Tokyo Adventure (Ueno, Imperial Palace, Akihabara and Shibuya)

Never Been to Tokyo? Here’s the glimpse of what you can see inside this City.

10698452_10204103888350064_1411544064950280245_n

Para maka-mura sa pag gagala sa Tokyo gamit ang Train System sa Japan, magandang mag-avail ng 1 day tokyo pass. Meron kayong unlimited rides to all trains around tokyo except for subway train.

Ang halaga ng 1 day tokyo pass ticket ay 750 Yen.

Nag start kami sa Shinigawa perfecture. Bago kami bumili ng ticket ay sinabihan na kami ng train operator na huwag na kaming mag avail ng 1 day tokyo pass kasi baka masayang lang at hindi namin masulit ang gamit  sa buong trip.

Para masulit mo ung trip,  kelangan mapuntahan mo ay 5 stations. Kala namin ay kaya namin maka five station but unfortunately ay 4 station lang ang napuntahan namin. Ang halaga kasi ng train from each station ay 150 Yen. Kaya pag naka 4 station ka lang ay 600 lang ang pamasahe. Ang halaga na maluluge sayo ay 150 Yen.

DSCN0221

Kaya bago kayo mag 1 day tokyo pass be sure na more than 5 station ang pupuntahan nyo para sulit ung bayad nyo.

Ang unang place na pinuntahan namin ay ang Tokyo Station at Imperial Palace.

Tokyo Station and Imperial Palace

DSCN0230

Ang Tokyo station na ata ang pinaka magandang train station sa Japan. Ito ay dahil sa unique architecture na sumasaklaw sa buong building. Inside and Out ay talagang nakakamangha, parang bang dinala ka sa kakaibang dimension.

Meron din hotel sa mismong station kaya ang mga tourista ay hindi na mahihirapan mag hanap ng place to stay. Pero hindi ako sure kung magkano ang halaga ng isang gabi sa Tokyo Hotel. It’s advisable pa rin na before you go to tokyo ay mag reserved kayo ng Hotel dito. Minsan kasi pag masyadong maraming tourista ay may chance na ma- occupy lahat ng rooms.

DSCN0238

Ang pinaka best para mag gala sa Japan ay ang pag gamit ng Google Map. Kaya if you’re plan to visit and explore japan ay siguraduhin mong mag rent ng Wi-fi Internet connection.

https://www.rentalwifi.com/

DSCN0249

Nag-search kami sa google map  kung saan ang Imperial Palace. At sinundan namin ang direction na binigay nito.

Nag try kami mag tanong sa mga Japanese na nakakasalubong namin but sad to say ay hindi sila marunong mag english. Kaya wala kaming choice kundi mag rely kay google map directions..

DSCN0250

Bago namin marating ang Palasyo kung saan nakatira ang King and Queen of Japan ay nadaanan namin ang napakagandang park na ito.

Sobrang namangha ako doon sa mga Puno dito kasi kakaiba ang itsura. Ang sabi raw pag Autumn ay lahat ng color green na nakikita nyo sa tokyo ay maging color brown. Astig Noh? Sayang talaga hindi ko man lang nasilayan ang ganong kagandang view. Pero hoping talaga ako na kung mapad-pad ulit ako dito sa Tokyo ay Autumn or Sakura season ang maabutan ko.

DSCN0256

Pagkatapos ng 45 minutes walking ay narating na namin ang Imperial Palace.

DSCN0261

Maganda ang lugar dahil puno ng traditional na Japanese structure. Kaya lang hindi kami pinayagan na pumasok sa loob. Hindi ako sure kung seasonal ung pagpapasok sa loob ng imperial palace. However, we just enjoyed  what the outside views of the palace had to offer.

DSCN0270

DSCN0265

We followed some tourist group and then we reached this Startlingly impressive Samurai Statue.

Ang tawag dito ay Statue of Kusunoki Mashige. He was the 14th Century Samurai who fought for Emperor Go Daigo in his attempt to wrest rulership of Japan away from the kamakura shogunate and is remembered as the ideal of Samurai Loyalty (Quoted from Wikipedia)

DSCN0280

Kung gusto mo malibot ang Tokyo City. I advice to ride this bus (Tokyo View from the Top). Hindi namin alam na may ganto palang tour package kaya hindi namin na-avail.

DSCN0290

Pagkatapos noon ay sumakay ulit kami ng train from Tokyo Station para pumunta sa Ueno. Ang Next Adventures namin ay ang Ueno Zoo.

DSCN0289

Ueno Zoo

Pinangarap ko talagang pumunta dito dahil gusto ko makakita ng maraming animals na bago sa aking paningin like Panda, Kangaroo, Penguin, Seal, and Polar Bear.

Pagkarating namin sa Ueno ay nag break muna kami sa Mc Donald para mag recharge ng Lakas. Mahaba-haba kasing adventure ang naghihintay sa amin ngayong hapon. 11pm nong nagstart na kaming hanapin ang Zoo.

Dahil Hind namin alam ang entrance ng Zoo ay napadpad kami sa Likurang entrance nito. Ang tip ko sa inyo ay dun kayo sa may bandang unahan ng zoo magstart dahil andun ang mga Main Animals nila like the Most Popular Bear in the World, Kung Fu Panda.DSCN0292

600 ang entrance ng Zoo. Ang info na alam namin ay around 300 Yen lang yung entrance fee ng Zoo kaya medyo nagulat kami sa price ng bumili na kami ng ticket.

map_u10

Ueno Zoo Map

Western Animals:

African animals (white rhinos, hippos, pygmy hippos, giraffes, zebras, okapis), maned wolves, aardvarks, Hoffmann’s two-toed sloths, gray gentle lemurs, aye-ayes, Small Mammall House (rodents, bats, armadillos, hedgehogs, porcupines, nocturnal animals), Vivarium (galapagos tortoise, saltwater crocodile, green iguana, geckos, corn snakes, Japanese pond turtles, Burmese pythons, and other reptiles and amphibians), waterfowls (common cormorants, mallards, black-headed gulls, European pochards, crested screamers, puffins, Inca terns, scarlet ibises, sacred ibises, fulvous whistling ducks), Children’s Zoo (guinea pigs, rabbits, hamsters, miniature horses, donkeys, cows, llamas, goats, sheep and other domestic animals), etc.

DSCN0298

Rhinos

DSCN0296

Giraffe

DSCN0306

DSCN0328

Penguin

DSCN0316

Small House Animals

DSCN0331

WaterFowls Animal

DSCN0372

Nag patuloy kami sa pag explore ng lugar. At isa sa favorite ko ay ang small mammals house. Marami ako nakita dito na mga nocturnal na mga hayop na first time ko lang nakita sa buong buhay ko like  rodents, bats, armadillos, hedgehogs and porcupines. Hindi nga lang ako nakakuwa ng mga pictures dahil medyo madilim sa loob ng house at bawal ang flash ng camera kasi natatakot ang mga animals.

DSCN0308

The best talaga nong nakita namin ang isang cage ng The Most Smallest Mouse. Nagtagal kami ng 30 minutes sa paghahanap  para lang masilayan ang smallest mouse na yun kung kamukha nga ni mickey mouse pero hindi nya kami pina unlakan. haha. Sayang talaga yun. I dare you guys to find that mouse when you have the chance to visit Ueno Zoo.

DSCN0332

Nagpahinga muna kami ng konti at namalayan namin na nawawala na naman si Roel at Lyka. haha Palage na lang nag sosolo ang dalawa. Tsk Tsk. Yun pala nag karoon na naman ng miss communication at nag tuloy-tuloy na pala sila habang kami ay naghihintay dun sa may eating station beside the Red Pandas.

DSCN0333

Red Panda

DSCN0334

Eastern Animals: 

Pheasants, red pandas, snow owls, raptors, Sumatran tiger, Indian lions, western lowland gorillas, gibbons, Bird House, dholes (red dogs), Nocturnal House (mouse deer, leopard cats, slow lorises, bats), cranes, California sea lions, bears (polar bears, Hokkaido brown bears, sun bears, and Japanese black bears), birds of Tokyo, Asiatic elephants, monkeys (Japanese macaques, white-mantled black colobuses, ruffed lemur, ring-tailed lemurs, black-handed spider monkeys), llamas, capybaras, South American tapirs, American bisons, prairie dogs, etc.

Bago kami mag start sa pag explore ng Easter Part ng Zoo ay nag lunch muna kami sa isang canteen malapit sa mga Unggoy.

DSCN0343

Masarap ang mga foods na mabibili nyo sa Canteen. Sa itsura pa lang nakakatakam na. hehe Hindi ko alam kung anong tawag sa mga foods na to kasi pictures lang pinagbasehan ko nong umorder ako. Halos lahat kasi ng signs and instruction sa loob ng Zoo ay nakasulat ng Nihonggo. Pero yung mga Crew naman sa Canteen ay marunong mag English kaya di ka rin mahihirapan makipag communicate sa kanila.

DSCN0342

Ang Favorite ko sa eastern part ay ang Polar Bear, Panda, Gorillas at Prairie Dogs.

DSCN0340

Colony of Monkeys

DSCN0355

prairie dogs,

DSCN0445

Sumatran tiger

DSCN0447

Gorillas

DSCN0464

Sea Lion

DSCN0478

Polar Bear

DSCN0399

Kung Fu Panda

Napadaan din kami sa mga Elephants. Too Bad wala akong Pictures. Video kasi ung kinuwa ko habang nagpeperform ang mga Elephants at talagang synchronize ang kanilang mga DA’ Moves.

Nag Joke pala si Lyka kung Anong “Bird ang pinaka malaki?”

All: Ostrich?

Lyka: Nope. Elephant! haha. Mukhang Elepante kasi ang itsura ng Bird nyo.

haha lahat na lang kami tumuwa. Ang Bastos lang. peace But it made our day. haha

Sobrang tumaas talaga ang aking mga balahibo nong naka kita ako ng Panda. First time ko kasing makita ng Panda sa buong buhay ko. May mga schedule din pala ang mga panda – time kung saan sila kakain, maglalaro and etc. Kaya it’s better alam nyo kung anong gusto nyong activity ng panda kapag bibisitahin nyo na ito. Ang naabutan namin ay ang pagpapakain ng mga panda. Ang Mga kinakain nila ay leaves at ilang vegetables. Ang technique ng mga nagpapakain ay nilalagay nila yun sa ibat ibang place ng kanyang habitat para pag kumain na sya ay mag search ito sa every corner ng kanyang bahay (Instant Exercise na din).

Ang next na nagpa amaze sa akin ay ang mga Polar Bear. Sakto kasi na ang naabutan namin ay ang pagpapakain sa kanila at sobrang lively lang ng Polar Bear kasi pinakitaan nya kami ng ilang swimming stye nito.

Masaya ako na makita ang maraming animals na tumitira ngaun sa Ueno Zoo. I think hindi naman lageng panget ang image ng mga Zoo. Marami kasi ang Anti-Zoo at ayaw makita na nakakulong ang mga hayop. But for me, It’s somehow good for them. Alam naman natin na napaka dangerous na ng environment para sa mga endangered Species na mamuhay sa Gubat or sa Dagat.  Breeding them is one of the Key Factors of a Great Zoo. And seeing those animals in the best Condition offers a great futures for our animal welfare.

But I do hope that someday those animals in the zoo will also be released into the wild life.

So Next time you are in the forest or even in your house, Please take a good care of all the animals around you because they have also the rights to live with us without fear of getting disturbed or killed.

DSCN0419

Akihabara

Akihabara, The City of Anime and Gadgets enthusiast.

Kung Gusto nyo makakita ng maraming mga Anime Collection like Figma Toys and T-shirts from Japan kailangan bisitahin mo ang lugar na ito.

This City is very Colorful during night so I advice to visit the place during this time.

DSCN0488

Kelangan mag ready ka rin ng maraming pera sa pag bisita dito dahil impossibleng wala kang magugustuhan. hehe. No doubt about it.

DSCN0484

DSCN0489

Try to visit all of the Top Store Here like Book Off, Lobby, SEGA and YodoBashi.

Outside the Top Stores, You can also find so many second hand Gadget in a very low price. I advice na magtingin tingin kayo dun nga mga gadgets like tablets, laptops and cameras.  Be witty enough to choose one. Mas maganda if meron kang kasamang techy Guy para i-check ang mga gadgets na bibilhin mo.

Marami rin mga 2nd hand Cellphone na mura kaya lang ang iba dun ay naka-line with Japan Tel. Compnay. Kaya hindi talaga advisable na bumili ng Phone dito.

DSCN0490

For Anime Toys, You can buy it around 1000 to 4000 Yen. Sorry I did not take any photos because it was prohibited.

DSCN0487

The Price of Anime shirts is too expensive but all kind of cos-player’s costume is available here.

DSCN0486

Marami rin mga nagkalat na Maid Cafe sa Akihabara. I don’t know why. Pero ang sabi ay nag ooffer daw sila ng mga Special Service (You know what I mean). haha

Isa ito sa mga classic ng akihabara na gustong-gusto ko dahil unlimited views of Maid Cafe ang makikita nyo dito. Sabi ko nga, Bakit nasa Akihabara lang ang mga magagandang Babae ng Japan. Oops. haha

DSCN0491

DSCN0485

We also eat our dinner here. 8pm na nongumalis na kami sa Akihabara para pumunta sa Shibuya. Hindi na kami nagtagal sa lugar na ito kahit gusto pa namin dahil masasayang ang chance na makapunta sa Home Town ni Hachiko.

Shibuya

With over 3 million passengers in 2014, it is said to be the fourth-busiest commuter rail station in Japan. (after shinjuku, ikebukuro and Osaka)

In 1948, a great statue of Hachiko was erected. It still stands here and It is a popular meeting spot in Shibuya. The station entrance near this statue is named Hachiko-guchi.

Hachiko was an Akita dog born on a farm near the city of Odate, Akita Prefecture who is remembered for his remarkable loyalty to his owner which continued for many years after his owners’s death. “Hachi” means eight and the number referring to the dog’s birth order and a suffix “ko” means affection.

DSCN0506

DSCN0495

Sobrang daming tao ang makikita mo dito. Hindi nga magkaintindihan ang mga tumatawid sa kalye pero ang nakakamangha ay walang trapik sa lugar. Napaka Disciplinado talaga nila sa mga Traffic Rules.

DSCN0493

I think Shibuya is the Shopping Capital of Japan. hehe. Lahat na ata ng brand ng damit makikita mo dito.

DSCN0508

For my personal opinon ay mas  maganda ang lugar na ito kung i-compare sa Akihabara. Alam mo ba kung Bakit? Akala ko talaga nasa Akihabara na ang best spot para makakita ng mga Japanese Beauties, Pero this city proves me wrong.

It may sound exaggerated but 95% ng babae sa Shibuya ay  sobrang Ganda(Super). haha Kaya I really recommend this place. When you go to Japan, Don’t Miss This City. Hindi ka magsisisi. I Promise. 🙂

DSCN0510

Sobrang tawa ko lang sa mga Girls namin na kasama, Sa dami-daming bilihan sa Shibuya sa Forever21 pa pumasok. Kasi ba naman meron na sa Pilipinas non kaya ang point ko sana ay nag try sila ng ibang store. But they all replied to me with killer eyes, “Dito lang kasi mura ang bilihin!”

We did not have enough time para malibot ang buong Shibuya prefecture. Maybe Next time we will. For all the Girls and Guys who love and invest in fashions, this City fits your needs.

DSCN0511

Tokyo is indeed a Majestic City! And I will never have a second thought of visiting this place once again.

DSCN0416

Credit for the Pictures of the animals: Melody Ladera (Photographer)

Iinerary

9:00am – Departure to Shiniagawa

9:30 – 10:20 – Tokyo Station Adventure w/Imperial Palace SideTrip

10:45 – Arrived at Ueno

12:00 – 13:00 – Arrived at Ueno Zoo / Lunch Time

13:00 – 16:00 – Ueno Z00 Adventure

16:30 – 19:00 – Akihabara Adventure (City of Gadgets and Anime)

19:30 – 22:30 – Shibuya Adventure (City of Shopping)

Budget:

750 – Tokyo Pass

600 – Ueno Zoo Entrance

1200 – Lunch Time

6000 – T-shirts in Akihabara (5 pieces)

Other Places you can visit in Tokyo:

1. Odaiba

2. Asakusa

3. Sky Tree

4. Meiji Temp

If you have any Suggested place to visit in Tokyo, Kindly comment below. Thank you!

Advertisements

3 thoughts on “Tokyo Adventure (Ueno, Imperial Palace, Akihabara and Shibuya)

  1. iamalver says:

    Hi! ask ko lang sana if ano ang mga requirements para makakuha ng visa? and magkano ang kabuuhan ng gasto nyo from visa, airline tickets, hotels, and pocket money? ilang days din kayo allowed mag stay sa japan? ty

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s