Pagsanjan Falls Adventures (El Pueblo Salvador Nature’s Park Route)

pagsanjan falls

April 20, 2013,

Let me tell you a little Flashback of this trip:

Simula pa lang nong Elementary ako, pinangarap ko na makapunta sa Pagsanjan Falls. Kasi un lang ang alam ko na sikat na tourist attraction dito sa Laguna. Subalit endi dumating ang pagkakataon hanggang sa ako ay makagraduate ng College. huhuhu.

End of flashback.

March 23 nong napagkasunduan namin ni Dina na magpunta sa Pagsanjan Falls. Ang balak kasi ng aming mga classmate ay sa Puerto Galera mag Swimming or mag outing. Pero sa loob loob ko, sinisigaw ung pangalang “Pagsanjan Falls Here I come”. Naririndi na nga ako tuwing umaga eh. peace.

I post:

Sino gusto pumunta ng Pagsanjan Falls?

then my hitech phone beep. And when i read the message,

Dina: Jonat sama ako pagsanjan.

Tinawagan ko agad si dina na kahit tayong dalawa lang ung matuloy ay pupunta pa rin tayo ha. at Binigay nya naman ang matamis nyang “OO”. Nice. sobrang saya ng araw ko non.. Sa wakas nagliwanag na ung pintuan going to the place I once dream.

Eventually, nag message rin si Ate Bayan sa akin sa FB

Ate bayan:  “Jonathan, sama ako Mag leave na lang ako sa 20. endi ba pedeng ibang araw?”

Jonat: ate tina, kasi dun lang pede si Mina. Priority un eh.. hahaha.. peace

Ate bayan: adik ka talaga. sige, I understand. Magleave na lang ako..

jonat: tnx ate tina.

Dumaan ang mga araw at nadagdagan na kami ng mga sasama sa Pagsanjan Trip Yown. hehe

One day Before the trip, nagtext ako sa mga classmate ko. Wala man lang nagrereply. haha. praning ata ako. naiisip ko baka walang sumama. Mag isa na lang ako pumunta dun. huhu. That time endi rin ako maka send ng message sa phone at makapagcall. Ewan ko kung bakit sa dami dami ng araw na nasa calendaryo, sa araw pa mismo na to tinamaan ako ng lintik na No sending policy ng Globe. Asar.

Natulog ako ng mga 11 pm ng Friday Night. And Still hoping to kahit isa may mag reply na sasama sila bukas. But eventually. wala eh.. hahaha..

Gumising ako ng 4:30am. Sobrang aga, kasi iinit ko pa ung adobo na dadalhin ko para may lunch Ulamnam kami.

Meeting Place: SM Calamaba Main Door

Meeting Time: 6am (due to pulmano Effect)

Binalak ko na talaga agahan ang Meeting time dahil kay ariel. Kung endi nyo pa alam ang Pulmano Effect, eto yung tendency ng tao na magpalate sa mga usapan kahit alam nya na ineexpect sya na pumunta dun on time. (also known as Filipino Time)

Nakakahiya sapagkat tinamaan din ako ng Pulmano Effect sa pag punta. kasi late na ako nakaalis ng bahay. mga 5:40am na. At Sobrang hiya ko kay ate tina non Sapagkat nagtext sya sa akin ng 5am na nasa Calamba na raw sya. What the Hell. What kind of transformation ang nangyari kay ate tina. I asked her, kung bakit maaga sya then she replied “Di na kasi ako sanay pumasok ng tanghali.” (The Ibiden Effect).

Sobrang nagmamadali na ako habang nasa Jeep(wahaha endi ako mapakali, pero ung Jeep constant pa rin sa kanyang pag takbo imba)

Nong nasa Halang na ako, tumawag si Keneth, at tinatanong ako kung nasan ako. (Huwaw, may sasama pa palang iba bukod sa amin nila dina)

Then dito na nag Beep ang CP ko: may tumatawag na unknown number. Sinagot ko ung Phone ko, at narinig ko ang isang familiar na Boses. Si Mina (ang pinaka maganda sa lahat ng magaganda).. hehe..

Kanina pa raw sya sa SM kasama si Dina, Melai at isang lalake.. tinanong ko agad sa kanya kung sino ung lalake at parang nabunutan ako ng tinik ng sinabi nyang Boyfriend ni Melai baka raw magulat ako eh. hahaha..

After a minute, nakita ko na ung 4. hehe dun palang sobrang saya ko na. Complete na ung trip. Pede na mag uwian. Seryoso. haha joke lang. Sinabi ko sa kanila na nasa Jabi sila ate tina dahil nakain pa sila ng umagahan sapagkat 5am pa sila dito sa calamba.

Tinawagan ni Mina si Ivan para papuntahin na sila sa SM Main door para makapagready na sa departure.

Sumakay kami ng Bus papuntang Sta. Cruz Laguna.

Mga quarter to 9am kami nag arrive sa Sta. Cruz Bus Terminal (DLTB Co.).

Then, bumili kami ng water at ilang mga snacks sa may mini-stop. Nong time na rin un, nag hallucinate na si ariel. Code Red na kasi sya.

For the information of everyone, when a person is in Code Red there’s a great possibility of diarrhea’s avalanche. hehe.

Sumakay kami sa super Jeep (Sobrang laki kasi) sa tapat ng DLTB Co. Terminal going to Cavinti Laguna. nag wait ata kami ng 30 minutes dun saka lumarga ung driver. Around 45php ung pamasahe namin.

10am nong nakarating kami sa cavinti. Bali late kami ng konti kasi sira nong time na un ung bridge going to cavinti kaya umikot pa kami sa may Caliraya. But everything was planned (peace). Kasi Nakita namin ang tinatagong ganda ng Caliraya Lake. Astig lang ng views na nakita namin. Di namin nakuwanan gawa na-andar ung jeep. But I assure you that you will love the scenery there. Dumaan din kami sa Japanese Garden.

Pagkalipas ng 35 minutes nagtanong na kami sa driver kung saan kami bababa dahil di namin talaga alam ung lugar. First time. So sinabi namin na sa El Pueblo Salvador Nature’s Park ang destination namin. Then suddenly huminto ung jeep. Ang bilis lang ni manong makaramdam.

Pagkababa namin ay bumungad sa amin ang entrance ng El Pueblo. Mejo hindi na kami kinabahan. hehe. Pero nag dadalwang isip pa rin kami kung papasok na, Gawa ung lugar ay nakakatakot. Talagang Liblib. Walang mga Jeep na nadaan at walang tao. Para kaming nasa isang Hunted Forest. Pero dahil sa excitement na nararamdaman, tuloy tuloy naming tinahak ang lugar patungo sa Pinaka Magandang Lugar sa  Laguna.

Pueblo-El-Salvador-Cavinti-Natures-Park-Picnic-Groves

Maganda ung Lobby ng El Pueblo Nature’s Park dahil may mga kubo na pede ka magpahinga at kumain ng Libre. Nag bayad kami ng Entrance Fee around 175php per person.

379810_4844600433146_1294669721_n

30355_496409887073505_1314388486_n

Dito ko na rin inexplain kung bakit Pagsanjan Falls ang tawag dito. (Actually ung kahera ung nagexplain) hehe

Ito ay sa kadahilanan na may couple Foreign Travelers ung naglakbay sa Pagsanjan river. Then when he reach the end of the river he was stunned sa napaka gandang falls na nakita nya. He named it Pagsanjan Falls because he entered at Pagsanjan River. But actually, Pagsanjan Falls is located at Cavinti Laguna. Therefore, this falls should be called as Cavinti Falls. Right? But hindi na nila pinush baguhin ang pangalan dahil mabilis na sumikat ang lugar at nailathala na sa maraming books at pahina noong unang panahon.

Another common name that the villagers of Cavinti and Pagsanjan called  the falls was Magdapio Falls.

There’s a story long time ago na may isang mayamang babae (Magda) ang nainlove sa isang mahirap na lalake (Pio) at dahil sa layo ng estado nila sa buhay, ang mga magulang ni Magda ay hindi favor sa pag iibigan nila. So isang gabi, nagtanan ang dalawa at pumunta sila sa isang bangin sa cavinti at sabay na tumalon. At doon na umapaw ang luha ng pag ibig ni Magda and Pio kasabay ang rumaragasang Pagpatak ng mga tubig sa Talon.

487951_496410000406827_1395947559_n

Bago kami mag start ng Journey namin papuntang Magdapio Falls ay kumain muna kami. At dahil wala kaming dalang  kanin that time, napagkasunduan na lang bumili kami ng pagkain sa Bayan ng Cavinti. Mejo malayo, it will takes 15 minutes to get there from El Pueblo.

Si Ivan, Ate Tina, Claris at ako ung nag puntang bayan. Di kami familiar sa lugar kaya sinabi namin sa driver na sya ung bahala kung saan kami makakabili ng mga pagkain pang lunch. Nag suggest naman si manong driver ng mga kainan. At luckily hindi kami binigo ni manong. hehe

Pagdating namin dun ay bumili kami ng mga Kutsara, plato, tubig at ulam. haha Wala talagang mga dala ung mga kasama ko. Ako lang talaga ung may dalang ulam na Adobo (Specialty ng Tatay ko). Bumalik na kami sa El Pueblo ng quarter to 12.

46239_4844603153214_1995178147_n

Kumain kami ng lunch. Sobrang sarap ng Adobo ni Tatay at ung Ginataang Caliraya Tilapya  na binili namin. Busog ang lahat. In my mind there’s a line that i keep telling to myself, “This was all included to my PLAN”

Pagkatapos namin magpahinga, kami ay naglakad na papuntang falls.

Actually may alternative route sa pag punta sa Magdapio Falls, One is you will ride a Bangka in Pagsanjan and you will shoot to the rapids of the river all the way to the falls. But this option may cost you around 1900php per trip. Mejo mahal di ba.

Kaya ung 2nd Option is more cheaper. You just have to used the route of El Pueblo Nature’s Park going to the Falls that may cost you 175php per person. But this route has disadvantage because you must ascend and descend on million of stairs. Ang tawag ko nga dito ay Stairways to Heaven.

946886_4981872944873_1874395934_n

Around 1:30pm nong nagstart kami bumaba papuntang Falls.

168283_4981873504887_502301052_n

931441_4981879385034_288982214_n

Konti lang ung mga nadala naming pagkain at nagpalit din kami ng mga pangswimming na attire because sabi kasi nong kahera ay mababasa daw kami.

Kaya its better to have extra shirt and slippers. Ung mga bag namin ay iniwan namin sa Entrance Lobby ng El Pueblo. Avoid bringing bulky things like maraming pagkain at mga damit pamalit sa pagpunta ng Falls kasi mahirap sya ibaba dun sa mga Tubelike elevators na dadaanan nyo.

375019_4981875064926_130215083_n

Bago maging exciting lahat ng mga pangyayari ay narating namin ung Holy Shrine na to. Eto ung final na pahingahan na makikita nyo, pagkatapos nito ay puro steep stairs na ang bubungad sa inyong paglalakbay kaya be ready to stretch out your legs.

971101_4981882225105_1907776391_n

After 30 minutes, narating namin ung Tubelike elevators. Manual lang ung working procedure ng elevator na to. Hinihigit lang ng isang El Pueblo Crew ung tali habang bumaba kayo. Sobrang adrenaline rush ung dumaloy sa aming mga dugo noong oras na yun.

One at a time lang ang pagbaba kaya mejo nagtagal kami sa part na to.

945246_4981887745243_63032510_n

Lahat kami may solo pics with untamed smile.. haha kala mo masaya pero pagkangiti namin that time ay sabay sabay ang irit ng mga girls. Pero ang saya kasi first time namin magawa ung gantong activity. And we never expected to be thrilled like this haha.

Syempre ni cheer ko si Mina. Go Mina!

960193_4981888985274_1053595189_n

575628_4981877584989_2094826981_n

After buwis buhay na pangyayari na iyun. Tuloy pa rin ang aming travel sa stairways to heaven. Feeling ko nga hindi na kami matatapos. Mga 1 and half hour na ata kaming naglalakad pero di pa rin namin tanaw ung Falls.

936067_4981881345083_1947092356_n

644310_4981876584964_963919781_n

Before we reached the second Tubelike elevators ay nakapagpapicture ulit ako kay mina. Xempre all time crush ko to kaya hindi ko na pinalagpas.

310260_4981882425110_359133589_n

Nag lambitin ulit kami sa isang tubelike elevators. hehe. Dito mejo sanay na kami kaya konting kaba at syempre mas malawak na ngiti na ung makikita sa mga mukha namin.

Bago ako bumaba, tinanong ko ung Crew kung pano kami aakyat. At ang sabi nya, “edi aakyat ulit kayo sa stairs and manual nyo nang lalakbayin ung tubelike elevators (without rope)”. haha Pagkarinig ko non parang ayaw ko na bumaba pero dahil rinig ko na ung tunog ng rumaragasang tubig ng falls ay nagpatuloy na ako sa paglambitin habang iniisip kung pano ko aakyating tung tubelike elevators without a rope. Kung ngaun pa nga lang nanginginig na ang tuhod ko pababa. haha

263314_4981890745318_1621894221_n

One at a time ulit ang pagbaba kaya kailangan ng patience. Almost 2 and half hours ata ung inabot namin to reach the river. Marami rin kasi kaming mga kasabay kaya talagang matagal din talaga ung pagpila pababa.

181278_4981892585364_10568738_n

As we reach the rivers of Pagsanjan, Maraming tourist from different nationality ang dumadating sa bungad ng Magdapio Falls lulan ng mga bangkero ng Pagsanjan. I feel happy to see how strong the tourism of Pagsanjan develops.

I observed them and all I can see is the joy they felt during their tours. Well, hindi ko sila masisisi. Kahit ako napahanga agad ng Magdapio Falls sa unang tingin pa lang.

947186_4981900865571_1812732824_n

Ang saya ng feelings nong natanaw na namin ung Falls. Parang nakainom kami ng Flanax that time kasi nawala agad ung mga sakit na naramdaman ng aming mga kasu-kasuhan from Stairways to Heaven.

960119_4981893065376_1101786161_n

969549_4981900425560_1423976765_n

968966_4981899265531_661187979_n

Of course, Hindi namin pinalagpas ung experience sa may ilalim ng Falls. Habang hinihila kami papalapit sa Falls ay sobrang kinakabahan kami. Hindi namin alam kung anong feeling ng tamaan ng tubig from 50 feet waterfalls. Syempre napag aralan namin sa Physics na once nagfall ang isang bagay, ito ay may acceleration due to gravity that creates greater force before it hits the ground. Kaya meaning mas malakas ung impact non sa amin. As we count the seconds, lahat sumisigaw!

When you are under the waterfalls, the water serves as a massage treatment to your body. Hindi sya masakit pero it will make your body feel more relaxed. hehe Mga 10 times ata kaming paulit ulit na sumakay dun sa balsa para maexperience ulit ung waterfalls massage. Sobrang sarap talaga ng pakiramdam na yun kasi napaka close to nature. haha di ko na naman maexplain.

942109_4981895785444_356681396_n

264446_4981893585389_1251210375_n

Around 3:30pm nong umalis kami sa Falls at muling nagtravel sa stairways to heaven. Astig talaga kasi na conquer namin lahat ung going up to the tubelike elevator without using rope except for ariel. Kasi naduwag na si ariel kaya nagpahila na lang sya dun sa mga Crew.  peace

Mejo mas mahirap ung pag akyat sa mga hagdan. Kaya kelangan iready nyo talaga ung stamina nyo for this kind of activity. It’s not easy but once you experienced the Magdapio Falls Waterfalls massage, you will surely plan again to visit this place despite of the long walk and steep stairs.

Pagsanjan Falls Itinerary:

7:00 – departure in SM Calamba

7:00 – 8:30 – Bus going to Sta. Cruz

8:30-10:15 – Jeep Going to El Pueblo Nature’s park

10-15-11-30 – Buy Lunch at Cavinti Town Poper

11:30-13:15 – Lunch time and Rest

13:15-14:30 – Final Assault to Magdapio Falls (Stairways to Heaven Adventures)

14:30-15:30 – Waterfalls Massage Experience

15:3-17:00 – El Pueblo Salvador Nature’s Park Lobby

 

 Travel Budget:

Transportation

45php – Bus going to Sta. Cruz from Calamba laguna

25php – Jeep going to Cavinti (Direct Way)

45php – Jeep going to Cavinti (Indirect way from Caliraya Lake)

 

Entrance:

270php – per person (Updated as of 2014)

549451_10203900157885217_3973663761951139914_n

Advertisements

2 thoughts on “Pagsanjan Falls Adventures (El Pueblo Salvador Nature’s Park Route)

  1. carla says:

    hi ask ko lang kung this year lang ba tong tour nyo sa pagsanjan falls? free lang ba ung rafting sa falls? sa ibang blog kasi na nabasa ko nasa 270 ung entrance sa el pueblo eh 175 lang ung sa inyo. is it student rate?thanks

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s