The New Wave of Fortune Island

The Excitement Starts Here! This is the most beautiful beach that I’ve seen so far. Fortune Island – WoW na Wow sa Ganda!

Nag start kaming magbyahe sa bangka papuntang Fortune Island at exactly 11:00 am. Medyo late na kaming umalis dahil hindi namin natapos ang pagprepara ng pagkain sa umagahan at tanghalian. Hindi kasi available ang Gas stove ng resort kaya napilitan kaming gumamit ng Uling.

From JohnDel Resort, we take the ride of a lifetime going to Fortune Island.

Medyo maingay ang byahe kaya wala masyadong usapan. hehe Pero kita naman sa kanilang mga mata ang Saya at mataas na expectation sa nalalapit na pagbisita namin sa Greece.  Oops, Let me correct my thoughts – Fortune Island.

30 minutes na rin ang lumilipas at patuloy pa rin kami pinapahanga ng napaka ganda at napakalawak na karagatan ng South China Sea.

Barkong Pangingisda

May nakita rin kaming malalaking barkong panlayag at pangingisda. Narealize ko na talagang buhay na buhay pa rin ang Maritime Industry ng Pilipinas. Sanay mapangalagaan pa natin ito para sa mga susunod na Henerasyon.

Then suddenly, out of the vast blue ocean. A big waves hit our Katig. And it Collapsed..

Katig Problems

Lahat kami nagpanic sa nangyari.

Para sa lahat ng hindi nakakaalam, Ang katig ng isang bangka ay ang bumabalanse at nagbibigay ng maayos na paglalayag nito. Kaya kapag nasira ito, may malaking posibilidad na tumagilid at lumubog ang bangka.

Sumigaw ang Kapitan ng Bangka na huwag daw Kaming mabahala – Lahat sila ay seryoso ang tingin. Mukhang hindi biro ang kinalalagyan namin.

Pinaupo lang nila kami sa aming puwesto at binigyan ng matinding instruction – Huwag kayong gumalaw o tumayo.

At dahil nasa sitwasyon na kami ng Life and Death, Nag suot na kami ng Life Jacket. Kita sa mga mukha namin ang pagkabahala. Hindi namin inakala na dito na magtatapos ang lahat. Sunod-sunod na malalakas na alon ang dumampi sa amin. Hindi maiwasan ang pagtagilid ng bangka at paghalik nito sa ibabaw ng dagat.

Nag pray kami ng taimtim para maging safe ang bawat isa sa mga alon na halos walang palya sa pag bangga sa aming bangka.

Patuloy rin na umikot-ikot ang aming paglalayag. Kinailangan  kasing patayin ang makina ng bangka para maging stable ang pag galaw nito sa tubig.

Mabilis naman umaksyon ang aming Bangka Crew. Dali-dali silang tumalon sa laot at akmang tatalian ang katig para muling magamit sa pagbalanse ng bangka. Halos 20 minutes din ang inabot para marepair ang nasirang katig. Halos lahat kami ay hilong-hilo na dahil sa pagewang-gewang na pag lutang namin sa Dagat.

Gusto na talaga namin muling makatapak sa Lupa!

After a few minutes, natanaw na din namin ang Fortune Island. Muling nabuhay ang aming pag-asa na maging ligtas sa araw na iyon. At ang tanging tanong na naiwan – Sino ba talaga ang may Balat sa Puwet?

Thank you Lord, for guiding our boat to be safe for the whole trip. Although we did face a lot of safety problems, still,we were able to enjoy the trip as much as we expected.

Thank you din po Lord for a great weather. We all feel blessed in this trip.

Laking gulat namin ng sa kabilang side kami dinala para ibaba. Sobrang na-amaze kami sa napaka tarik na hagdanan.  Stairways to Heaven talaga ang tema kung magkakamali ka ng paghakbang paakyat.

Sa kabilang banda,hindi agad naka-landing ang aming sasakyan dahil nauna ang iba naming mga kaibigan sa pagbaba ng kanilang mga gamit. Sa point na ito ay hilong-hilo na ang mga kasama ko sa bangka. Lahat sila ay akma ng kakainin ang Kapitan dahil sa patuloy na pagmamane-obra nito ng paikot ikot. Hindi ko rin naman sila masisi dahil sa sobrang tagal at hirap ng biyahe na naranasan namin kanina.

Ayon sa mga Bangkero, tuwing August to January, ang kalimitang hangin na dumadampi sa South China Sea ay hanging Amihan. Kapag ganito ang panahon, kalimitan malakas talaga ang alon sa may pampang ng  Fortune Island kaya dito sila sa Stairways to Heaven nagbaba ng layag.

Hindi rin maiwasan na magka-inlove-an ang mga kalalakihan sa umpisa pa lang ng adventure namin sa Isla. Unti-unting nakikita ang mga Sparks ng Pag ibig sa bawat isa. hahaha peace

Nagpahinga muna kami bago namin tahakin ang stairways to heaven. Hinayaan namin pakalmahin ang aming mga sarili para makarecover agad para sa mas matitinding adventure na nag-aabang

Namangha agad kami ng makita ang White Sand Beach ng Isla. “WOW! Ang Ganda Dito”!

12:30pm ng makarating kami sa Isla kaya halos 3 hours na lang ang allotted time para maenjoy namin ang napakagandang Beach nito. Kaya lahat kami ay excited at nagmamadaling i-explore ang Isla.

Nagpapasalamat nga pala ako sa mga nag contribute para makapagluto ng tanghalian namin sa araw na iyon na pinangunahan ni Ivan. Thanks Guys! nakakaguilty at hindi namin kayo natulungan. Excited talaga kami magpicturan.

Ang ulam namin sa araw na iyon ay Adobo Special ni Keneth. Siya kasi ang palageng Cook ng aming Grupo. Tumulong din ang aming bangkero sa pagluluto, magaling kasi sila sa camping life kaya napabilis din ang pagpapadingas namin ng uling.

Sa puntong ito, Hindi na makausap ng matino ang aking mga kasama. Isa isa nilang nilabas ang kanilang nag gagandahang mga Camera at Cellphone para makuha ang every beautiful spot ng Lugar. Kanya-kanyang Pose lang!

DSCN1716

Looking for the Little Bit of Ice-Sea

Looking for the Little Bit of Ice-Sea

DSCN1633

1467208_10203538996302047_3102612805252560830_n

10675552_882267591795538_9748017537986138_n

Habang nagpipicturan ay Nahihiya ako i-approach si lara dahil sa away namin kahapon tungkol sa Uling. haha Ma-uling talaga ang pagmamahal niya sa akin noong araw na iyon. peace. Lara, Alam kong marami na tayong pinag-awayan pero feeling ko napakaliit ng isang ito para sa ating dalawa. Mga kasing Liit mo. haha peace.   Apir. Oh Diba ang Cute natin?

Nastarstruck din ako sa naabutan naming mga Tourista dahil sa Acrobatic Pose na ginagawa nila. Kaya di maiwasang magstealthmode si Charles sa kanila. Kudos kay Ate. Idol ka namin sa mga breathtaking shots.

Bumaba din agad kami sa Beach para damhin ang napaka-pinong Puting Buhangin. First time ko makatungtong at makahawak ng ganitong Sand. Kaya super na enjoy ko ang Trip na ito. Astig!

Ang Huling Alindog ni Mero

Surfing 101

Nang makita ni Jane at Alvin ang naka-usling bato na ito, nagtry sila maging Surfer para sabayan ang mga nag-gagandahang Alon na dumadampi sa Pampang.

I believe I can FLY!

Nag pose din kami ng Jumpshot at ito ang pinaka close sa lahat ng nakuhanan namin. 70% naman ang nakatalon kaya Okay sa Alright na rin ang shot.

5star beauties

Single Ladies

Kitang-kita talaga ang nag-gagandahang mga ngiti ng aking mga kaibigan na babae (Mero, Lara, Jane, Roan, Claris, Ate Tina at Dina). haha Ang Gaganda talaga nila kaya hindi ako nag-atubili na magpapicture kasama sila.

Nagtataka talaga ako kung bakit SINGLE pa sila – Mabait at Maganda naman ang kanilang mga Personality. It’s still a mystery. hehe. Hoy! Mag Boyfriend na kayo – Available ako. hahaha

EJ and Ariel

Ginawa din akong photographer ni Ariel para sa kanilang prenuptial photos.  haha At ito ang ilan sa kanilang  mga nakaka-inlove at nakakakilig na mga moments. Congrats Kaibigan!

 

Behind The Scene (Mga pangyayari na hindi ko nakita at nalaman during our Trip)

Marami din akong na-miss na mga photo shoot. Haha Minsan hindi ko lubos maisip kung anong nasa isipan nila noong ginagawa nila ito. Napaka full of emotions talaga – Mabuhay Kayo!

1. Saving Alvin

Hindi ko alam kung anong story ng Photo na ito pero kitang-kita ang pagiging Best Actress na pag ganap ni Claris – Pasanin mo Ang Mga Alon

10888357_882265488462415_5151186981471838262_n

2. Missing Mina

Ang alam ko lang ay may Ginagaya silang Photo na kasama si Mina.  Medyo Malungkot at hindi nakasama si Mina sa Fortune Adventure namin – Love of my Life ko pa mandin siya noong College.

Buti na lang talaga Pinunan ni Bryan ang nakaka-miss na presensiya ni Mina. Thanks Bryan sa muling pag sama sa Gala.

DSCN1687

3. Planking Fabby

Nagulat talaga ako sa mga shots na ito. haha Di ko din talaga alam ang mga pinag gagawa ni fabby sa kanyang Buhay. Pero pag Sawi for almost 25 years of existence, Ito ang kalalabasan ng inyong Photo Shoot. Action Speak Louder than Voice!

 

Dumaan din kami sa Libingang ito, ang Creepy lang ng Place dahil sa Bones na nakadisplay sa loob ng Tomb.

DSCN1688

May isang atraction pa sana dito sa Fortune Island – The Lost Ship. Kaya lang nagiba na ito noong dumaan si Bagyong Glenda. Sana talaga Ire-build pa nila ang mga dating attractions ng Isla. Napaka ganda ng Lugar – Huwag sanang Sayangin.

DSCN1691

Ilan sa mga na observed ko sa lugar ay ang nagkalat na mga dumi. Oo, Given na Abandoned Island ang Fortune Island. Pero Hindi ko lubos maisip na marami sa mga tourista na bumibisita dito ang gumagawa ng Vandalism at nag-iiwan ng Kalat.

Sana sa mga Bibisita, Huwag po nating Tanggalin at Angkinin ang Fortune ng Isla. Marami pang Tourista ang gustong makita ang napaka gandang lugar na ito, Kaya hayaan po natin na madatnan nila ito ng Malinis at Kaaya-aya.

DSCN1701

Pagkatapos maglibot-libot sa Isla, Kami ay kumain. Masayang nagsalo-salo ang lahat sa masarap na Adobo at Corn Soup na hinanda nila Ivan, Keneth at iba pang mga tumulong sa pagluluto.

Kaya Gustong-Gusto ko kayong kasama sa Outing, Hindi ako nagugutom. hahaha

Encounter with the Newest Couple

Pagkatpos namin kumain, nagkaroon ng Group Picture taking ngunit subalit datapwa’t may parang bumubulong sa aking Tiyan este sa aking Isipan nong oras na iyon. Kaya dali-dali akong kumuwa ng something at naglaho agad sa kanilang paningin.

Other observations ko sa Isla ay walang matinong Comfort Room sa lugar. Kaya kung may balak kayo mag Overnight Camping or Island Day Tour, be prepared sa mala-magdalena na paghahanap ng CR.

10888751_882269331795364_3616867370158003639_n

Pagkatapos ko mag-iwan ng Fotune sa Isla, Dali-dali akong bumalik para humabol sa picture taking kaya lang umuna na sila sa Greece. Ang Tanging naghintay lang sa akin ay si Ariel at EJ. Thank you sa inyong Dalawa!

Idea ko pa mandin bago kami maglayag na Iwanan si EJ sa Johndel Resort  kung hindi kami kasyang lahat sa bangka – habang kami ay nag-eenjoy sa pag-explore ng Fortune Island. Nakaka-guilty tuloy.

DSCN1750

Mabilis kaming sumunod papunta sa Greece. Ang theme kasi ng Isla ay may pagka-Greek Mythology. Parang mararamdaman mong nasa Parthenon of Ancient Greek Period ang lugar. Mas pinaganda pa ito dahil sa Amazing  View of the South China Sea.

Bagay na Bagay talaga ang scenery para sa mga Photo Enthusiast. Sobrang nakaka-nostalgic talaga ng View. Sobrang Ganda!

Here’s some of our Photos:

10888529_10204757345046073_6343898661907422348_n

Around 3:30pm ng lumisan kami sa Isla. Dumating kami sa Johndel Resort ng 4:30pm para magprepare ng gamit namin sa pag uwi.

Madamdaming lumubog ang araw para sa amin noong gabing iyon. Tila ba nangungusap ng mas kapanapanabik na BUKAS.

Ang alam ko lang ay patuloy kaming gagawa ng masasayang ala-ala na babaunin sa maraming pang Decada na pagsasaluhan namin bilang Magkaibigan at Magkapamilya sa Puso, sa Isip at sa Saya.

DSCN1794

Masayang natapos ang aming Trip! Samahan mo pa ng mga Best Travel Buddies!

Sana mas marami pa tayong ma-explore at mapuntahan na magagandang Lugar. For me, Every place is special and beautiful when I’m with you Guys and Gals. Thanks. ulit.

 

How to get There:

From Calamba Laguna:

Ride a Van going to Tagaytay Olivarez Plaza. – 60php

Ride a Bus going to Nasugbu then pull over to Land Bank and Metro Bank or Jollibee. – 80php

From here, you can walk straight or ride a tricycle to a nearby Beach Resort to find a dealer for your Boat going to the Island. – 10php

Fortune Island Boat Rent Contact Person: 09087225628 *Look for Kuya Cris

JohnDel Resort Contact Person: +63922 859 405 *Look for Ate Josie

 

Travel Budget(as of 2015):

Boat Rent (Group of 15 Person)- 4000php (Day Tour) / 7000php (Overnight Tour)  *depends on negotiation

Entrance Fee of Fortune Island: 300php

 

Blog of My Friend :

https://adventuresnilara.wordpress.com/2015/01/05/5-star-year-end-adventure-2014-part-2/

Advertisements

One thought on “The New Wave of Fortune Island

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s