Hitachi Seaside Park and Flowerfields – 3rd Day of Kanto Pass Tour

This is our Day 3 Kanto Pass Tour!

flowerfields2

Kung gusto nyo mag relax kasama ang ganda at halimuyak ng mga bulaklak, You have to check this Beautiful Park in Japan.

Hindi gaanong sikat ang Hitachi Seaside Park and Flowerfields dahil seasonal ang pag visit dito. Ito ay dahil ang mga flowers ay hindi naman sabay sabay na bumubulaklak. Ito ay depende sa panahon at klima ng isang lugar.

Para mas ma-enjoy nyo ang pagvisit dito, kailangan i-plan ninyo ahead of time ang pag visit nyo sa Japan na naayon sa gusto mong flower na makita.

Here’s the Flower Calendar that you may see in the park:flower-calendar1

Ngayon August kami pumunta kaya konti lang ang mga bulaklak na nakita namin. Masyadong kasing mainit ang summer dito sa Japan kaya konting flowers lang ang nag-bloom sa ganitong season. Ngunit, Hindi to nagbigay hadlang para masaksihan ang napakagandang lugar na ito.

August 15, 2014

kahapon ay nagpunta kami sa Tokyo Travel Information Office para kumuwa ng ilang advice kung paano pumunta sa Hitachi Seaside Park. Dito na rin kami nag pareserved ng ticket papuntang Hitachi. Mas mabuti kung magpapareserved na kayo ng tickets para maka upo kayo sa tren. 1 hour and 20 minutes ang biyahe galing Ueno Station papunta sa Katsuta Station kaya mahirap pag nawalan ka ng upuan.

8:30am ang plan ng arrival namin sa Ueno Station in Tokyo dahil 9:00 am ang reservation ng ticket na kinuwa namin. Hindi pa rin kasi kami familiar sa mga Train Lanes sa Tokyo kaya minabuti namin na magpa aga ng konti sa designated time.

DSCN0426

Komportable naman ang train na sasakyan kaya makaka idlip ka ng ng maayos kung gusto mo magpahinga. Nag arrived kami ng 10:20 am sa Katsuta Station. Nagtanong agad kami kung saang Bus ang papuntang seaside park. Tinuru naman agad ng Station Agent ang sakayan dito at matatagpuan ito sa Bus Stop 2 ng west side exit.

DSCN0503

20 minutes din ang biyahe namin galing sa Katsuta Station.

Nakasabay ulit  namin sa trip ang mga Thai friends, Si May, Pum and Pong. Akala ko alam ni May ang babaan sa Hitachi Seaside Park kaya relax na relax akong nakaupo sa may bandang likuran ng Bus ng biglang tumingin si May and Mean sa akin at sinabing “Do you know the place?”

At nagpanic na ako. hehe Kala ko kasi alam nila ang Bus Stop ng Hitachi Seaside Park. Kaya pumunta ako sa may bandang unahan at pinakita sa driver ang Map na dala ko. Sinabi ng driver na, “it’s okay, we’re not there yet”.

Pagkababa namin ay bumungad agad sa amin ang entrance ng Hitachi Seaside Park.
DSCN0427

Nag bayad kami ng 410 Yen para sa Entrance Fee.

Sinabi ni Pong na pwede raw mag rent ng bike para malibot ang Park. Kaya Pumunta agad kami sa Bicycle Station, nasa Left side ito ng Hitachi Seaside Park’s Entrance. Hindi mo agad ito makikita kaya kelangan maglakad lakad ka muna papasok. Per hour ang Bicycle Rent. Ang kinuwa namin ay 4 hours bicycle rent for 300 Yen.

For Your Information:

Park Hours

  • 9:30–17:00 (March 1 – July 20, September 1 – October 31)
  • 9:30–18:00 (July 21 – August 31)
  • 9:30–16:30 (November 1 – end of February)

Days Closed

Closed Mondays, EXCEPT as below

Closed on Tuesday if Monday is a national holiday.
Closed on December 31 and January 1 and for 4 days from the first Tuesday in February through the following Friday.
Please note that the park is open EVERY DAY during the following periods:

  • Spring: March 26 – May 31
  • Summer: July 21 – August 31
  • Fall: October 1 – 31

Admission Fees

Visitors Groups (20 or more)
Adults (15 years and over) 410 yen 290 yen
Seniors (65 years and over) 210 yen 210 yen
Children (7 to 14 years) 80 yen 50 yen

DSCN0485

Sobrang saya mag bike sa loob ng Park. Maraming Puno at maaliwalas ang hangin na dumadampi sa iyong mga pisngi. Para bang nakatakas ulit kami sa  nakaka-umay na ihip ng Siyudad.

pleasuregarden-map

Medyo nakakalito ang loob ng park dahil maraming mga daanan ng bike. Parang isang malaking Maze ang lugar kaya mahirap maghanapan pag humiwalay ang isa.  Meron naman ibibigay sayo na mapa bago ka pumasok sa loob pero kelangan mo magpractice kung pano bumasa nito..

I advice before kayo mag start ng Pag gagala sa Park ay magplan na kayo kung anong station ang mga pupuntahan nyo para hindi masayang ang time nyo sa pagbibisikleta sa paghahanap pa lang  ng mga flowers.

Dahil sobrang excited namin mag bike, Lahat kami ay lumarga na ng walang tinginan sa mapa. hehe Kung saan na lang kami dalhin ng aming pagpepedal.

10629764_10202721202294438_6111629104415754158_n

May Train din na available kung hindi ka marunong magbisikleta at para sa mga matatanda na gustong malibot ang loob ng park.

Narating namin ang place na to, ang tawag sa halaman na ito ay  Miharashi no Oka Kochia (Green). Pag nagtagal, ang mga kulay green na mga halaman na ito ay magiging Red.

DSCN0446

hitachi seasidepark

DSCN0455

Sa tuktok ng burol makakita ka ng isang Bell. Pwede ka maglagay ng Message dun below tapos sabay mong papatunugin yung Bell.

I searched for the meaning of these bells. Then, the closest description that I’ve read is from Alice Gordenker’s Article about Pocket Bells.

Quoted from the article of Pocket Bells by Alice Gordenker

“In Shinto, bells have long been used at shrines and in ritual dances to get the attention of gods and bring them down among the people to offer protection.

“Because of these and other traditions, there is a deeply rooted belief in Japanese culture that the sound of bells wards off evil and brings protection. That’s why you so often see bells on omamori (protective charms), Kojima explained. “It’s also why, well into the 20th century, parents used to attach little bells to children’s geta (clogs).”

Kojima pointed out that Japanese used to be highly attuned to nature’s sounds.

“If you consider that most people were engaged in agriculture and fishing, you can understand how important it was to pay attention to changes in the sound of wind, for example, because that could signal critical weather changes,” Kojima said. “And our poetry is full of references to the sounds of wind, water and insects. So it’s not surprising that a sound, such as that made by bells, could be considered so powerful.””

10603236_805375336149382_8266147455903091766_n

Sobrang ganda sa Taas ng Burol. Kung Autumn or Spring ang pagpunta nyo dito tiyak na mas lalo kayong ma-amaze sa mga flowers dahil na rin siguro sa Sakura Season.

10612913_10202721209094608_3258610090003761126_n

Pagkatapos namin mag sight seeing sa taas, kami ay bumaba para puntahan ang mga Sun flowers.

DSCN0463

Ito ang kauna-unahang kong beses na makakita ng maraming Sunflower. Hehe Astig lang. Ang ganda nila tignan pag magkakasama silang bumubulaklak.

10290707_805375279482721_1935270907832838676_n

Sa tabi ng Sunflower, makikita mo ang Daisogen, Mirahoshi no Oka Cosmos and Sareki Garden Flowers.

DSCN0479

10628555_10202721213414716_6308520955144109733_n

Kumain kami ng Lunch ng 12:30 pm sa may Dome Plaza. May dala kaming mga pack lunch para picnic mode ang aming trip. hehe. Meron naman mabibilhang pagkain sa loob ng park malapit sa Amusement Park. Pero kung Friends and Family Bonding, mas okay ang picnic. Saka madadala mo pa ung masasarap na pagkain na gusto mo.

Pagkatapos noon ay nagbike ulit kami para libutin ang buong area. May 1 and half hours na lang kami mag gagala kaya sinulit namin ang pagbibike.

Parang bumalik kami sa pagkabata, ganto kasi ang na-imagine ko na masarap gawin noong bata pa ako, ang mag Bike maghapon sa isang magandang Park. Ngaun lang natupad. hehe.

10472794_805375399482709_2560323379684851264_n

DSCN0488

Bago namin makita ang lugar na to ay naligaw kami ng sobra. Mahirap din pala ifollow ung mapa na binigay sa amin. Subalit sa kabila ng hirap sa pag pepedal, ginwaran naman kami ng magagandang view na susulitin namin sa buong maghapon.

DSCN0496

10551116_805375372816045_5993108021492547984_n

DSCN0487

Nang mag alas tres na, kami ay nagdali-dali para itrace out ang lugar kung nasaan ang bicycle Station. Kelangan namin kasing ibalik ang mga bike before 3pm. Medyo nahirapan kami hanapin ang lugar. Nag worry  na nga kami dahil pagod na rin kami kakapedal. hehe Kelangan na namin mag recharge.

Ang naglead ng aming breakout ay si Melody at Roel. Mas magaling ang kanilang sense of direction compare sa aming tatlo. After some minutes we did reach the bicycle shop. Lahat kami pawisan at para bang nag iba ang mga kulay namin dahil sa sun burn.

Nag ice cream kami sa tabi ng Bicycle Shop para marefresh ang aming sarili sa matinding init. Enjoy pa rin ang aming Seaside Getaway.  Nakaka nostalgic pa rin ang feeling pag iniisip ko ang pagbibisekleta namin sa nakaka-ligaw na park na ito..

Quarter to 4:00 pm na nong umalis kami sa Hitachi Seaside Park para pumunta sa Akihabara. We wrap up that trip while looking to the magnificent towering building in Akihabara.

 Recommendations:

If you want to enjoy more of Hitachi Seaside Park, The best season to visit the place is November beginning when Autumn Starts and April End when Sakura Blooms.

10620641_932042880144016_8980538699358297249_n

Other Seasons in Hitachi Seaside Park:

japan

Mirahashi no Oka Nemophilia (April Season)

20150331_kokia4

Mirahashi No Oka (Red) Autumn Season

Thank You Guys for a wonderful Trip!

Kitakit’s na lang sa mga susunod nating paglalakbay. Godbless.

Sobrang saya talaga ng Kanto Pass Tour. Marami kaming na experience at natutunan sa tatlong araw na ito tungkol sa Japan Culture. hehe Naf-enjoy talaga kami. No words I can described about this trip.

Nag start ang lahat sa Fuji Lands,  kung saan namangha kami sa napakagandang view ng Mt. Fuji World Heritage Site . Hindi ko lubos maisip na makakarating at makakatung-tong ako sa 3/4 ng Height of Mt. Fuji. Habang Tumitingin ako sa Sea of Clouds from our stand point, hindi ko mapigilang  lumundag sa Galak. haha. From the start pa lang ng aking Japan Toshiba Training, itinatak ko na sa bato na pupunta ako sa Mt. Fuji and God gave me this opportunity. Thank You po.

The 2nd day of our Kanto Pass Tour had a different kind of flavor. We went to Nikko World Heritage Site where we visited and seen some Japanese Treasure and Temples. Sobrang namangha talaga ako ng nakita ko ang mga itsura ng temples doon dahil napreserve nila yun for a thousand of years.

And our 3rd day was a little bit of a Childish Getaway. We went to Hitachi Seaside Park where we see alot of colorful flowers. We also had a wonderful biking experience in the park that gave us a bit of  summer breeze of Japan.

DSCN0439

Nathan

DSCN0156

Me-anne

IMG_0069

JK

DSCN0209

Pong

10606181_805100666176849_280516703259902812_n

Phum

1912312_10202721163013456_5049624224968355600_n

Bee

10533444_10202390835999867_1727823209829727504_n

Roel

10547495_10202721152133184_179966877870189887_n

May

IMG_0124

Melody

Transportation:

* Train Transportation is not included because we avail Kanto Pass Tour for 8300 Yen which has unlimited rides in all JR East Lines

Train Route:

Ride a Train from Kawasaki Station to Ueno Station

Ride a Train from Ueno Station to Katsuta Station

Bus Route:

Ride a Bus from Katsuta Station (Bus Stop 2) to Hitachi Seaside Park – 400 Yen (1 way)

Food:

There’s many available food in the Park but Pack Lunch is not prohibited. It’s better to bring food inside to have a budget travel

Advertisements

4 thoughts on “Hitachi Seaside Park and Flowerfields – 3rd Day of Kanto Pass Tour

  1. Diana says:

    Hi! Your blog is really nice. Usually yung pagpapareserve ng train tickets pwede ba sya a day before? And saan ba yung tickets nabibili? Isang lugar lang ba bilihan nun? 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s