Nikko World Heritage Temples Adventure – 2nd Day Kanto Pass tour

nikko temple

August 14, 2014

Ito ang 2nd day ng aming Kanto Pass Tour. Napagdesisyonan ng grupo na ang next destination namin ay Nikko kung saan makikita ang pinakamagagandang temple sa Japan.

Isa rin ito sa pinagmamalaking World Heritage ng Japan na binubuo ng 103 buildings or structure at natural setting  of Old Japanese Culture. Ito ay matatagpuan sa Nikko, Tochigi Prefecture, Japan.

Matatagpuan dito ang Shinto Shrines (Futarasan Shrine and Tosho-gu) at Buddhist Temple (Rinno-ji).

Para sa informasyon ng nakakaramin, UNESCO listed the site as World Heritage in 1999.

Maaga kaming gumising para mag handa sa paglalakbay papuntang Nikko. At Dahil hiwalay ang dormitory ni Melody at Mean sa amin nila JK and Roel, napagdesisyunan na magkita na lang sa kawasaki station ng mga 7:00 am. Gustuhin man namin na mas maaga, ang katawan namin ay pagod na sa byahe galing sa Mt. Fuji.

I advice na magprepare kayo ng at least 1 week before bago kayo gumala sa mga Major Tourist Spot sa Japan. Mahirap kasi mag cramming sa plans at lalo na pag first time mong sasakay sa train system nila. Mejo nakakalito rin kasi ung mga pangalan ng mga Train Destination.

7:50 am ng sumakay kami ng train papuntang Tokyo. Dumating kami sa Tokyo ng 8:30am. Ang plan namin ay sumakay ng Shinkansen (Bullet Train) para mas mabilis ang byahe at maranasan namin ang pinagmamalaking Bilis at Gilas nito.

Shinkansen is a network of high-speed railway lines in Japan.It’s maximum speeds are about 240 to 320 km/hr (150 to 200 mph).

Inside the Bullet Train, you will feel like you’re in an Airplane.

IMG_0018

May mga available food naman kaya kung nagugutom ka ay umorder ka lang..

Isang oras din ung Byahe namin sa Shinkansen papuntang Utsunomiya. Wala kasing diretsong Train papuntang Nikko kaya sa Utsunomiya kami nagpalit ng train papuntang Nikko Tochigi Perfecture.

IMG_0025

Around 11am na ng makarating kami sa Nikko Station.

IMG_0028

Binati namin ang umpisa ng Nikko Adventures na may ngiti sa aming Labi. Excited talaga kami sa trip na ito dahil first time namin makakapunta sa mga temples here in Japan.

IMG_0036

At dahil  unang beses palang namin makapunta dito, hinanap agad namin ang Nikko Tourism Information. Ito ay matatagpuan 300 meters from the left side of the Nikko Station.

IMG_0038

Hindi ka mahihirapan makipag-usap dito kasi magaling mag english yung information agent. Pinaliwanag niya ang mga temples na pede mong mapuntahan sa loob.

Sa regular day ay meron daw inooffer na shuttle bus na pede pumasok sa mismong loob kung nasan ang mga temples pero dahil Obon Holiday ngaun at overcrowded ang mga touristang bumibisita sa kanila, napagdesisyunan ng tourist organization na hanggang Nishi-sando Stop lang ang biyahe ng bus.

Ang advice ng information agent ay maglakad na lang daw kami kasi 20 minutes walk lang naman ito from Nikko Station.

Subalit 45 minutes ung ginugul namin sa paglalakad  dahil nagkamali kami ng tinahak na daan. Nakalimutan namin itanong kung saang street kami  unang papasok. hehe.

41725map_e

Okay na rin ang nangyari kasi natagpuan namin ung lugar na ito. Sobrang makaluma lang nong place. Mejo Creepy pero nagpapapicture pa rin kami. Who knows, malay nyo isa palang tong 100 years old na architecture dito sa Nikko.

IMG_0043

Namanghan din kami ng nakita namin ang Shinkyo, a wooden arch bridge, na ginawa pa noong 1904. May bayad nga lang ang paglalakad sa bridge. I think its’ around 1000 yen. Kaya tiningnan na lang namin ito sa malayo.

IMG_0051

Sobrang Nature Lover ang ambiance ng entrance ng lugar. Maraming puno kang makikita sa bukana pa lang. Hindi ko mapigilang mapangiiti sa galak. hehe

Ang pakiramdam ko ay parang nasa ibang dimension na ako nong pumasok na kami sa loob. Kasi bago lahat ang mga views na nakita ko lalo na ung mga Temples. It’s nice to see that it’s still standing here magnificently

IMG_0057

Kumain muna kami ng Lunch bago kami magpatuloy sa pagpasok sa mga temple dahil nararamdaman na namin ang gutom. hehe. Wala masyadong makakainan sa loob kung nasan ang mga temples kaya it’s advisable na sa mga kainan before lumagpas ng Shinkyo Bridge kayo kumain.

Nagdala kasi kami ng  pack lunch kaya sa loob na kami kumain. Hindi naman pinagbabawal ang pagdadala ng mga food pero iwasan nyo na lang basta ikalat ung mga pinaglagyan niyo ng pagkain sa loob.

Pagkatapos namin mag-lunch, Ang una naming pinuntahan ay ang Toshogu Shrine. Subalit ang Yomei-mon Gate of Toshogu-shrine ay kasalukuyang nirerenovate. Kaya sa 2019 pa ulit natin masisilayan ang ganda nito.

IMG_0066

Kami muna ay naglibot libot sa lugar Habang pinag iisipan namin kung anong oras kami papasok sa Toshogu Shrine.

IMG_0080

Marami ka namang mabibilihan ng mga souvenir inside the vicinity.

Meron din mga Pendant na tinda kung saan may meaning base sa iyong birthday. Medyo mahal nga lang ang mga Pendant dito na nagkakahalaga ng more than 1000 yen. Pero isa pa rin itong magandang remembrance from Nikko dahil dito ka lang makakakita ng mga ganong pendant.

Ang halaga ng ticket sa Tosho-gu Shrine ay 1300 Yen. Wag nyo i-miss ang pagpasok sa mga temples dahil hindi nyo ma-aappreciate ang ganda ng  World Heritage of Nikko Temples.

Yung Ticket sa Tosho-gu Shrine ay binubuo ng 3 Pass tickets. Iba’t ibang color sya kung saan magagamit mo sa 3 attraction sa loob ng temple.

Ang unang Pass ay ginamit namin as entrance ticket sa main gate ng shrine.

800px-Nikko_Tosho-gu

Here’s a brief History of Tosho-gu Shrine (quoted from wikipedia)

Tosho-gu is dedicated to Tokugawa Ieayasu, the founder of the Tokogugawa Shogunate.

During the Edo Period, the Tokugawa shogunate carried out stately processions from Edo to the Nikko tosho-gu aloong the Nikko Kaido. The shrine’s annual spring and autumn festival reenact these occasions and are known as “Processions of a Thousand of Warriors.”

IMG_0179

Here’s the Five-story Pagoda that you will see at the entrance of Tosho-gu Shrine. The original building was burned down during a fire and was rebuilt in 1818. Each Story represents an element – earth, water, fire, wind and aether or void – in ascending order.

IMG_0101

The Stable of the shrine’s sacred horses bears a carving of the three wise monkeys who hear, speak and see no evil, a traditional symbol in Chinese and Japanese Culture.

22Ginaya namin ung three monkey’s kasi eto ung isa sa pinaka sikat na symbol dito. hehe Noong una akala namin sobrang laki nong mga monkeys pero nong nakita namin ay mga wood carvings lang ito sa bandang unahang part ng Shrine.

Nagpatuloy kami sa paglilibot sa lugar at hindi namin ma explain ung feelings na makita ung mga magagandang carvings ng stone and woods ng mga temples.

IMG_0113

Ito ung Haiden (Worship Hall)

IMG_0120

Sa Kaliwang bahagi makikita ang Honden (A building enshrining the defied image of Tokugawa Ieayasu, Tosho Daigongen)

IMG_0127

Ginamit namin ang 2nd Pass para makapunta sa Okusha Hoto.

Here we encountered hundreds of stone steps that lead through the cryptomeria forest up to the engrave of Ieayasu. A torii at the top bears a calligraphy attributed to Emperor Go-Mizunoo.

IMG_0131

IMG_0136

Sa Okusha Hoto, nakakita ulit kami ng water fountain. Sobrang lamig ng tubig dito. We also tried to gargle some water here to refresh ourselves from climbing hundreds of stair’s step.

IMG_0143

Bago kami pumunta sa Libingan ni Iyeasu, May isang Monk ang  nagpapaliwanag ng History ng lugar na to. Dito rin kami nag pray. In Japanese Culture, after you pray  or wish for something ay kelangan mo mag clap ng isang beses.

IMG_0146

Then we reached this  Bronze Urn that contains the remains of Tokugawa Ieyasu.

IMG_0147

May wishing tree akong nakita malapit dun sa bronze urn kaya lang sobrang haba ng Pila. Pede ka mag wish tungkol sa relationship, career and family. Sabi ko nga pagkakataon ko na un magwish para sa soulmate ko pero hindi ko pa nagawa. hehe

IMG_0165

Bumaba kami agad kasi hindi pede magstay ng matagal dun sa taas kasi overcrowded na ang dating ng mga tao.

IMG_0167

Nagpahinga kami dito for a couple of minutes. Pinag iisipan namin kung saan namin gagamitin ung Huling Pass. Kaya nagfollow kami ulit sa crowd at nakita namin na maraming pila papunta inside the temples.

Nag hubad kami ng sapatos bago kami mag step inside the temple. Bawal kasi ang any kind of slippers and shoes inside. Akala namin dito ung huling ticket pero hindi pala dahil hindi kami hinanapan ng ticket sa entrance.

Mga 15 minutes kaming pumila. Pagkatapos non ay nakarating na kami sa loob ng temple. May isang Monk ulit ang nag-explain ng tungkol sa History ng temple pero hindi  ko maintindihan dahil salin na naman sa nihonggo. Siguro ang main historical facts dun ay ang Edo Period or Tokugawa Period. then nag pray kami sa loob ng temple ng naka kneel. Pagkatapos non hinayaan kami nong Monk na magtingin tingin sa loob at doon namin nakita ung mga Golden Carvings, Dragon Ceiling and Samurais.

Paglabas namin sa Temple ay iniisip pa rin namin kung saan namin gagamitin ang huling ticket. Kaya nagtanong ako sa isang Japanese Girl, At ang sabi nya ay ung 3 Pass ay gagamitin sa Main Entrance, Okusha Hoto Urn at Dragon Ceiling. Mukhang lahat naman  un napuntahan ko na kaya baka tapos na ung trip namin sa tosho-gu temple. Noong palabas na kami ay  may nakita kaming isang mini temple na hindi pa namin napapasukan. Kaya pumila ulit kami doon. Bawal din mag pasok ng slippers or shoes sa loob kaya tinanggal namin ang mga suot namin sa paa.

Dito pala ung sinasabing Dragon Ceiling nong Japanese Girl na pinagtanungan ko. Sobrang laki kasi nong painting ng Dragon sa Ceiling. Tapos sa gitna ng temple ay meron mga percusion instrument na pinupokpok ang isang Monk at pinapaliwanag nya ung mga different sound and echo na naririnig namin. Kung nanonood kayo ng Dragon Ball, ung Image ng Dragon ay hawig ni Shenron. hehe. May makikita ka ring pagkain sa may altar ng dragon na nagsisilbing present or gifts.

Pagkatapos namin makinig sa mga dragon’s tone, kami ay lumabas na ng Tosho-gu Shrine.

Nag meryenda kami sa labas at nakita namin itong cold rice balls na tinda sa may bukana ng temple.

I recommend na bumili kayo as much as you can. hehe Sobrang sarap kasi ng pagkain na to. I think this is one of my favorite food that I’ve ever eaten here in Japan. So Pick up any colors because it will not disappoint you with the taste.

IMG_0181

Next Shrine na pinuntahan namin ay ung Futurusan Shrine. Subalit hindi na kami pumasok dun. Nag masid masid na lang kami sa loob. Kasi ang mahal din ng Entrance nasa 1000 yen per peron. I think sulit na naman ung Tosho-gu temple. hehe

IMG_0188

Hindi makukumpleto ang trip na to kung hindi kami makakapag-papapicture sa isang couple na nakasuot ng Kimono.

Kimono is a Japanese Traditional garment. The word “kimono” which literally means a “thing to wear” (ki “wear” and mono “thing”) has come to denote these full length robes. Nowadays, Kimono is usually wear by woman in Japan.

IMG_0195

Mga 5pm na nung umalis kami sa loob ng Nikko Temple. Wala na kaming energy maglakad kaya nagsakay na kami ng bus paputang Station. From there, we ride again going to Utsunomiya Station. Then, We changed train lane at Utsunomiya and ride a Shinkansen Train going to Tokyo.

We wrap up these trip in Tokyo Station where I had the first Glance of the most beautiful station here in Japan.

IMG_0227

IMG_0230

Transportation:

* Train Transportation is not included because we avail Kanto Pass Tour for 8300 Yen which has unlimited rides in all JR East Lines

Train Route:

Ride a train  from Kawasaki Station  to Tokyo Station

Ride a Shinkansen (Bullet Train) To Utsunomiya Station

Ride  a train from Utsunomiya Station to Nikko Station

Bus Route:

Ride a Bus from Nikko Station to Nikko Bridge – 200 Yen (1 way)

*You can also walk to Nikko Bridge from Nikko Station for about 25 minutes.

Food:

hopia – 200

Ice Cream – 320

Advertisements

4 thoughts on “Nikko World Heritage Temples Adventure – 2nd Day Kanto Pass tour

  1. Balak ko ring pumunta sa Nikko sa November. Salamat dito! 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s