiong. Talagang mapapakinig ka sa kanya pag nag sasalita at palatawa talaga sya. haha. Ang daming new faces ako nakita from different school. I feel inferior that time. Kasi ung mga Classmate ko came from great universities like BPSU, BSU, PUP-manila, PUP-maragundong and HAU. Sobrang kabado ako kasi wala ako kilala samantala sila ay magkakilala. Outnumbered ako at mga classmate ko. 3 lang kami sa room non na magkakaclassmate, ako, Mina and Bryan. Ung dalawa pa ay magsyota kaya wow, kahit magkakaclassmate kami ay minsan talagang naoop ako sa kanila. Alam mo na Bf-Gf like.

Sa Excel ang first two months mo ay Elecs at Math ang pag aaralan at may konting GEAS like Physics at Chemistry.

Sa first two months, you must master all computation ng Math at Elecs. And of course ung mga Concept ng Elecs kailangan marefresh na rin dito sa time na to at computation ng GEAS. It is advisable to compute first and avoid to read terms regarding geas, elecs and math. Kailangan sipagan mo ung pagsosolve mo sa mga panahong ito. Saka pag may free time ka mag advance reading ka na rin sa Comms. Ang magandang unahin mo ay ung Frenzel  kasi light lang ung mga explanation dun. Kung baga sa Inuman ay kailangan wag mong bibiglain ung concept na babasahin mo. Mas nakakafrustrate kung di mo maiintindihan e.

Sa Math ang magandang libro ay Librong pang Civil Engineering, ung libro ng edge na math at 3001 Math ng Excel. Magpractice din kayo dun sa ibibigay na review notes ng Excel. Marami nagsasabi na maganda ung don and don para sa calculus pero wag mo na basahin un kasi sayang sa oras dahil basic lang question dun. Basta pag math ang usapan Practice makes perfect.

Sa una mangangapa ka sa mga problem almost 5 years mo na rin naman kasing di sya napractice kaya nakakafrustrate kahit  ung simpleng work problems at coins ay di mo maintindihan sa unang basa at solve. Nasa isipan ko nga noon ay “engineer ba ako? bakit ang bobbo ko sa math?” Ang gawin mo tong motivation, ung mga weakness mo ay gawin mong motivation para maimprove mo ung knowledge regarding it. Ang nasa isipan ko nga, pag nasasagutan nila ay kaya ko rin.

Sa math kailangan magsolve ka! Magsolve ka!

Pero may mga classmate ako na hinuli ung math like kirby (Board Passer din sya). Un ang diskarte nya, kasi daw makakalimutan nya raw agad ung formula sa Math at Geas kaya hinuli nya.  Pero maganda rin ung naging diskarte kasi di sya nahuli sa Comms at Elecs.

Pinaka Malawak kasi ung saklaw ng EST kaya maganda rin kahit papaano ay magbasa basa ka na rin dito

Ang naging diskarte ko sa EST ay nagbasa ako ng Frenzel tapos Blake at Tomasi. Buong review ko sa Comms puro basa lang ng libro. Sobrang umay na ako dun e. Pero di ko sasuggest sa inyo yan. hehe.. Siguro magbasa ka na lang ng review notes tapos magbasa ka ng isang libro like Tomasi or Blake. Then mag answer ka na ng multiple questions. Eto ung Mali ko. Dahil nga nagbabasa ako ng Tomasi at Blake pag tinanong na ako ng wala sa libro ay wala na ako masagot kaya talagang iwan ako dito kasi ung mga exam namin sa weekly exam ay di naman halos lahat kinukuwa sa libro mayroon din sa ibang libro na may multiple choice. Naiwan ko rin ang computation ng EST dahil dito sa pagbabasa ko ng libro at talagang nagpapangit ng performance ko. Ang tumatakbo sa aking isipan ay kailangan kong basahin un baka may makuwa kahit papano. Pero as you read, nagpapatong patong na ung kaalaman, nakalimutan ko na ung nabasa ko sa Frenzel, tomasi and blake. Ang isang word lang na lage ko sinasabi “putik alam ko sa blake(tomasi or frenzel) yan kinuwa di ko lang alam kung anong sagot.”

Sa elecs ay review notes lang ung nirereview ko. Wala kasi ako at mga classmate ko sa boarding house na may libro sa elecs. Ang binasa ko lang ay ung kay Villamor na Elecs book. Sa una ay tamad na tamad ako, kasi ung Comms ko dami ko binabasa tapos sa elecs isa lang. Parang walang Challenge. Dito na rin ako nagstart magsolve ng Gibilisco. Q and A lang ako sa Gibilisco. Bali boring talaga ang Elecs ko parang eto ung pangrelax ng mind ko nong review. Mejo madali kasi ung solution dito at ung mga concept na dapat intindihin.

Sa Geas naman ay maganda ung handbook ng Excel na Geas kasi dami mga terms dun at mga Computation na mahirap. Siguro sa Review ay magbasa basa na kayo dun at mag solve na ng maraming terms.  Mas maganda kung Q and A ka na rin dito pero kung may time ka pa ay mag answer ka ng Handbook. Advisable sya kasi during examination ang maaalala mo ay ung paano ka nagkamali at endi ung paano ka tumama. Mas nakakalito ka nga pag tumama ka sa isang question tapos binago ng konti ung meaning ng tanong mas magkakamali ka nga ng answer lalo na kung di un pamilyar.

Noong nagrereview ako ay antok na antok ako palage sa class. Di ko alam kung bakit. Un lage ang pakiramdam ko pag may class. May point pa nga nong nagtuturo ng Communication si Sir Cuervo ay natulog ako ng 30 minutes sa class. Wala kasi gumising  sa akin, alam mo na ala me friends during dat time dahil hiwahiwalay kami ng mga classmate ko ng room at ung dalawa kung classmate na couple ay hiwalay din umupo sa akin.

Ang Schedule ko sa Excel ay M-W-F 8am-11am. Yan ung kinuwa kung slot kasi sabi Mas maganda ung Maaga mag start para sa hapon ay diretso aral na hanggang gabi Madali maubos ang slot na to kaya kung gusto nyo talaga ay magpa advance kayo ng reserve.

M-W-F kasi gusto ko Monday magstart ang araw ko tapos uuwi ako ng saturday sa Bahay tapos ang balik ko ay Sunday ng hapon. Para mahaba ung time ko sa Pag-uwi at makakatipid ako kahit papano.

Sa first two months uwian talaga ako every week nakakamiss kasi pag di ako uuwi sa bahay e saka wala lang, gusto ko kahit papano ay marelax ang isipan ko kahit papano at malayo sa bhouse na puro aral lang ang ginagawa.

 Sa First two months ko ay every hapon ay natutulog ako. di ko mapigilan ang sarili ko na matulog pagsiesta time, ewan ko ba parang napaka relax pag hapon ako hihiga sa kama. hahaha. Pero habang tumatagal ung review binabawasan ko na rin ang pagtulog ko sa hapon mahirap na baka maungusan ako ng mga classmate ko sa bhouse.

Si jaymond at kirby ung lageng kasama ko pag magrereview sa bhouse kaya tahimik. Ang nangyari kasi ay napahiwalay kami ng sched ni Jaymond sa ibang Classmate ko. Kasi ung mga Classmate ko ay T-T-TH ung nakuwang Sked at mga double review center or minsan sa library sila ng review center nag aaral kaya kalimitan ay kami ni Jaymond at Kirby ung mga magkakasama sa Hapon.

Di ko alam kung applicable tong Istilo ko pero share ko pa rin sa inyo. Tuwing Saturday ay Weekly Exam ko at M-F ay review period ko sa aking sarili. Every week ibat ibang scope ung exam. Ang unang exam namin ay Math, so pag nagrereview ako di ko sinusunod ung program ng excel. Ang sinusunod ko ay ung Examination week. Un ung aking pinaghahandaan palage. Kung baga pag nagturo ng di related sa exam for Saturday nong week na un ay sinasantabi ko muna sya. Kasi gusto ko mas focus ako sa mga subject or topic na tatalakayin na scope ng exam. Nahihirapan kasi ako na paghaluhaluin ung mga subject sa akin utak. Ang nasa isipan ko kasi ay pagpinaghandaan mo maigi ung examination ng buong focus ay mas maganda makukuwa mong result kesa dun sa pahapyaw mo lang ireview kasi nga may iba ka pa na nireview in that week.

Don’t review for the sake of passing the Weekly Exam, But for the sake of Passing the Board Exam!

Maraming Student ay masaya na pagnakakapasa sila sa weekly exam. Ung sobrang taas nila sa Weekly exam.

Ako kasi may schedule ako sa sarili ko nong mga panahon na un e. For example ang weekly exam ay nagscope ng algebra, anal geom at geometry. Tapos ang namaster ko lang nong week na un ay algebra at anal geom, edi di ko na masasagutan ung part ng Geometry kasi di ako narefresh dun sa mga formula. What will I do ay mag aral pag nagkaroon uli ng  exam about Math and dat time Mag start na ako sa Geometry to calculus and so forth. Ganon ako mag review. Minsan nasasacrifice ko ung mga topic na di ko natapos. haha.. kaya di ko alam kung epektive din sa inyo yang ganyang style. I just wanna share it to all of you.

Ang naging advantage lang ng study habit ko ay parang narerefresh ako sa mga topic na inisantabi ko nong mga week na di sila nainclude sa mga future exam. For example ung Physics at Chemistry ay inisantabi ko nong 2nd week then biglang natake up ung Geas as exam sa 5th week edi limot ko na ung Physics at Chemistry edi parang naging advantage sa akin na marefresh ung aking knowledge about it. Continuous refreshing ung nangyari at napaka time consuming. Kaya rin siguro nakatapos ako ng Frenzel, blake at tomasi dahil sa ganong habit.

During review, ang greatest  opponent na haharapin mo ay ang KATAMARAN. Yes, yan talaga ang pinaka mahirap lagpasan sa pagrereview. Kasi may point talaga sa pag aaral na tatamarin ka magbuklat ng notes mo. kasi iisipin mo na malayo pa naman, kaya pa yan basahin sa mga susunod na mga araw. For me,kaya m eto ung nagpahirap sa preparation sa board exam. Kasi ang kalaban mo dito ay ang sarili mo and nothing else. Kaw lang makakapagsabi kung malagpasan mo ung point ng katamaran na dumadaloy sa dugo mo, lalo na pag nasosolve ka. kasi pag nagsosolve ka nauubos ang oras mo sa pag sosolve ng 50 items sa isang araw. Brain draining sya. Maiisip mo sa sarili mo na magbabasa na lang ako ng book or lalabas para kumain para lang maalis ung Inip sa sarili mo.

Nakakatamad umupo sa isang araw tapos magsolve ka ng 100 items ng math , geas, comms at elecs.

Kung mapapansin nyo sa curriculum  ng ECE, mula 1st year to 3rd year lang ung maduguang pagsosolve. Pagdating ng 4th to 5th year ay puro basa and project na ung focus so ung pagkahilig mo sa pagsolve ay wala na. Parang it’s always better na magbasa.

I’ll tell you na ang pagbabasa ang pinaka nakakaantok na gawain. Magbabasa ka from 8am to 9pm sa free days mo. Ewan ko lang kung di ka antukin sa first 3 hours mo ng pagbabasa. I doubt it to be easy for you. Pwera na lang kung hilig mo talaga ang pagbabasa. May mga tao talagang mas prefer ung magread.

Di to na papasok ung pinaka last na dapat dalhin mo sa Pag rereview: Infinite motivations and inspiration!

Kailangan motivate mo ung sarili mo to surpass that laziness. Find infinite reason para mag aral ka pag idle time, pag hirap ka na sa kakaintindi ng notes, pagbabasa, pagsosolve and etc.

Ako ang palage kung iniisip ay ang family ko. Sila ung number one reason kung bakit pag tinatamad ako ay pilit kung minumulat ung mata ko sa pagbabasa. May point pa nga na sinasampal ko ang aking mukha at kinukurot ung aking kamay para lang magising sa loob ng class at pag nasa boarding house. Ang sinasabi ko sa aking sarili ay I can do this pag di ako nag aral baka di ako pumasa at ung paghihirap ni nanay at tatay ay masayang lang for 5 years. Gusto ko after this magift ko sa kanila ung license na alam kung gustong gusto nila na makamit ko. I always think of them. Iniisip ko rin ung mga kapatid ko na kelangan ko makapasa para mainspire din sila na mag aral na everything is possible pag pinaghirapan mo. Iniisip ko rin si lola charing kasi gusto nya ako maging engineer in the future, kaya lang di nya nasaksihan ung accomplishment ko kasi namatay na sya. Iniisip ko rin si lola wawing na lage me iniencourage na mag aral, sabi lage ni lola galingan mo sa exam alam kung kayang kaya mo yan, tsak ipagkakaloob yan ni Lord sayo kasi you deserve it naman. All of this nag rurun sa isip ko araw araw para lang gumising at mag aral.

Second motivation ko ay ung mga kaibigan ko sa PUP lalo na ung fortrece. Kasi kami ung nag organize para matayo ung fortrece. Lage ko iniisip na nakakahiya if magfailed ako sa board exam. Wala ako mukha ihaharap sa kanila pag nagkataon.

3rd Motivation ko ay ang mga naging teacher ko mula grade 1 to college. Iniisip ko sila kasi gusto ko mapatunayan  sa kanila na they made a great person sa kanilang pagtuturo. Corny noh? pero yan ung reason kung bakit ako mas sinisipag. Sabi ko, gusto ko bumalik sa aming school bilang isang engineer para naman maging proud sila na nakapagproduce sila ng mga kalidad na studyante.

4th Motivation ko, whahahaha.. eto na ata ung nakakatawang motivation ko, lahat ng crush ko motivation ko or better called inspiration, wahaha.. lahat ng crush ko lage ko iniisip na pag nakapasa ako magiging girlfriend ko sila.. wahaha.. tawa na lang ako.. Pero wag ka, pag puso ang usapan ay mas matindi ung maachieve mong motivation sa sarili mo. May crush kasi ako na may bf na ECE din, kaya lage ko sinasabi sa sarili ko na kailangan makapasa ako kasi dehado na nga ako ngaun pano pag bumagsak pa ako lalo ng natabunan ng limot ang pagkatao ko. hahhaha.. Sobrang corny talaga ng motivation na to para sa akin pero its keep me going everyday. di ba astig.

4th motivation ko ay mga classmate ko, well siguro ayoko kasi mapag iwanan nila. Nong nagpreboard kasi ako sa school namin pang no. 23 ung position ko. Sobrang layo ko sa ranking. Syempre kabado ako dun kasi walang laban ako that time. I used that as a motivation para mag aral pa ako. Lage ko sinasabi sa sarili ko na mahaba haba pa ang kakainin kung mga books para makaabot sa top 10. why top 10 ang target ko? well, dahil sa school namin ang nakapasa lang sa nagdaang mga taon ay nasa 5 to 10 percent lang. Edi kung makakaget ka ng rank 23 parang suntok sa buwan na ang pagpasa. Kaya sinasama ko to as motivation lalo na pag may weekly exam. Ayoko magpabukot sa ibang kung Classmate. Kaya I always do my best every week..

5th motivation ko ay Competing to other School. Gusto ko paglaban yung school namin sa Weekly exam. Gusto ko andun ung School namin na nakapaskil sa top school performance. Kasi gusto ko  matest din ung kalidad ng education namin sa kanila. Lalo na sa mga lasalle, Mapua, UP, PUP-manila etc. I want to think na it’s a school competition, every person represents their school kaya pag di ka nakapasok sa mga top performing school tuwing weekly exam ay weak kayong lahat. Pero minsan lang ako nakapasok sa weekly exam bali ung mga classmate ko na matatalino ung gumagawa ng pangalan para sa aming school. hehehehe.. Pero I always do  my best para makapasok ako dun.

6th motivation, ung Promise ko kay lara na magkikita kami sa Oath taking.

7th motivation ko, Money that I spend during review.

8th motivation ko, Ung boarding house namin, nag promise kami na mag 100 percent kami sa Bhouse.

9th motivation ko ay ang Insecurities ko nong High School. Lahat ng Classmate ko nong high school ay nakapasa sa UP so outcast talaga ako after graduation ng High School. Kaya ginawa ko na rin sya motivation para pagnakaharap ko sila uli ay may mukha na ako maihaharap sa kanila.

10th motivation ko ay to create infinite inspiration to keep me motivated.

If you have master on motivating yourself then you are ready to enter the last stage of Getting the License: REFRESHER or COACHING (If you enroll in review center)

but before we Make a journey to my Coaching Experience, First let us discuss the books I have read during reviews.

Book to Consider

ELECS

1. Gibilisco fourth Edition

Ang review ko sa Gibilisco ay Q and A lang as I said earlier. Di na ako nag abala na basahin to kasi pdf lang ung meron ako. Ang pinaprint ko lang ay ung pinaka Questions at the end of each chapter. Magandang basahin ang Gibilisco sa review tapos irefresh mo sya ng isang beses sa refresher. Ang pinaka madalas makuwa dito in exam ay ung mga question about power supply at ilan sa Oscillator. Madali lang ung mga questions dito pero meron ilan kung di mo nabasa ung tanong at sagot ay di mo masasagutan sa actual na exam. Ung bang mga terms na out of this world kung ituring namin.

2. Neets

Neets ay basa ko lang nong refresher. Meron kasi ung classmate ko na parang virtual review sa neets. Q and A din ang basa ko dito. ang Neets ang may pinakamahirap na mga question sa Elecs, kung di mo talaga mababasa ung mga tanong dito ay di mo masasagutan to sa actual exam. Magandang sa Huli mu na to basahin kasi ba naman ay nakakalito ung mga terms dito. Sobrang out of this world to compare sa Gibilisco. Ang Coaching Slideshow lalo na sa pahuli ay sa Neets kinukuwa. Kaya kung di mo nabasa to sa review period mo ay mangangapa ka at malilito sa review. Kasi iba ung sagot na kumakalat na dun sa sagot pinapalabas sa review center. kaya nakakalito kung baga. Trust your instinct na lang.

3. Malvino

Q and A lang ako sa Malvino. Wala ako masyado macomment dito kasi di ko matandaan kung ano ung nalaman ko sa libro na to. Kasi photocopy lang ung nabasa ko dito na q and a. Madadali lang ung q and a dito Pero ang maganda dito ay ung pagrereview ng mga problem solving sa elecs lalo na sa BJT family and so on.

4. Guide book in Electronics Engineering by Ronnie Villamor

Dalawang beses ko natapos ang libro na to. Pero kahit ganon ay nagkakamali pa rin ako sa Q and A. Sabi nong mga naunang kumuwa ng alumni namin ay better read this book. May nakukuwa raw dito e. Pero for me You should better read this book for Elecs. Hindi dahil may nakukuwa dito pero basahin nyo to para sa basic knowledge sa Electronics. Compilation na rin to ng ibang book kaya maganda rin na pagtuunan nyo to ng pansin pag nagrereview ka.  Eto lang ung libro na nirecommend ng excel na basahin na from other review center.

5. 3001 questions in electronics engineering by EXCEL

Once ko lang nabasa tong libro na to sa sobrang dami ng Q and A nila. I advice na basahin nyo ung Test 1-10 ng libro na to. Kasi dito minsan may kinukuwa sa coaching sa Elecs ng EXCEL. ung Chapter nito ay for review lang. read it sa review nyo. Meron din to mga problem solving so better take note sa mga problem structure nito. masterin nyo kung pano sya ni solve. kasi ung mga formula dito ay di mo mababasa sa libro. May something na di mo maintindihan kung pano sya nagkaganon. Again Trust your instinct. hahahaha

6. ECE handbook for electronics engineering by EXCEL

Ewan ko ba kung bakit ko binili tong libro na to kasi di ko sya nabasa talaga. kasi ang binasa ko ay ung sa PERC na libro. Try it na lang. No comment ako sa Q and A nito e. Pero maganda din to as reference.

7. Industrial Engineering By EXCEL

Better read this book kasi konti lang talaga ung mga Q and A tungkol dito sa industrial. di ko natapos ang libro na to pero nakapagbasa ako dun sa mga part na di ako masyado magaling like robotics etc.

GEAS

1. ECE hand book for GEAS by EXCEL

kulay blue ung new edition nito

Maganda tong book na to. Eto lang ata ung natapos ko na basahin na GEAS Book. Maganda sya kasi magkahiwalay ung Problem solving  at terms. Ang advice ko ay basahin nyo sya ng maraming beses. Hahaha. Kasi ung ibang niflash sa coaching dun lang din kinukuwa para di ka na mabigla pag refresher na. Ang biggest problem sa libro na to ay parang maraming mali na sagot pag compare mo sa coaching. kaya nakakalito. Again, Trust your instinct. Magdodoubt ka sa mga sagot dito lalo na sa may bandang huli na mga chapter. Kaya, mas maganda na mag basa ka pa rin ng ibang libro para maasure mo ung tama. Try mo na magtanong sa mga student from other review center kung ano ung lumabas sa kanila regarding dun sa sagot na un. Malas mo lang kung nagdamot ung classmate mo. hahahaha

2.  EE hand book for ESAS by EXCEL

Hiniram ko lang ung book na to kay ate kay lorica. Ang nabasa ko lang dito ay ung physics at chemistry. Maganda ang book na to sa mga problem solving. Kaya magsolve kayo gamit tong libro na to. wag nyo na basahin ung ibang part na pang EE. Alam mo na un kung ECE ka. hehehehe

3. General Engineering and Applied Sciences by PERC

May kumalat kasi sa mga classmate ko na may kukuwanin dito sa Libro ng PERC na to. Kaya napabasa ako dito. Pero ung paumpisa lang nabasa ko. Sabi maraming lumabas dun sa coaching ng Excel from this book. But I’m not sure kasi nga di ako nagkaroon ng time para macompare. Sorry.

4. GEAS and Mathematics Formula Pocket book by EXCEL

Well, eto ang pinakafave kung libro. kasi eto lang ung libro ko ng GEAS na binili. Sobrang handy nya at napaka well explaine at complete formula ng GEAS and MAth. Bilhin nyo tong libro na to kasi maganda, nong preboard namin ang dami nakuwa dito sa libro na to lalo na dun sa may pahuli na part. Kasi mga pass board kung tawagin nila un.

EST

1. 3001 questions in Communication Engineering by EXCEL

Maraming questions at problem solving na maooffer sayo ang book na to. May ilang beses ko rin binasa to. Maganda ang book na to kasi maraming basic knowledge na mga tanong tungkol sa Communication. Ung mga Test problem nito ay di ko natapos, pero nong nagrefresher kami ung ilang mga lumabas sa coaching ay dito kinuwa. At dahil nga nagbasa ako ng mga libro ay di ko masyado napagtuunan nong review. Maganda kung mababasa mo lahat pero nong pre-board exam namin wala naman nakuwa dito pero kung sa basic knowledge ang paguusapan ay panalo to.

2. ECE HandBook- Communication Engineering by EXCEL

May 10 Chapter ang book na ito. Halo halo ang laman ng bawat chapter so its better na sagutan nyo to pagkatapos nyong ma tackle ung mga topics sa communication. Mas mahirap ung mga problem sa book na to kasi karamihan dito ay out of this world. Di mo masasagutan ung mga question dito kahit magbasa ka ng Blake, tomasi or frenzel. Di ko naman nilalahat pero kung compare mo dun sa 3001, mas difficult talaga ito at mas hawig nya ung mga kind ng problem sa actual pre-board exam. Ung key to correction nito ay makukuwa sa office ng Excel. Ewan ko nga kung bakit di pa sinabay sa publish ung key to correction dito.

3. Top Review Center Communication Engineering Handbook

Di ko nabasa tong libro na to pero sabi ng mga classmate ko maganda ang book na ito regarding broadcasting. Check it out..

4. Blake

Ang Blake ay madali basahin kasi ung mga explanation ng author na ginamit ay Mababaw lang. Meaning it will not take you too long to comprehend. Ang isang advantage ng Blake compare sa Tomasi ay ung Television Chapter. wala kasi ang tomasi at frenzel ng topic na tungkol dito. Natapos ko tong libro na to. Mas okay din ung problem solving na example dito compare sa tomasi pero kung ako sa inyo wag nyo na un pagtuunan ng pansin sa ibang book na lang kayo humanap ng mga problem like dun sa question bank -est.

5. Tomasi

Si best friend tomasi ang pinaka mahirap basahin kasi ang daming explanation at ung kanyang mga paliwanag ay nakakalula. Natapos ko rin ung book na to. Siguro ang magandang basahin dito ay ung Data and Digital Communication, Telephony at transmission media , fiber optics, etc.

6. Frenzel

Siguro ang basahin nyo dito ay ung AM and FM at ilang multiplexing at broadcasting na mga topic un ung strength ng libro na to. Hanggang Multiplexing lang ako dito e, tinamad na rin ako taposin kasi nabasa ko na sa tomasi ung iba. Pero ung kaibigan ko ay frenzel lang nabasa nyang libro at nakapasa sya.

7. Questions Bank for Est standards

Isang beses ko lang nabasa ang book na to. Grabe, sobrang daming terms at mga standards. Ang ilan naman ay niflash sa Coaching. Siguro pahuli nyo na to basahin kasi madali makalimutan ang terms. Para di sayang ung pagrecall nyo sa Coaching.

8. Question Bank – Electronics Systems and Technology

Puro problem solving lang ang laman ng book na to. Maganda rin na magsolve kayo ng mga examples dito kasi mahirap ung mga tanong dito. Eto lang ung book na nireview ko sa pagsosolve sa EST. Sabi ko nga nong refresher ko lang nabasa to so kung ako sa inyo ay magsolve na kayo dito sa review pa lang para lang matapos nyo sya. Iba kasi ung mabuild up na confidence sa pagsosolve ng EST kung may natapos ka na book. Sabi maganda rin ung book ng TOP review Center , ang author ay si Sir Arceo. Better check it out too for more computations.

MATH

1. 1001 solve problems for Mathematics by EXCEL

natapos ku ang book na to. Maganda sya kasi may basic at may mahirap din na tanong. So practice lang kayo pag sa math.

2. Gillesania and besavilla Engineering books for Mathematics

Ang book na to ay mahirap for me. Nahirapan ako sa pagsasagot ng mga questions dito. Ang sabi ng mga mentor sa Excel ay try to read and solve other Questions in other field of engineering. Kasi nga raw there’s a possibility na ung mga examiner ay kumuwa from other engineering field regarding math problems para di napagtuunan nong mga reviewee sa ECE.

3. EDGE Math Book

Dito ako natuto magsolve ng calculus and some higher math. Sa Sobrang dami ng Questions dito at paulit ulit ay namaster ko sya. Hahaha. Better include this on your list of books.

Pre-board EXAM

Sobrang frustrated ang pre board exam ko. Kasi ba naman parang walang epekto ung pagrereview ko.

Sa excel merong diagnostic exam tuwing start ng review.

Diagnostic exam:

math-86

geas-55

est-42

elecs-53

Pre-board score

math-64

geas-55

elecs-57

est- 32

As you can see parang wala naman malaking improvement na nangyari sa akin nong last 3 months ng pagrereview ko. hahaha..Ganon talaga ng nasa isipan ko. Ung math ko bumaba ang score, na lalong nagpapababa ng moral ko sa pag pasok ng refresher. Ang nasa isipan ko ay pano na ung gagawin ko para sa refresher kung parang wala naman ako natandaan at natutunan sa 3 months review ko. Di pa rin nag iimprove ang perforemance ko. How sad.

Before mag Pre-board, I treat it as the real board exam. So sobrang nagprepare ako. Pati ung Last 1 week ko ay controlado na ung aking kinakain kasi ayoko magsira ung tyan ko pag dating ng pre-board. Madali pa mandin ako mahikayat ng CR na umupo sa kanya. hahaha. Pineprepare ko ung sarili ko para dun, una kung tiningnan ung room at school ko. Sa Consolacion ung school na napili ng excel, sa may mendiola ung lugar nya. Gusto ko sana pumasok sa la consolacion one day before, pero di kami binigyan ng pagkakataon.

Nong pre-board namin ng mga magkakaclassmate ay kanya kanyang preparasyon kung anong babaonin at anong kakainin sa last week para di masira ung chan. Meron nagbaon ng cornbeef, meatloaf, century etc. Ako lang ung di nag baon. Mejo malapit lang naman boarding house namin sa mendiola kaya alam ko ung mga kainan dun. Ang sinabi ko na lang sa sarili ko ay sa labas na lang ako maglunch para fresh ung kakainin kong food. But it’s a big mistake.

Nong mga panahon na un ay di pa ako sanay matulog ng maaga. Kasi lage past 10 kami nahiga or minsan 11pm pa. Kaya nong one week before nag try ako iready ung sarili ko na matulog ng maaga para magising din ng maaga. Ang call time kasi ay 6:30am kaya double time ako sa pag gising. Unusual kasi ung oras na un para gumising ako.

Why is it a big mistake? Naging big mistake sya dahil nong lunch ay sobrang napagod ako maghanap ng kariderya. Sa may UE pa me nkahanap ng makakainan. Ung Mcdo at KFC ay puno dahil sa dami ng reviewees na kumakain. Sobrang Pagod ang dinanas ko, almost 1 kilometer ata ung nitravel ko. Dali dali pa akong kumain at maglakad. Sobrang maiinit pa ung panahon na nagdehydrate sa katawan ko pag pasok para sa panghapon na subject. Di naman ako makainom ng marami tubig kasi ba naman ung rules ng excel ay bawal lumabas ng room para umihi. Tiisin mo At kung di mo kaya, edi pasa mo na ung questionairre and you may go out. haha.. saklap non, sayang ung perang binayad mo pag nagkataon.

First day: math and elecs

Second day: geas and est

Sa first day, mejo okay ung pakiramdam ko kasi parang kalahati nong questions nasagutan ko.

Sa second day, Mejo okay ung Geas, Halos kalahati ung nasagutan ko. Pagdating ng EST ay nanlumo na ang pakiramdam ko. Remember, nong review ay sobrang dami ko binasa na libro, konti lang ung standards and terms at ung computation. So halos 20 plus lang ung sure ko sa EST nong Pre-board. Pero di naman ako nagpasa agad para sa EST kahit wala na ako masagot. Ang ginawa ko ay nitest ko lang ang sarili ko para pigilin ung aking pag ihi at hanggang saan ung kaya ko. Saka nag solve na rin ako kahit di ko alam ung formula, nagreverse engineering nga ako para lang may masagot. But unfortunately ay wala talaga mapiga kasi lahat un ay bago sa aking mga mata. No looks fam. Ang tumatakbo sa isip ko ay pano kung real board exam to, I must admit na I fail na talaga. Pero di naman ako umiyak habang nag eexam. Kasi sabi ko sa sarili ko ay pre-board exam lang naman to. I have learned kung saan me weak na topic at ung mga terms na di ko pa gamay at syempre ung computations na di ko natake up sa review period. Habang nititingnan ko ung paper, sabi ko sa sarili ko “I’ll take this as a challenge. I know naman kaya di kita masagutan ay nagbasa ako ng puro libro nong review pero paghahandaan kita sa refresher, alam ko na ung maging focus ng pagaaral ko sa est.”

After pre-board day 1 and 2, ay nagpupunta me sa ST. Jude church. Pinagdasal ko ung aking mga subject na sana tama ung hula ko at mga shade ko. I take it seriously.

Sabi ni sir Pangan, ang theoretical na score para masabi mo sa sarili na may laban ka sa actual board ay 50 points each subject. As you can see, may 3 subject ako na almost 50 ung score, so mejo gumaan ung pakiramdam ko pero ung EST ko ay nag aalala pa rin ako dahil sobrang baba nya, kung mapasa ko man ung tatlo pero di ko naman napasa ung EST ay baliwala din un.

Sa est: nahirapan me sa mga noise at broadcasting na mga problem, May mga term din na di ako familiar.

Sa geas: di ko nsagutan ung thermodynamics, Mechanics, Dami ko nakalimutan na formula. Marami din na terms na di me familiar.

Sa elecs: okay lang, madali lang sya, ang problem ko ay ung sa mga oscillator and industrial robotics. Wala me nabasa tungkol dun nong review

Sa math: Ang nahirapan ako ay ung calculus at ilang matrix problem na nakalimutan ko na isolve. ung 4×4. Ung mga terms na included ay mahirap din. Niligtangan ko na rin sya. wala naman ako nabasa na mga terms kaya wala din kwenta kung pipigain ko sarili ko dun, magsolve na lang ako ng ibang problem kesa dun.

2 days after the pre board nagpunta ako sa San Sebastian Church, Dun kasi ako nag sisimba nong review. Tanghali ako pumunta pag katapos ng refresher class ko. Dun ako napaiyak talaga. First time ko umiyak dahil sa exam. Sobrang naawa ako sa sarili ko non, naisip ko lahat ung mga pagbabasa ko sa EST na libro na di naman mahala. Naubos lang ung Oras ko, sana nag Q and A na lang din ako katulad nong mga Classmate ko. Sobrang iyak ako non, mga 30 minutes ata naluha ang mata ko. Parang feeling ko dat time na bagsak ako sa exam. Iniisip ko pa rin ung EST. Humihingi ako ng Guide kay God regarding it kung anong dapat kung gawin. Kasi na put to waste lang ung review ko sa EST. Daming time na nasayang.

Umiyak din ako kasi dahil sa mga magulang ko. baka ung kanilang investment ay ma put out to waste. sobrang lungkot ko nong time na un. May mga katabi din ako na umiiyak pero di sila student, siguro family problem ung kanilang dinadalangin. Basta dami nag run sa aking isipan, tapos ung mga classmate ko nadalian lang sa exam sa EST and other subjects. Mukhang tama sila ng diskarte sa review period.

Pero i have to move on and look forward to the real board exam. Kailangan ko magsumikap dun sa pagkukulang ko sa review. I promised to my self na it wont happen again. Di ko na mafeel ung failing grades, I will do my best and I will work hard for it.. It’s a new beginning and what happen in the past can’t change the future. I must used it as a strength to push myself up to the limit. Read and Compute in double time. There’s no time to waste. Tama na ang pagmumukmok.

Paglabas ko ng San Sebastian, may nakita ako na babae, sabi nya “Basta may pagkain ako, masaya na ako.” Nong narinig ko yan parang napaisip ako kung bakit ako naiyak. May mga tao palang masaya kahit ganon ung stado nila sa buhay. Basta may pagkain na sya, masaya na sya. Then, I promised to God kung makapasa man ako sa board exam or endi pag balik ko dito matututlungan ko rin ung ale na nagsabi non. Pag may trabaho na ako, masusuklian ko na ung mga blessing na natanggap ko sa loob ng 22 years na pamamalagi ko sa mundong ito. Then, I face the world with new perspective. New motivation and Inspiration. 

Board exam, Here I come. 

Refresher and Coaching

Maraming nagsasabi na Refresher and Coaching ang pinakamahalang period sa board exam.

Pero sa akin 50 percent review +50 percent refresher + 100 percent hardwork = license

Kung normal na studyante ka katulad ko maaring eto na ung advantage of having a review center. Kasi ung mga napili mong review center ang syang magreresearch at maglalatag ng mga topic na karaniwan daw na nalabas sa board exam. I don’t know kung pano sila nag survey non. We just have to believe.

During start ng refresher, Maraming mga schools ang nagtutulong tulong para sa pagcompile ng mga Coaching notes.

Sa excel, sobrang higpit nila sa mga notes nila. Bawal ang komupya at magrecord nong mga nagflash sa coaching powerpoint. Bawal din lumabas sa room. Kung lalabas ka ay di ka na muling makakapasok. Isa un sa mahigpit nilang rule na pinapairal sa coaching session. Ang katwiran nila ay pinoprotektahan lang nila ung mga nag enroll sa kanila, kasi kung magleak ung mga materials nila ay mawawalan ng advantage ang student nila sa actual board exam. In order to compensate to this matter, Iba’t ibang school ang nagtutulongan para dito. Kumbaga bigayan ng notes. do your part and they also will do their part. 

Ang class(A3) ay nasa Room 303, 60 students lang ang laman ng room namin. Sa lahat ng excel room kami ung pinaka maunti ung student. Our room is compose of different student coming from different schools., namely; Bataan Peninsula State University, HAU, Batangas State University, PUP-Manila, PUP-STC.

Ang alliance na nabuo jan ay tatlo:

1. PUP-STC, BPSU, HAU

2. BSU

3. BPSU, PUP-manila

Kami ung First Alliance (PUP-STC, BPSU and HAU). Eto na ata ang pinaka malupet na Alliances ng School sa Excel. Kasi di lang notes yung pinagsaluhan namin kundi friendship din.

Purpose of the Alliance:

1. Compile the e-review

2. Compile Excel Coaching notes

3. Compile Coaching

Refresher

Ang kalimitan na ginagawa sa refresher ay mag discuss yung mga problem sa class. Dito ay question and answer na lang ung paliwanag sa bawat topic at halo halo na rin ung mga topic. Inaassume na ng excel na natackle na un nong review.

Sa GEAS, ang refresher dito ay How to solve difficult problems in economics, strength and material, conversion etc. Basta puro Problem solving ang coaching sa GEAS.

Sa EST, ang refresher dito ay How to solve difficult problems in broadcasting, FM and AM, Radar, etc. Basta puro problem solving lang ung tinatalakay nila dito. Step by step naman ung process kaya di mahirap sundan kaya nga lang sa dami ng problem, kunti lang ung natatapos ng mentor lalo na pag si sir amboy, suntok sa buwan ung pagtapos sa mga given problems pero nabawi naman sya by giving the answer afterwards.

Sa ELECS, Basically ang refresher sa elecs ay parehas lang din ng EST and GEAS, puro problem solving

Math naman ay syempre puro problem solving din ung mga refresher, and nagbibigay din sila ng terms.

Coaching notes

Sa Coaching notes ay babasahin mo ung ibibigay nilang notes sa 3 hours na palugid. Dapat masipag at mabilis ka umintindi. Eto na ung mga nakakalito na problem sobrang hirap nong binibigay nila sa coaching parang di mo napag aralan nong review ung mga ginamit na formula at ung structure ng mga tanong ay mas mahirap na din. Kailangan talaga analyze mo. Sabi nga, pag di mo naintindihan ung tanong tandaan mo na lang ung sagot. Pag binasa mo rin ung ibang tanong ay mali mali ung sagot, sabi naman ng mga mentor ay sundin daw ung nasa sagot sa coaching. For example, what do you call the substance with have a ph level of greater than 7? ang answer sa coaching notes ay base substance. Adik lang noh.. hahha

Sa coaching mahirap mag decide na baliin un mga paniniwala mo sa tama at maling sagot. Kasi sa actual exam ay ung susundin mo ung intuition mo, di mo na mapapansin ung mga agam agam mo. What comes in your head must comes out.. hahaha.. Ganon ung paniniwala ko. Pero ang something fishy sa ganito ay ung ibang review center ay parehas ng sagot sa coaching kahit mali. kaya nakakakaba pag naencounter mo un sa actual exam, ang tanong ay sasagot mo ba ung tama or ung mali. It is up to you to decide.

 Ano ba ang tamang diskarte sa coaching compilation?

Ang ginawa namin ay hinati namin ung mga number of items ng coaching notes. Sa isang coaching notes, 25 members ung gagawa ng compilation. Ang technique ay bibigyan ung mga member ng bawat number from 1-25, then mag recount ka for the next designated number para icompile, paulit ulit lang ung counting. for example number 1 ka, ung next number mo ay 26, sa ganitong paraan ay mababasa din nong mga ibang member ung 2-25 at least bago magcompile uli para sa second number nila. Dito kailangan ng cooperation at wala dapat leecher sa group. Ung iba kasi aasa na lang sa kanilang mga kasama sa pagcompile tapos di na sila nagcocompile, ang katwiran nila ay sayang oras, babasahin na lang nila lahat tapos retain na lang sa utak  nila. Pero pag ganon ung diskarte mo ay meron ka pa rin makakalimutan. Pag ung leecher sa groupo ay nag request ng copy eh dun na nagkakagulo dahil ayaw sya bigyan tapos masisira na ung pagkakaibigan kasi nang iiwan sa ere ang ikakatwiran nong leecher. pabayaan mo lang sila bumagsak wag mo na lang sila intindihin dahil iba diskarte nila compare sayo. Masakit man isipin pero yan ung utak ng mga reviewees, so dapat sa una pa lang ay makipagkaibigan at makisama sa compilation kaw rin maapektuhan sa bandang huli. Basta magtiwala ka lang sa mga kasama mo ng buong puso. Basta nakikiooperate ka walang problema sa materials na matatanggap mo.

Habang lumalapit ang board exam ay mas dumarami ung mga naglalabasan na materials minsan nakakalito na kung ano ang iyong uunahin. Sa ganitong paraan ay mamili ka na lang ng mga babasahin, wag mo ng basahin lahat, for example ung kaclassmate mo ay nag bigay ng materials from their review center, tingnan mo muna ung content ng  mga problem kung katiwa-tiwala ba ung laman, pag sa tingin mo ay mahalaga to at nagkapareho sa nagflash sa inyong  sariling review center kunin mo. Kasi pag ganito ung nangyari ung difficulty nong board exam ay malalaman mo na base dun sa nagkapareho ng exam. Sabi nga almost parehas lang ung difficulty nong coaching at refresher na problem dun sa actual exam pero di naman un confirmado. depende pa rin un, pero mas ok na ung may pinaniniwalaan at may standard sa pag tanggap ng mga materials para lalo kang di  hussle sa pag babasa.

1 week before Board Exam

Almost one year na rin ung nakakalipas nong nagboard exam ako. wahhh, nakakamiss ang mga bagay bagay..

1 week before board exam, nagkita-kita kami ng ka-alliance namin para magccompile ng e-review. Ni group namin ang isat isa para maka makapagcomfile ng mga last 3 modules, marami na rin kasi nag labasang bago sa EST and GEAS, nong time na un mas pinag tuunan namin i compile ang GEAS at EST,

GEAS – 10 people

EST – 10 people

Elecs – 5 people

nag bunutan kami, kasi everyone doesnt want na makakuwa ang elecs. hehe Syempre Geas and EST ung mas mahalaga dat time, kaya nag bunutan na lang kami para fair. Bali ung work lang ng Elecs, ay icheck kung ano ung bago, or kung lumabas ba sa coaching ung mga nandun.

May kumalat kasi na balita na ung La Salle daw ay ibang e-review module ang binabasa kaya nihunting namin ung mga taga La Salle, minanmanan namin. Bali-balita raw na baka bigyan ng tips sila dahil si sir JJ ay La Salle ata graduate. Pero wala naman kami nakita na ibang nibabasa nila, siguro nagcocompile lang din sila kaya ung ibang module ung binabasa nila. Pero it does’nt matter kung meron man, eh mababasa mo rin naman un pag nag e-review ka. Well of course, Advise ko na ung Last module na lang ung pagtuunan nyo na icompile base on experience ha. hehe walang sisihan sa huli kung di lumabas un. wala naman tayo magagawa kundi makiride on sa agos ng buhay.

Wag na natin muna isipin ung compilation, obvious naman lahat ng reviewee sa state na to ay naghahagilap ng mga information kung ano ano ba ung lalabas.

Last week before the board exam, haha nipuntahan ko ata araw araw ibat ibang simbahan, nag punta talaga ako sa Quiapo. Nong una ayoko talaga magsimba dun kasi dami tao at parang ang ingay eh, yoko ng ganon. Gusto ko may serenity ako pag nagpray. But 1 week before the board exam, wahh, napapapunta ako sa Quiapo kasama ang friend ko na si Roan, niyaya ko sya na pumunta dun, sabi ko di pa ako nakakasimba sa quiapo, buti na lang pumayag sya kahit pagabi na un.

Nung nasa quiapo ako, dami tao as usual, Novena pa nga ung naabutan namin, walanjo naman, di ako marunong mag novena. lagot, so lumuhod na lang ako sa simbahan at nagpray tapos paminsan minsan  mejo nakakasabay ako kasi pag sa catholic church kasi may mga same na mga words na ginagamit pag nagdadasal kaya mejo makakarelate ka naman. Saka ung classmate ko na kasama ko may binili sya na copy nong novena kaya kahit papaano ay nakikitingin na lang ako. After novena, may Mass mga 6pm na non nong nagstart ng mass. Galing pala ng pare sa Quiapo. Ngaun ko lang napagtanto kung bakita marami na simba sa quiapo. afternon, umuwi ako ng mas lalong matibay na pananampalataya  sa diyos at paniniwala na di Nya ako pababayaan sa Examination na magdedetermine ng future ko.

Pag-uwi ko cramming na naman sa Bhouse namin, basa dun, solve dito. wahh maliliyo ka kung anong babasahin mo, kasi maglalabas ung classmate mo na Galing PERCHDC, TOP and EDGE. Dito masusukat ung pagkakaibigan ng barkada na sasaklaw sa bhouse nyo. Sa point na to, ang mga Review Center ay mag encourage to their student na wag magbibigay ng materials to other reviewee.

Reason:

1. Syempre, advantage mo un kung ikaw lang makaka-alam nong question, kaw lang makakasagot then you will say wow “Looks fam”

2. Di mo sigurado kung ung classmate mo ba ay nagbibigay ng tamang materials, or baka leecher lang sya, bigay nya sayo ung mga minor question na nabasa nya during virtual  review or coaching.

Eto ung point na susukatin talaga ung pagkakaibigan nyo, kaya ang payo ko, kung ano man ang sabihin ng review center mentor sa inyo, baliin nyo para sa wagas na pagkakaibigan. di ba mas magandang isipin na lahat kayo pumasa sa Bhouse nyo kesa ikaw lang ung pumasa. wag mo na lang isipin na lugi ka. sabi nga mas pinagpapala ung mapagbigay na tao. Basta do your best and God will do the rest. 

Diba nong preboard nag try na ako ng mga kakainin ko during this 1 week para di ako samain sa tyan or magkasakit. Well ung mga aral ko dati nong pre-board ni take consideration ko lahat un para sa huling week ko sa manila. wahh, puro healthy foods ang kinain namin mga classmate namin, nag enervon din ako para di magkasakit for that week, mahirap na kung magkasakit ka, di mo mabibigay ung 100 percent mo. siguro di ka mag Top, Top 2 lang makuwa mo. well this time, you should always be positive and let go all of your worries.

Habang papalapit ung exam, wahh, mas lalo ako nakakaisip ng mga bagay bagay na “What if?” tuwing gabi matatanong mo sa sarili mo na ginawa mo ba ang lahat during 6 months na review, nag review ba ako ng ayos para dito. Handa na ba ako. Lahat yan mag flash back sayo tuwing gabi ng pagtulog mo, mas mahirap matulog non dude, I assure you. Kaya ang ginawa ko 8am palang nakahiga na ako sa kama tapos siguro mag flash back ung memory ko for 2 hours then suddenly tulog na ako ng mga 10pm. Then I will alarm at 4:30am para gumising. Wah, sobrang aga eh, kaya lang nisasanay ko na sarili ko gumising ng maaga, nong past week kasi almost 12am na ako natutulog dahil sa cramming at pag iisip na kulang pa ung nirereview ko..

At dahil tamad ako magluto at ayoko kumain ng delata before exam, naghanap ako sa 5am na bukas na kainan, wahh wala ako makita na magbubukas ng saturday at sunday. then nagpatuloy lang ako ng paghahanap then nong naglalakad ako ng maagang maaga nakakita ako ng kainan na nagtitinda ng Hotdog tapos may kanin na, 30 pesos ung halaga nya. so nigrab ko na dito ako bibili ng pagkain ko before ako pumunta sa exam fave ko pa naman ang hotdog sa almusal, kaya ni tanong ko sila kung bukas sila ng weekend and lucky for me, they said “Yes”.

wahh, 2 e review session na lang ung natira sa 12 kong e-review. sa huling week na un, marami ang  nakapila sa e-review, wahh parang mga langgam sila dun eh, diba 4th floor ung e-review, inabot hanggang 1st floor ung pila. nasa isipan ko na lang, nakakatawa naman ang mga student na to na pumipila desperado ata.. hahaha well of course di ka naman makakapasa kung magbabasa ka lang sa e-review sa last week mo noh, ang mas mahalaga ung 6 months na preparation mo, so why are going to risk your time and get wasted sa pagpila kung meron ka naman time or schedule para makapag e-review for 2 session sa last week, saka may compilation naman ang alliance di ba, sapat na un para makapasa ka noh, I assured you, basta nagreview ka at nagsolve ka ng mabuti nong last 6 months mo. Passing an exam will never be an easy way. Kaya sa mga first timer, although mahalaga ung mga module sa e-review nong last week na un, siguro I advice na ung 2 session nyo na lang nong week na un ung gamitin nyo wag na kayo pumila ha. Please, wag kayo maging  Ants.

3 days before the exam, pumunta si sir ona sa Manila para basbasan kami ng kanyang license, kasi ganon daw ung ritual eh, kailangan may basbas ng iung prof  ikaw para pumasa.. hehe continuing lang ung ritual. hehe.. Pero that time nagbabasa pa ako ng notes ng excel na elecs, so di ako nakapunta, ewan ko ba, kasi 2 weeks na akong di nagbubukas ng elecs eh, parang namimiss ko at parang guilty ako kay elecs sa di ko pagpansin sa kanya, baka magtampo pa un sa akin sa actual exam. (paranoid na ata ako that time) so i decided na di na lang pumunta, at kasi nangako ako kay sir ona na di ako magpapakita sa kanya hanggang di ako nakapapasa. Natupad lang ako sa pangako non eh, pero nong time na un talaga grabe cramming ko sa elecs.

nakakatuwa nga eh, ni asar ko kasi si sir na dalawin kami sa Bhouse at magdala ng relief goods, pag di sya nagdala dapat mag asawa na sya. meron naman sya dinala, (mukhang ayaw pa mag asawa. haha)  di ko alam kung counted ang ice cream sa reliefe goods. hehe pero buti naalala ako dalhan sa pag uwi ko. nasabon na naman ako ng aking mga kaibigan ang KJ ko raw kasi sayang effort ni sir ona di raw nakumpleto ang class. ehehe..

Kinabukasan, dahil sa pagpipilit kong mag aral, sobra sakit ng ulo ko, ung sobrang lutang nya. Di ako sure kong pano ko to iexplain. ung pagnitanong ako ng kahit anong tanonng wala ako masagot. ohh noh. Kahit konting pag iisip ko lang mejo nasakit na ung aking ulo. grabe, sabi ko sa sarili ko bakit ngaun pa. bakit ngaun pa. badtrip!

so ang ginawa ko na lang , tumingin n lang ako ng formula. tinitingnan ko na lang,pero di ko sya ni iintindi, parang hapyaw lang ako ng formula ng Math. Nong last 2 weeks ko masyado ako focus sa geas at EST. Siguro kaya nagrerefresh ako ng math nong kinabukasan pagkatapos ko ng elecs. Gusto ko pa sana mag basa ng elecs kaya lang ayaw na gumana ng utak ko pag terms na ung iniintindi. Lutang na Lutang. Kung naka experience ka na ng ganong pag iisip. Siguro maiintindihan mo ko. pramis, I’m not joking ha. Or kabado lang me. pero endi eh, confident namman ako sa naaral ko pero nong 2 days before talagang praning at ayaw gumana ng utak ko. kabadtrip ung ganong pakiramdam na feeling mo magkakasakit ka bukas.

Nong araw na rin un, ginanap ung pa Mass ng excel sa may san sebastian church. yehey, natuwa naman ako, kasi nga dun ako nag sisimba at alam ko maganda ung preaching dun. ehehe. nong nagpunta ako dun, dami student. Yung iba familyar kasi mga kaclassmate ko sa review kaya nagkakabatian. Ung ilan naman naka OJT ko sa IONICS. kaya okay na rin pakiramdam. marammi pala talaga ung mga inspiring maging engineer. Sa loob loob ko, lahat ito kalaban ko sa position para maging engineer. wah, pressured na naman ako. at dahil sa masakit ang ulo ko dat time, mejo di ko maintindihan ung sinasabi ng Priest. Parang di ko ma absorb lahat ng mgapinapaliwanag sa akin nong araw na un.

ang naintindihan ko lang non time na un na sinabi ng pari “alam ko marami sa inyo ang gusto ng mag-ibang bansa. magpakalayo layo at magpayaman gamit ang salapi ng dayuhan. Pero may iilan sa inyo na may paninindigan at handang pagsilbihan ang bayan natin. marami naman opportunity dito sa bansa natin ngunit di tayo contento sa mga nakukuwa nating sweldo. alam ko lahat kayo magiging successful sa buhay. May engineer bang walang trabaho? di ba lahat kayo tsak balang araw maging manager ng isang companya or magtayo ng sarili nyong companya katulad ni bill gates para sa ikakaunlad ng bansa natin. Pero alam marami rin sa atin ang di mapalad na pinanganak ng may pera. Kaya kung pupunta kayo sa ibang bansa. please, Serve first our country before you Leave. Give all your knowledge and wisdom to aspiring engineers of new generation. You have this generation all by yourself and the future will define by you. So please don’t make the wrong choice. if you did, never give up and push yourself up to get up in the league of success. To all of you, this exam will determine how strong your attitude to get what you really want in this early run of your life. So Godbless to all of you. And you may become successful in your chosen fields.” (ganan ung content ha, pero di exactly ung wordings. mejo di kasi me magaling sa pagtanda ng exact words, yung thought lang halos ung naabsorb ko.)

1 day before the Board Exam

This is the day na  nagrest ako.

Savi ko sa sarili ko ay magpapahinga ako sa araw na to. Yeah man! Pero masama pakiramdam ko ng araw na to, di ba nga kahapon lang e masama na pakiramdam ko, ngaun na ata tumuloy sa lagnat. kaya kahit gusto ko mag aral, wala rin papasok sa utak ko dat time. Well, syempre may halong takot kasi nga pano ako bukas, ang panalangin ko na lang ay sana maging okay ako tomorrow.

Lalabas sana ako para Mag fb kaya lang parang di ko talaga kaya, kaya bumaba na lang ako sa katabi naming boarding house. Andun lahat ung Civil Engineer ko na mga kaibigan. Sinabi ko sa kanila kung pede dun muna ako, kasi sa taas nagtatanongan pa rin mga classmate ko ng Gibilisco at mga formula. Eh ayoko talaga mag aral this day, kaya nag hanap ako ng lugar ng pede kungpuntahan na malapit lang. Dun Pumasok ako sa kama at nakipag kwentuhan, sakto naman naman na magpapahinga sila kaya okay lang un kasi di naman ako abala, then suddenly napa-idlip na ako. sobrang caring talaga ng mga friend ko na babae na Civil Engineer from Pampanga. wah, sobra ung pag cheer up nila sa akin. Siguro eto ung isa pang nagpalakas ng loob ko sa pagkuwa bukas. ganda ng mga quotable quotes nila.

“Pag di mo na alam kung anong bibilugan mo, always pray kay God. Before you read and before you answer pray to Him for guidance.”

“Tol pag nahirap ka sa exam, isipin mo na lang na kung ikaw ay nahirapan pano pa sila. Don’t be intimidate. Don’t give up your dreams with the mere thoughts of failing because you can’t answer some question.”

“Kaya mo yan tol. You deserve to be called as engineer”

and many more.. kung isa isahin ko pa baka di na tayo matapos dito. hehe joke.

Lumipas ang oras, at namalayan ko na lang na Gabi na, so nag luto kami ng last diner namin together with our friend na Civil. grabe sila na ung nagluto at namili after namin mag simba sa saint Jude. Sabi nila, sila na para makapagpahinga kami para bukas. Well, sobrang sarap nong niluto nila, sinigang ata un at may isa pa na putahe na nakaliimutan ko na. hehe

Kwentuhan lang tapos cheering up, para bukas, parang eto na nga ung last na pagkikita namin. wah nakakaiyak pero we have to travel our own road from this time on. lahat kasi sila uuwi bukas, so meaning eto na nga ung last time na magkakasama kami. Sobrang saya.

Bumaba ako at nakausap ko si frida at si kaysie, then tumawag ang tatay at mga tita ko, sabi nila Godbless para bukas. mas lalo naman ako kinabahan pero okay din na tumawag sila noh, iba talaga pag family ung nag checheer sayo. nakaka overwhelming. hehe

After a minute of talk, nakipagpatuloy na ako ng conversation kala frida. Well sabi ni frida, anong sabi ng family ko. i replied, sabi nila bumili daw ako ng saging para mas okay ung takbo ng isip ko, may vitamins daw un na maaaring mag utilize ng brain mo and chocolates  daw magdala ako. sabi ni frida ” ako bibili kita ng saging.” sabi ko “wag na. kakahiya naman.” pero nagpumilit pa rin sya, at natouch naman ako, biruin mo almost 6 months ko pa lang sila kakilala pero sobra sila mag alala. at ayun nga bumili sila ng saging. wow, Libre pa nila. kakabait na bata – Don Honorado State University ang school nila I wonder if lahat ng tao dun ganon ugali. sarap siguro mag aral dun. I feel thankful talaga at nakilala ko sila. Big factor din sila how I get this license. With all the things they said, It’s all real.

Kulang ba ung salitang Thank you para sa kanila. Thank you Gals(char char, frida, kaysie, anne, lovely, day, yeng, kris).. I really love you all.

Humiga ako ng 9pm sa kama. Excited na ako bukas at may halong ka ba.. Parang gusto ko uli magrefresh ng formula sa math.. waahhh, nakakapraning.. ——> after 1 hour of thinking kung anong mangyayari bukas di ko na namalayan na tulog na ako. Goodnight guys..

Board Exam Day!

Gumising ako ng 4:30am, at lumabas upang bumili nong hotdog na balak ko sanang gawin almusal, sobrang saya ko kasi bukas sya ng sabado. tinanong ko na sila kuya kung bukas sila ng sunday, and sabi nila “OO” ligtas na ang almusal ko hanggang bukas. Gusto ko sana mag jollibee na lang mag almusal kaya lang kapos na ung natitira kung pera eh baka di ako makauwi pag nagkataon, kaya mejo tipid.

After ng umagahan sobrang sarap ng pakiramdam ko pero lutang pa rin ang isip ko. Siguro ganto lang tlaga pag praning ka na sa exam na pinaghandaan mo ng 6 months. Boxing round 1: Math

Ang mga classmate ko ay puro meatloaf ang umagahan. ung isa ku pa ngang classmate ay buong linggo parepareho ung kanyang kinakain para daw sa actual board ready na ung tyan nya, mahirap na raw baka magluko. Iba iba talaga ang preparation sa Board exam 1 week before, eto na ung  mahalagang part eh, ung maayos ung start ng day mo para whole day ganado ka kumain.

6am nag ayos na ako papunta na sa examination school ko: UE

Bago ako pumunta sa UE, ni double check ko ung aking mga dadalhin,

Lapis: mongol 1 and 2 : 6 pieces ata para di na ako magtasa at para may reserba na nadin, pano kung maputol ung lapis ko tapos walang spare parts naku mas nakakapraning un during exam.

Eraser: para may extra pambura lang ako. haha praning nga eh, kung di gumana ung pambura ng mongol pano ako magbubura ng sagot.

Test Permit: eto ung binigay nong pag nagparegister ka sa PRC before you mag board exam. di ko nga pala nakwento ung part na yun sa inyo. Kwento ko ba?

PRC Requirements for Board Exam Application

1.) Original and photo/xerox copies of Transcript of records with Special Order and Date of Graduation with SCANNED PICTURES WITH REMARKS “FOR BOARD EXAMINATION PURPOSES ONLY”
(Graduates of government schools and institutions/programs accredited be accrediting agencies under the FAAP are exmpted from Special Order.)

2.) Original and photo/xerox copy of NSO issued Birth Certificate in NSO Security Paper (if NSO copy not clear, bring copy from local civil registrar)

3.) Four (4) passport size colored pictures with complete name tag in white background (with negative)

4.) Current Community Tax Certificate (Cedula)

5.) Original and photo/xerox copies of NSO issued Marriage Contract in NSO Security Paper (for married female only: if NSO not clear, bring copy from local civil registrar)

6.) Application Fee: Php 900.00 ++

7.) Mailing envelope with metered documentary stamps (PRC Only)

Yan ung mga requirements, half day lang naman ung pagpila.. Nong nagparegister ako kasabay ko  mga Nursing student. haha dami magaganda, peace kaya pag magpaparegister kayo be sure na Nursing ung mga magpaparegister or ung mga magclaim ng ID nila. hehe Taasan ang radar guys ( haha nagiging weird na naman tong mga payo ko) hehe

Pagkatapos ko icheck ang mga kailangan ko na gamit, pumunta ako sa Jollibee upang bumili ng pang lunch ko. hehe, ang binili ko ay chicken joy.  Para masarap ung lunch ko, nadala na kasi ako sa preboard na naghanap pa ako nong pagkain sa labas, yoko na mangyari yun.

After bumili nng pagkain for lunch, bumalik uli ako sa boarding house, ewan ko ba, parang  pakiramdam ko ay may nakalimutan ako. hehe

Pagbalik ko, gising na ung mga boardmate kong civil. konting chat muna sa kanila at pamamaalam at syempre nagcheer din sila na galingan ko. Habang bumaba ako nasigaw sila na ” kaya mo yan tol, kung mahirapan ka man sa mga question isipin mo endi lang ikaw ung nahihirapan tol. Magpray ka before you mag answer ng bawat question tol, para may basbas ni God mga sagot mo!” at un pala ung kulang ko non eh, Motivation once again. hehe

UE ang aking school napag eexaman sabi sa test permit dapat 6:30am andun na sa Room. at dahil tako ako na malate at baka di pa ako makapagexam dahil late ay binilisan ko na ung aking lakad.

Pag pasok ko sa UE ang nasa isip ko ay ” eto na ung araw na pinakahihintay ko. I wonder kung anong loob ng UE, kaexcite naman, sikat na school to dami magagaling na graduates dito. Astigin, sana maging astigin din ako mamaya.”

Grabe pala ang UE, ang daming pasikut sikot na daan. nong pumasok ako dun sa isang hall way di ko na alam kung saan ako lumabas kaya nagtanong na lang ako sa proctor dun kung saan ung room. Don’t be afraid to ask questions!

Habang papapunta ako sa aking room, may napansin ako na maliit na chapel. Kaya dumaan na ako, then lumuhod ako at nagdasal. mga 10 minutes ako dun nag dadasal para sa araw na to at bukas. Buti na lang mechapel sa UE, nakapagrelax ung mind ko before me sumabak sa gyera.

4th floor ang room ko, so habang papaakyat ako nakakasalubong ko ung mga kaibigan ko from BPSU and nagkakabatian at goodluck sa exam ang mga bukang bibig. sobra ngiti ko non, kasi parang lahat ay prepared.

Pagdating ko sa room, andun ung classmate ko, magkaroomate kasi kami dahil close ung aming apelido. Kwentuhan muna, mukhang Preparado rin ang classmate ko eh, Nakangiti rin. Mas marami sya kakilala, ikaw ba naman TOP and EDGE ang review center.

Inayos ko ang aking gamit at nilbas ang pagkain na dala ko. ang baon ko ay choco chips at pringles, tubig at biogesic. inilagay ko na sila sa ilalim ng upuan ko muna for the preparation. di ko pa rin kasi alam kung saan ang seat number ko.

Lumabas ako at nag CR, naghanap ako ng CR na bukas. incase of emergency dapat alam ku kung saan ako pupunta di ba. at ang malas pa, dahil maaga pa lang, sarado pa ung mga CR na malapit sa amin at dun pa kami sa kabilang building nakapag CR. wahh, di pede gantong kalayo ang aaking pupuntahan sa CR lagot maliligaw ako nito. Ako kasi ung tipong pag kinakabahan sumasakit agad ung tyan ko eh.  kaya eto talaga ung concern ko sa board exam day. At mabilis din ako mapaihi. kaya un ang una kung ginawa, maghanap ng CR na comfortable.

Maayos Talaga ang facility ng UE. Sarap siguro mag aral dito sa isip isip ko. Habang naghahantay sa mga instruction ng proctor ay tinitingnan ko mga kasama ko lahat sila mejo naging seryoso na ung itsura at parang kinakabahan na naeexcite na. Hinihintay ko magsalita ung proctor namin.

7:30am na nong nagstart na sya sa instruction nya. Then Nagbigay na sya ng fill-upan namin for the exam. and exactly 8am nagstart na ung exam sa Math.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

After ng math, nag break na kami. nagulat ako ung iba natapos na ng 10:30am, wow, ang lulupet nila, siguro may karoomate ako na magtotop. ang bibilis mag solve.

Ako kahit wala na ako maisagot sa exam ay nanatili pa rin ako sa room at naghintay ng oras. Sabi ko sa sarili ko, “Isang beses lang naman ako magboboard exam so enjoy ko na hanggang last minute.” Share ko lang, 3 guys lang kami na natira sa loob ng classroom hanggang 12pm, kami ng classmate ko at isang Mapua. 

Math: sure ko ay 20/50 —> i never give up until the end. nagsolve ako at nagreverse engineering para kahit papaano wise ung mga sagot ko at may laban sa mga magagagaling.

Sure ang sabi ko kasi lumabas ung sagot sa choices. hahahahaha.. pero di ko talaga alam kung un nga ung tama. Palakas loob lang.

Nagkita kita kami ng mga classmate ko na nasa UE rin. Magkakasabay kami ng kainan. Pero wala masyado nag uusap tungkol sa exam. Ang usapan kasi wala muna mag uusap sa exam para di mawala sa focus. hehe Pagkatapos ko kumain dumiretso uli ako dun sa Mini chapel ng UE at nag pray uli at nagpasalamat sa Math exam kasi nakapagsagot at di ko nakalimutan ung mga formula na ni aral ko..

Then, bumalik ako sa room ko para hintayin ung next exam: Electronics engineering subject.
At sa wakas nagstart na ung  exam for elcctronics. hehehe
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

After 5 hours, lumabas na ako sa Room. bale exact 6pm non eh nong lumabas ako.

Feeling ko marami ako nasagutan non sa electronics na exam. Pero di rin sure, pinapalakas ko lang uli ung loob ko eh. hahahaha. Syempre dapat positive ka palage sa mga panahong ito. Kahit mahirapan ka sa exam, isipin mo na endi lang ikaw ung nahirapan kaya okay lang. damay damay naman eh.. hahahaha

Naiingit nga ako sa iba kong mga kasama sa room, after 2 hours  lang lumabas na sila. Ang nasa isipan ko naman, eh di nila naenjoy ang board exam. Minsan lang naman tayo kukuwa ng exam eh, di pa nila sulitin ung pag upo dun para kahit papaano nahihirapan din ung mga proctor. haha kasi ba naman ako na lang ung hinihintay nya sa examination room that time. pang asar, sama ng tingin sa akin, pero belat sa kanya. hahaha

Paglabas ko ng room, napansin ko na ako na lang pala tao sa UE. hahaha.. nakakatakot pala dito sa UE mag isa, ang laki tapos dami mga dark corners sa gilid gilid. Mejo binilisan ko na lakad ko kasi ako ay duwag sa ganyang mga bagay bagay.

At ng makita ko na ung gate, mejo narelax na ako ng konti. Habang naglalakad iniisip ko pa rin ung Math and electronics exam. “tapos na” wala na ako magagawa kung tama man or mali ung nishade ko na sagot. Hopefully okay sya.

Dumiretso ako kay saint Jude, para magpray. at dahil 6pm na umattend na rin ako ng mass. after magpasalamat sa lahat ng nangyari, isa lang nasa isipan ko, may 2 exam pa, EST and GEAS. Ung dalawang exam na napaka broad ang topic..Nagpray ako para bukas, di ko na alam kung saan ako hihingi ng tulong kundi sa Kanya. Alam ko Sya lang maging kasangga ko sa Board exam bukas.

Naglakad ako mag isa pabalik sa bhouse ko. at tulala.

Nung nakita ko mga classmate ko lahat sila nakasmile. hahahaha

edi nagsmile na rin ako. wala pa rin nag uusap tungkol sa exam. Ang usapan kasi walang magtrashtalk sa examination baka mawala ang focus. Mahirap na.

kumain kami at natulog para maganda ang gising bukas. Kaya namin eto.

Second Day of Board Exam

Gumising ako ng 4:30am at pumunta dun sa kainan na bibilhan ko ng hotdog para pang almusal (same routine ang ginawa ko)

Sa first day ko, wala naman ako naramdaman na pangangasim ng tyan ko. kaya sobrang thankful ko pa rin. hehe

After kumain, Naligo ako then bumili ng pang lunch para mamaya sa Jollibee (same food: chicken joy). Walang pag babago ang araw na to compare mo kahapon. ang biggest na namiss ko eh ung mga civil engineer na kaboardmate namin kasi umuwi na sila nong saturday. hays, wala na nagmotivate sa akin nong umaga.. Pero inalala ko na lang ung mga sinabi nila. Kailangan ko ng motivation eh, this two subject ay mahirap for me, una, dahil sobrang broad ng GEAS at pangalawa di ako magaling sa comms kasi nga sobrang dami binabasa dun pati ung mga standard. Ako kasi ung taong di magaling mag saulo ng mga standards and terms. So weakness ko tong dalawang subject na to.

Pagpasok ko sa examination room ay iba na ung proctor. hahaha. Namiss ko tuloy ung masamang makatingin na proctor nong ako ung huling lumabas sa room. hahah peace, sana lang di nya to mabasa…E

Exactly 8am nagstart na ung GEAS.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Sa GEAS, 50 plus lang ung sure ko, ( again sure means, nasagutan ko na alam ko ung principle – General Science nga, badtrip.

Ang technique na ginamit ko sa pag sasagot ng Multiple choices ay sa unang basa ako magtatanggal ako ng choices na di ko feel, sa  pangalawang basa ko magtatanggal ako ng choices na di ko feel, paulit ulit lang hanggang makapag decide ako na ung Isa ung best choice. Buti na lang di ako masyado nag sasa ulo ng mga term, mas lumamang ata ang pag analyze ko. hahaha, wala na ako maisip na diskarte eh. Kaya continue lang ako sa pag sagot until to the last minute.

Lunch kasabay ko uli mga classmate ko, at di inaasahang pagkakataon, nan trashtalk ang isa kong classmate, at sinabi na “Tol, Ang dali ng GEAS” hahaha ung isa kong classmate  na-apektuhan ata kasi hirap na hirap raw sya sa GEAS, 30 plus lang daw ung nasagutan nya. Nawala ata sya sa focus dat time kasi nga sa sinabi ng classmate ko, parang ang iniisip nya ay babagsak na sya kasi marami ung nadalian. So Please, wag kayo magtrashtalk during exam. It’s a bad habit. If nadalian ka, then put your feet touching the grounds. kasi words is like a sword that can kills one’s determination.

Exactly 1pm nag start ang EST..

.

.

.

.

.

.

.

.

Dito ako nagkaroon ng biggest problem, kasi nga ung pinagshade ko ayaw ko malagyan ng mark pag nagsolve ako, kasi madiin ako mag sulat ang ginawa ko nilagay ko sa ilalim ng lamesa ko ung Answer sheet ko, at di ko namalayan na natapakan ko na pala. Badtrip sa sobrang kaba ko, pumunta ako dun sa proctor at tinanong ko kung anong pedeng remedyo dito. At ang sabi nya, lets hope na mabasa pa yan ng machine, please paki-ingatan na lang po ung answersheet nyo. wala po kami magagawa regarding that eh. Sobrang kinabahan ako sa sinabi nya, mejo may kudlit talaga nong sapatos ko na black ung answer sheet ko, mga 1 hour akong nag isip tungkol sa pangyayaring eto, naisip ko mukhang This is the end of my dream. napaka clumsy ko talaga. 

after one hour mourning for my paper. nagbalik na ako sa pagbabasa. Tapos na eh, natapakan ko na, ang  pray ko na lang eh mabasa pa rin ng machine, bakit ba kasi machine, pede naman tao magcheck. badtrip talaga ako nong time na un. Nong ni scan ko ung paper ko bago ako mag pasa, almost 50 lang ung nasagutan ko na nabasa ko na ung principle behind it at naalala. Parang ayoko talaga ipasa ung papel ko dahil  dun sa natapakan ko ung papel. huhuhu,

Exactly 6am ako lumabas sa examination room.. And this time uli, ako na  lang uli ang tao sa UE.  hahaha, karipas na naman ako ng lakad. di rin ako makag-CR sa UE ng mag Isa, di ko sure kung may MOMO dun eh.. hahaha, Habang naglalakad, sobrang  iniisip ko pa rin ung papel ko sa EST.

Dumiretso ako sa St. Jude, nakita ko ung mga classmate ko dun at sabay sabay kami nag simba. Isa lang talaga ung pinagdarasal ko buong gabing un, ung Papel ko sa EST natapakan ko, sana mabasa ng machine.

Sa St. Jude, may mga masayang student at meron din naiyak na student. d ko alam kung tears of Joy or Tears of Sadness talaga. Pag nakita mo silang umiyak parang nadadala ka na rin, teary eyed kung baga. Isipin mo 6 months ka nagprepare dito, then suddenly tapos na lahat lahat. Di ko masabi ung feeling ko nong time na un, nag observe lang ako sa mga tao. Siguro mahilig lang ako mag observed ng mga tao. At isa lang ung binulong ko nong araw na un, Sana maagkita-kita tayo muli sa Oath Taking.  

I’m not sure na mapass ko ang board exam ko. Walang assurance kung baga. But i’ve see to it na maging positive ako sa maging outcome ng exam. At the first place, I’m not taking the board exam to have a better future as an ECE. But I’m taking the board exam to have it as a gift to my parent. To make them proud. I already did my best and I know that God would do His best for sure if I’m deserved to be one.

After church, Umuwi na kami. Then nagkita kita kami ng mga classmate ko na lalake sa may KFC. Guess what kung anong huling ginawa namin pagkatapos ng Board exam. wahahaha. Nag Dota kami magdamag non. At dun na kami nagtrashtalkan sa board exam. kakatuwa nga ung mga pangalan na ginamit eh, may mga sagot dun sa Board exam tapos pangalan ng mga examiner at iba pa. Habang naglalaro kami ng dota wow, bumalik kami nong college. At ang nasa isipan namin, This is the last na magdodota kami magkakasama dito sa Manila. Siguro after this busy na ang lahat para maghanap ng trabaho at kung ano pa mang plano ng buhay at tadhana. Masaya ang lahat sa pagdodota, parang nakalimutan namin ung paparating na result ng exam bumalik kami 10 months ago doing this thing same time as before. Masaya din after board. Ung mga classmate kong mga babae naman ay nag-inum sa rooftop ng kanilang boarding house. ibat ibang trip lang basta kung saan magiging masaya ang lahat diba.

mga 2 hours lang ata natulog ung mga kaming magboarding house then nagprepare na kami sa pag alis sa Manila. Buti na lang may van si eugene kaya libre pauwi namin. pinagkasya namin ung gamit naming anim dun sa Van. wahaha. Di kopa rin maisip kung pano namin pinagkasya ang lahat lahat dun. basta nag kasya sya pati ung mga kumot unan at kutson ng kama. wahaha. Kamangha mangha.

Habang nasa Van kami, nag bibiruan kami kung anong mangyayari dun sa result. sabi after 3 days lang daw ung paglabas ng result. wahh. Lahat kami kabado nong nasa Van. May nagsasabi na bagsak na raw sya (so optimistic diba) haha. Alam ko naman kaya namin toh eh. un talaga nasa isipan ko. sabi namin sa isat isa, mas mahalaga ung pinagsamahan natin sa review kesa sa result, ung mga lesson na natutunan natin para maging mas propesyonal na mag isip. Before kasi, napa ka isip bata namin na puro na lang sarili iniisip. Ngaun para iba na eh, para this is the day we start chasing our dreams. Kung saan man kami patungo ay walang makakapagsabi. Si God lang ang tanging saklay namin sa mejo pilay naming isipan at tiwala sa sarili. Alam ko bibigay nya kung ano man ang hilingin namin. kung di man kami makapasa ngaun, maybe it’s not our time. But there will always be infinite chances for us to grab to have those ECE License. Di kasi ako naniniwala sa Second Chance. Pero sa infinite chances yown ang pinaghahawakan ko. I’m the type of person who is not easily give up to challenges even I’m at disadvantage. Kaya go lang and never give up kung ano pa man ung result. For me, whatever the result is, it will not affect me to become successful in my life. I will never never give up. Yosh.

Pag Uwi sa Bahay

Wahh, pagdating ko sa bahay ang tanong ba naman ng lahat ng tao eh, kamusta exam Engineer?. Nkakapressure talaga ung mga tanong pati nga ung tindhan malapit lang sa amin un lage ang tanong pagbibili ako. At napagdesisyonan ko na di na lang lumabas ng bahay hanggat di nalabas ang result. wahh. Eto ung mga panahon na maprapraning ka sa buong talambuhay mo sa pag-iisip kung ano ba talaga ung result kung pasa ka ba or endi. Wahahaha. Napakahirap talaga ng mga situasyon na to, di mo lam kung anong gagawin mo, first of all tapos na ung exam, wala ka na magagawa, tapos makikita mo ung mga nakalimutan mong formula na nakapaskil sa kwarto mo. Mga books na ginamit mo at mga materials na nicompile mo. tsak magflashback talaga ung mga 6 months namin na pagrereview. Marami rin ung nagtetext sa akin at kinakamusta ang exam ko. Parang virus na kumalat ung pagkuwa ko sa exam. Ang hirap pag marami na nagtitiwala sayo na makakapasa ka at lahat un malalapit sa puso mo.

October 29 ung Lumabas ang result pero wala ako kaalam alam. Sapagkat takot ako malaman ung result. Kaya nag hihintay lang ako lage ng text or tawag from friends. Nag hallucinate na nga ako sa aming bahay kakaisip.

BEEP BEEP

Tumunog ang phone ko at isang friend ko sa PUP ang nagtext ng “Congrats Engineer Evangelista”.

Noong una ko ung narinig, wahh, Pasado ba talaga ako.?

Dali Dali akong nag open ng NET at wala pala kaming net non. badtrip.

Edi nagpaload ako sa globe na broadband para lang malaman kung tunay ang result. Una akong pumunta sa facebook (sapagkat dito mas mabilis kumalat ang chismis)

Marami nag greet sa akin ng congrats.

Dun na ako napatalon sa saya. Kasama ko sa bahay ang tatay at kapatid ko. Sobrang saya ko non. 9pm na ng gabi pero sigaw pa rin ako ng sigaw para bang walang bukas. Di talaga ako makapaniwala na nakapasa ako that time. Di ko talaga ma describe ung feeling ko eh. See for yourself na lang. hehe

Then nong sunday, Bumili ako ng dyaryo ng Manila Bulletin para may souvenir ako na  nadyaryo ung pangalan ko sa buong pilipinas. diba astig. hehe

Di pa rin ako nakakamove on sa pag pasa. Sa sinabi ko kanina na wala ako paki alam kahit bumagsak ako, naku binabawi ko na sapagkat Iba talaga ung feeling ng pag pasa at may na-accomplish ka sa pag aaral gamit ang tiyaga at pagsisikap.

Tunay nga ung quote na “Do your best and God will do the rest”

yosh!

To all my friends and Family:

You make this possible with your prayers.

I can’t do this alone by only studying hard. I believe God is the greatest lifter to be where I am right now. Thank you very much.

Sa mga friends ko, Kayo ung inspiration ko upang mag sumikap sa challenge ng buhay ko na to. Lalo na ung nakasama ko sa Boarding house, salamat sa gabay kahit minsan wala tayo makain tuwing gabi. hehe Pero napakasaya ung experience mamuhay kasama kayo kasi walang idle moments sa 6 months na pinagsamahan natin.

Sa aking Pamilya. Maraming salamat sa Moral at financial support. This license is dedicated for you. with your undying help, I have the chance to reach my dreams. Nothing is impossible in this world. even the word impossible says “I’m Possible.”. Salamat sa Tiwala. Salamat!

Salamat din sa mga teacher ko mula kinder to college, You mold me as a great person. Kahit minsan pinapagalitan nyo ko at pinagsasabihan. Dadalhin ko lahat ng tinuro nyo for the rest of my life.

To everyone who will read this blog, This experience that I shared is also for you. You are also my inspiration when I’m preparing for the Board exam because I really want to make this kind of blog. Wala pa kasi ako nababasa masyado na nagshare ng experience nila sa board exam. Time consuming kasi diba? pero sa iba na may interest na magsulat, please share your experience to your colleagues. Make them inspired and motivated.

We are Electronics Engineers and we hold the future of the Philippines in terms of technological growth. Make it happen! Kailangan lang talaga ng hardwork and motivations.

Kaya naman talaga, Pero We need the support of each and everyone to innovate the life of Filipinos.

Let’s make the Philippines the Silicon valley of Asia. We have a long way to go into this dreams but I do believe that 10 years from now we can hold the market of  Innovative Technologies.

Let’s Revolutionize this country! This is our generations and Let’s make the best out of it.

Please Listen to this song! Godbless you!

Advertisements

28 thoughts on “ECE Board Exam experience 2011

  1. ivanstephen says:

    nice! galing mo..meron ka na din pala nito…abangan mo din yung sakin..hehe..soon!

  2. sige sige.. di pa nga tapos ung sa akin.. itutuloy pa rin.. pabasa ako pagmeron na ha.. tnx sa paglike ivan.. apir.. naghahanap din kasi ako ng write up sa experience nila Board exam wala me masyado mabasa kaya nag gawa ako sarili ko.. haha.. apir.

  3. pia says:

    Salamat po s pagshare ng experience nyo :))
    marami po ako natutunan..
    at kahit papano ay nabawasan ang kaba hehe
    magttake po ako ng exam s October ^__^
    Sir ivanstephen sana mbasa ko din po yung gawa nyu 😀

    • Godbless sayo.. balitaan mo ko pag nakapasa ka na, di ko pa nalalagay ung last week before the exam eh, paxenxa na ha.. pero wag ka na magcramming sa last week, ung mga madadali na lang na prob at pag refresh na lang ng formula gawin mo.. apir.. Go.

  4. huarache says:

    thanks for the infos!

  5. kevin says:

    nice! thanks for the inspiration 🙂 galing2

      • yeo says:

        active pa to kuya? totoo ba yung pnagbibibigay nila na excel sa geas at est, yung materials sa coaching at erev? pati solving? hmm tip naman sa math..

      • di ko magets yung question mo eh, ung tungkol dun sa geas at est.. Ereview ng Excel compile nyo na lang for notes para me babasa kayo afer ng session.. diba diba. diskarte lang..

        Pero sa math, kailangan mo lang talaga magsolve ng magsolve.. Kung tamad ka magsolve, Pilitin mo. Un lang ma advice ko eh, paxenxa na. sabi nga There’s no easy way in math. But there’s a way to overcome math and it is by practicing. Sa math lang pede ung saying na “Practice makes Perfect.”

  6. GbSb says:

    Nakarelate ako sa mga experience mo till sa review center pero sa refresher at coaching ay hindi na kasi self review na lang talaga ang ginawa ko.

    I just want to know if ilang items ang

    Math
    GEAS
    ESAT
    ELEC

    Thanks..

  7. Eric says:

    Very useful.. detalyado kasi.. ayos..

  8. jeruel says:

    kakapasa ko lang ng board ngaung oct 2012….parang naiinspire din ako magsulat tungkol sa experiences ko sa board hahaha…galing po ako ng EDGE at alam ko kung bakit feeling nyo tabingi ung floor.. kasi ung elevator sa doña amparo sobrang maalog, pagkalabas mo mahihilo ka…hahaha

  9. hello po. kakabasa ko lang kuya ng blog mo.. heheh.. thanks for sharing.. marami ako na absorbed.. at least you gave us an idea about review center.. hmmmp.. kuya sabi po nila isa sa mga requirements dapat daw po ba 21 years old pag kukuha board exam?

  10. Eliezer says:

    Very nice.. :)) sana marami pang ECE ang matulungan nyo about sa experience nyo.. hehe kaka inspire.. thanks for the tips and experienced you shared… I think determination + GOD + inspiration = the key to overcome the lazyness… God Bless.. =)

  11. Yuujin says:

    Very nice, jonat. Salamat sa pagturo sakin ng kantang Light and Shade. lol

  12. thank you very much sa ginawa yung story at experience mo sa pgharap s board exam nkaka bigay ng inspirasyon sa mga katulad ko na gustong makapasa sa board exam…i salute u engineer evangelista the best ka!sana maging engineer din ako katulad u.Godbless…c”,)

  13. oozieh76 says:

    salamat sa pag-sshare mo 🙂

  14. Renz Atienza says:

    Nakakainspire sir! 🙂 Pag pumasa ako, gagawa ako ng sarili kong kwento about my own experience 🙂

  15. Godbless mga kaibigan. sana icomment nyo ung link ng board exam experience blog nyo dito para mag domino effect.. apir

    Thank you sa pagbasa.. Do your best and God will do the rest!

  16. Jay Paul Babarano says:

    Galing! I salute you Engr. Evangelista! Ngayon, 2nd Year college pa ako pero I’m looking forward for the Board Exam! GodBless! You inspired me soooooooooooooo much 😀

    • Thanks Paul. hehe. Marami pang obstacle na dadaan jan sa Engineering Road mo. Basta enjoy mo lang ang company ng mga classmate and friends mo sa college. wag mo muna isipin ang board noh.. Make some great Memory with them so when you take the board exam, all the memories with them will be your torch as you and your friends try to reach this goal. Mas masaya pag ganon. Hoping na marami ka rin ma inspired. Gobless. 🙂

  17. oztxd says:

    Engr. Jonathan Evangelista.. Ikaw ang isa sa dahilan kung bakit ako nakapasa sa ECE Board Exam this September 27-28, 2014.

    Thank You Very Much!!!

    Nakakainspire kase yung mga experiences mo nung time mo sa pagrereview mo nung 2011… Ikaw din yung prang naging reference ko sa bilang isang reviewee…

    Kaya pumasa din ako, katulad mo.. “Engr. Austin Diaz” na ako.. 🙂

    Sa tingin ko, eto na ata magiging Turning Point ng buhay ko.. katulad ng sabi ni Sir JJ Tiong..

    Thank you po talaga!!! 😀 God Bless sa’yo!
    Continue Inspiring….

    • Thank You din po.. Sobrang saya ko habang binabasa ko yung comment mo. Di ko talaga na expect na include mo ko sa mga inspirations mo. Thank you talaga. Naway marami ka rin ma inspire sa mga yugto ng buhay mo from this new road that you will travel. hehe.. Godbless sa Career nyo po as Engineer. Astig Ka tol! 🙂

  18. […] We wrapped up this Trip at Sampaloc Manila where we reminisced our Experience in ECE Board Exam. […]

  19. Sobrang inspiring! im a CE student nagrereview nadin, and kind of feeling that way too right at this very moment! After reading your post, i am now not afraid of failing sa Review Center, but i’ll give my best shot to give focus on where i lack up! Thanks po sa inyong super inspiring words of wisdom! And for opening my eyes that, God always got my back in every problem! 🙂

    • Hi! Godbless sa exam.. Galingan mo lang. Don’t Thank me. Thank my friends who said those inspiring thoughts to me.. hehe My bother is also taking up CE review this year.. Hopefully sabay kayong makapasa. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s