Sierra Madre – Mt. Romelo (Buruwisan/Lanzones/Sapang Labo/Batya-Batya/Sampaloc Waterfalls)

Overnight Itinerary at Sierra Madre – Mt. Romelo Adventures.

Day 1

0600 SM Calamba

6:30 ETD for Siniloan

1030 ETA jump-off point. Register (P50/person) and get optional guides (P100/day)

1045 Start trek

1300 ETA Campsite. Set up camp. Visit Buruwisan Falls. Lunch.

1430 Commence exploration: Sapang Labo, Lanzones Falls

1730 Back at campsite

1800 Dinner, socials

 

Day 2

0700 Breakfast

08:30 Commence Exploration; Batya-Batya and Sampaloc Falls

13:30 arrive at Jump off

14:00  Lunch at Rios Restaurant

17:00 Crossing Calamba

Mt. romelo

 

Planning an Overnight Hike was not easy. Maraming dapat isaalang-alang  sa mga sasama – Ugali, Lakas ng Loob, Diskarte, Gamit at marami  pang iba.

Kinakabahan talaga ako habang binabalak namin ang Mt. Romelo Adventure na ito dahil unang-una ay first time namin magkakasamang magkakatrabaho sa isang Hiking. Iba din kasi ang ugali ng tao pag nasa labas ng comfort zone.

 

January 24, 2015

6:00am ng magkita-kita sila Francis, DK, Ryan, Marj at Ting sa SM Calamba. Then, Sumakay sila ng Jeep papuntang Sta. Cruz Laguna. Around 7pm ng tagpuin nila kami ni Jeff sa Crossing Los Banos para sabay-sabay pumuntang Sta. Cruz.

Masayang nagkwekwentuhan ang Tropa Habang dumadampi ang napakalamig na hangin noong umagang iyon.

8:30am ng dumating kami sa Bayan ng Sta. Cruz. Hindi ako familiar masyado sa Part na ito ng Laguna kahit ilang beses na akong nakababa dito. Ito ay marahil sa maraming kantong daanan kaya medyo nakakalito. Buti na lang at May Professional Guide kami na kasama a.k.a. Jeff.

Siya ang nag lead sa amin kung saan kami sasakay na Jeep papuntang Siniloan. Kung hindi ako nagkakamali ay malapit sa Mcdonalds ang sakayan.

Naglakbay kami habang kumakain ng libreng french fries ni Marjorie.

Malayo din pala ang byahe namin papuntang Bayan ng Siniloan, almost 1 hour din kaming nasa biyahe. Marami rin kaming napagkwentuhan sa Jeep at isa sa mga memorable ay ang Hulaan ng mga Pangalan ng mga Bayani, Pintor at iskultor.

Francis: Sino nga yung Pinaka sikat na Iskultor? (habang dumadaan sa Paete Laguna)

Jonat: Wala atang ganon.

Francis: Hindi Meron yan.

Marj: Apolinario Mabini?

DK: Michael Angelo?

Francis: Donatello?

Salting: haha ninja Turtles na ata yan eh.

Ryan: Apolinario Mabini!

salting: Da Vinci? Juan Luna? Amorsolo?

hahaha. halos 30 minutes ata kaming nagtalo talo para lang hulaan kung sino ang pinaka-sikat na Iskultor! At dahil hindi na makapagpigil si DK, nagsearch na siya sa internet para malaman ang sagot.

Hindi ko na sasabihin ang Kasagutan para hulaan nyo rin sa inyong isipan. peace. Masaya to!

Dumating kami sa Bayan ng  Siniloan  ng 10:00 am.

20150124_090236

Bumili kami ng food  sa Jollibee para sa aming tanghalian at nag daan  sa palengke  para bumili ng lulutuin namin sa hapunan.

Jpeg

Ang napagdesisyunan namin na kakainin ay ang mga sumusunod:

Itlog na pula na may kasamang Kamatis, Hotdog, Corn Beef, Tuyo, Noodles, Bread at Bigas.

Syempre dapat Budget Travel ang kalalabasan ng Overnight Hike na ito. Ngunit habang binabanggit namin ang mga plano para sa aming Diner ay tila ba nag lalaway na agad kami – Excited na talaga ang lahat mag Camping!

Pagkatapos bumili ng mga sangkap, Dumiretso na kami sa Jump Off Point ng Mt. Romelo – Brgy. Macatad Siniloan Laguna.

Sumakay kami ng Tricycle at nagbayad kami ng 20php para sa pamasahe. Hindi naman masyado Malayo ang Jump Off halos 20 minuto lang na biyahe mula sa Bayan.

 

Jump Off Point Going to Buruwisan FAlls

At sa wakas, Natanaw na rin namin ang Jump Off Point papuntang Mt. Romelo at Buruwisan Falls.

20150124_103341
Sinalubong agad kami ng mga Residente ng Brgy. Macatad para mag alok ng Tour Guide.

Required talaga kumuwa ng Guide sa pagbisita sa Mt. Romelo dahil sa maraming sangang Daan  na maaring ma-encounter during the Hike. At Syempre, Only the Locals Knew the Place! Hindi pa kayo mahihirapan na galain ang 7 wonder waterfalls ng Sierra Madre.

Ang Binigay na Guide  sa amin ay ang magkapatid na sina Kuya JunJun at Kuya Jayson.

Ang Price ng Guide ay 600php para sa Overnight Hike at 300php para sa Day Hike.

Nagulat talaga kami sa taas ng presyo. Ang mga nabasa ko kasi sa mgA Blog ay 200php lang ang bayad nila sa tour. Pero dahil andun na rin kami ay tinanggap na rin namin ang halaga.

Nagtuloy tuloy na kami sa aming paglalakbay at nadaanan namin ang napaka tikas na Dragon Fruit Tree. First time ko makakita ng ganitong halaman.

Jpeg

10 minuto rin ang nakalipas ng marating namin ang registration area ng Mt. Romelo at Buruwisan Falls.

Nagbayad kaming 50 php para sa entrance fee at nag tala ng aming mga pangalan para mamonitor ang pagpasok at paglabas namin sa Bundok. Nag iwan din kami ng Personal Number at kumuwa ng emergency Hotline in case magkaroon ng aberya sa aming pag akyat.

20150124_104924

Hindi pa nakakalayo sa Jump Point ay pinahanga na agad kami ng napakagandang ilog ng Romelo!

Sa Start pa lang ng Hike ay Sobrang Energetic pa ang Lahat. May ilang nagsasabi na masarap mag hiking dahil nakaka escape sa 24/7 na trabaho.

Mahirap din talagang umakyat ng Bundok sa Umpisa para bang hindi mo mahagilap ang Momentum ng Pacing mo sa paglalakad. Ewan ko ba kung bakit lageng ganon na lang ang pakiramdam ko sa Start ng Hiking.

DSCN2019

Halos 30 minutes din ang nakalipas  ng mapadaan kami sa  first Station ng Romelo.

DSCN1944

Nagpahinga kami at Lumagok ng masarap na Mountain Dew para Maibsan ang Uhaw sa aming  lalamunan.

Pagkatapos ng ilang kwentuhan at biruan, nagpatuloy kami sa pag akyat papuntang Summit.

DSCN1928

Buti na lang talaga at hindi umulan ng araw na iyon dahil kita sa daan ang napaka putik at dulas na trails ng Mt. Romelo. Makikita mo rin ang mga Something Something ng mga Kabayo kaya I advice na konting ingat sa paghakbang kung ayaw mong makatapak ng Bomba.

DSCN2038

Hindi rin mahirap ang Trails going to the Summit kaya for sure maraming hindi mahihirapan sa pag bisita ng Bundok na ito.

Narating din agad namin ang pangalawang Station ng Romelo trails. Dito kami nagpahinga at Uminom ng Buko. Sobrang Sarap at Refreshing ng pakiramdam habang dumadampi ang napakalamig na gata ng Niyog. Astig! Feel na Feel namin ang Buhay Bundok.

Nagpatuloy kami sa aming paglalakbay papuntang Summit. Dito na namin naramdaman ang Pagod. Iba talaga ang kondisyon ng katawan pag 24/7 kang nakaupo sa Lab at Office.

DSCN1993

Nagkaroon din kami ng inspirational thing na ginawa sa Hike! Guess What! My Ultimate Love of My Life was naturally embedded at my Chest. Astig. Idea talaga ito ni DK at Jeff. Pero Sobrang Saya. Siya talaga naaalala ko nong Hike na ito. Kung pede ko lang talaga siya mayaya sa Ganitong Lakad. tsk tsk.

After this inspirational Thing, We suddenly reach the Summit! Ang bilis noh. Halos 1 and half hour lang ang pag ascend namin papuntang Tuktok. Kahit ako na-amaze sa mga pangyayari. hehe. Kalimitan kasi pag umaakyat ako ay inabot ng 2 to 3 hours. Kaya feeling ko isang achievement to.

Summit of Mt. Romelo

20150124_120213

Sa tuktok ng Mt. Romelo ay sinalubong kami ng malakas na hangin. Yung tipong madadala ka sa kabilang bundok.

Pero Naging malungkot ako nong nakita ko ang Summit ng Mt. Romelo – Sobrang daming naiwang mga Bote, Lata at Plastic na ginamit ng mga Overnight Hike Campers. Ito na ata ang pinaka maduming Tuktok ng Bundok na Napuntahan ko.

Kahit na disappointed, Binawi naman agad ng napaka aliwalas na View ng Laguna De Bay at Matitikas na Bulubundukin ng Sierra Madre.

Dito na rin nag start ang Kalbaryo ni Ting, Medyo nagpaparamdam na kasi  ang kanyang 200php na biniling Sandals sa New Top Store sa Calamba.

Lesson Learned: Don’t Invest in Cheap Price Hiking Sandals or Shoes, It may also give you Low Quality Products.

Best Sandals: Sandugo, Crocs

DSCN1972

Bumaba agad kami dahil sa napaka lakas na hangin sa tuktok. Di pa ata kami prepared para magpadala kung saan man.

DSCN2031

Ilang lakad pa at natanaw din namin sa malayo ang Old Buruwisan Falls pero sabi ni kuya Jun-Jun ay hindi namin pwede puntahan ang lugar dahil sobrang hirap daw ng daanan patungo doon kaya inenjoy na lang namin ito sa malayo.

Eto na talaga ang start sa pag bisita namin sa mga Falls. hehe Buruwisan Falls Here We Come!

Masaya namin sinalubong ang Camp Site ng Buruwisan Falls.

Around 1:00pm ng kami ay makarating sa Camping Site. May mga available na tindahan ka na rin matatagpuan kaya okay lang kung hindi ka magdala ng maraming Tubig or Pagkain.

Commercialize na rin ang Lugar dahil may Kuryente na ring dumadaloy sa lugar.

Pagkatapos maglibot libot ng konti ay kumain muna kami para punan ang kumakalam naming mga Sikmura. Gutom na talaga  kaya Boodle Fight ang nangyari. Ang Saya! Parang na-recharge kami ng 100% battery power up!

20150124_132154

Nag Usap-usap lang kami ng  tungkol sa trabaho habang kumakain. haha Paulit ulit na problema na naman ang naririnig ko. tsk tsk. Dapat gawan ito ng Countermeasure sa susunod naHiking – No Work Related Policy!

1:30pm ng mag start kami pumunta sa Buruwisan Falls.

Medyo matarik ang dinaanan namin papunta sa lugar – 87 Degrees slant kaya impossibleng hindi ka kabahan sa pag baba. Kapit tuko kami sa mga Ugat ng Puno – Alam namin na konting pagkakamali lang ay kapalit na nito ang aming buhay.

Ang sabi pa naman ni Francis ay isang tao lang ang makaka balik sa Jump Off Point – Mala Hunger Games daw dapat ang kalabasan ng Hike. Kaya sa puntong ito ay napa isip ako na dito na talaga may mawawalang isa. haha joke lang. Tiwala naman ako na malalagpasan namin ang pagbaba kahit madulas at steep ang daan. Thanks to God at hindi Niya kami pinabayaan sa mga  Delikadong Trails na katulad nito.

Buruwisan Falls

DSCN2073

The Mighty Buruwisan Falls welcome us with its astonishing Beauty!

Kanya-kanya pose lang para may pang profile picture pag-uwi.

DSCN2088

Marami rin kaming naabutan na nag-gagandahang Diwata sa Mismong Falls. Lahat ng iyon ay Pumawi ng Pagod namin sa tanghali. Dito na nagstart si Boy Baru sa kanyang pagmamatyag – A.K.A. Francis.

DSCN2074

Francis: Baru Desu kara!

haha di ko alam ibig sabihin, siguro puro kabutihan ang meaning non.

Salting: Kwento mo! (pang rebut lang)

DSCN2103

Nag punta kami sa kabilang side ng ilog. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupulutin ng time na yan dahil hindi ako marunong mag langoy. Konti pagkakamali lang at maari na akong mag Goodbye Philippines.

But It never stopped me! I trusted God that He would protect me as long as I was taking care of my every little Step.

Then Here it Goes Sagoes! I finally conquered my Fear and gently sitting under Buruwisan Falls. Wooh!

DSCN2110

Binayayaan naman ang ilan sa amin ng Skills para Mag langoy. Nakaka inggit nong pinapanood ko silang mag dive sa Ilog.

Be Careful nga pala sa pag dive sa Buruwisan Falls dahil may ilang part kasi sa ilog na Bato-Bato kaya iwasan ang Biglang pagtalon. Alamin muna ang lalim at sitwasyon ng babagsakan nyo hanggat maari. Marami na raw kasing namatay dahil sa mga Payabangan sa Pag dive at Pagtalon sa Ilog.

2:30pm ng umalis kami sa Buruwisan Falls para pumuta sa Next Waterfalls.

Lanzones Falls

Halos 30 Minutes din na lakarin ang ginawa namin bago masilayan ang Small But Beautiful Lanzones Falls.

DSCN2122

Naka-kita rin kami ng mga Wild Animals malapit sa Lanzones Falls. Ang nasa ibabang litrato ang Pag Baru ni Salting sa isang Unggoy sa Sierra Madre. Harmless naman po ito. haha peace.

DSCN2146

20 minutes lang kami nagstay sa Lanzones Falls para mapuntahan pa ang ibang mga Waterfalls sa Siera Madre.

4:30pm ng marating namin ang Sapang Labo.

Marjorie: Malabo po ba ang tubig doon?

Kuya JunJun: Malinaw Syempre! Di kayo mag sisisi na puntahan yun!

Lahat kami napatawa kay Marj. Sinabi din ni kuya Jun Jun na maganda doon at hindi masyadong malalim ang talon kaya pede kaming mag langoy sa ilalim ng Falls.

Ang Describe nya dito ay parang may Mini Twin Falls na may Malaking Batya sa ilalim at taas ng Falls.

Sapang Labo Falls

DSCN2185

Dito lang talaga kami nakapag langoy lahat ng ayos dahil sa babaw ng tubig.

Sobrang sarap lang damhin ang mga bumabagsak na Tubig mula sa taas. Tila ba minamasahe ang likod mo habang tinatapat mo ang buong katawan mo sa ilalim ng Talon.

At ito ang napatunayan ko, “Sobrang Linaw ng Tubig  sa Sapang Labo Falls!”

Nag karoon din ng maraming Unforgettable Photoshoots:

Yoga Mode:

DSCN2170

The Hunks of Toshiba!

DK Legendary Fusion:

DSCN2171

5:00 pm ng nagsimula kami bumalik sa camp. Wala kasi kaming dalang flashlight kaya mahirap kapag gabihin kami sa daan.

Busog na Busog na kami sa Nature’s Experiences namin ngayong araw. Sobrang saya lang maligo kasabay ang rumaragasang tubig ng Talon.

Overnight Hike Experience

Pag dating namin sa Camp Site ay nagtayo agad kami ng Tent para preparasyon sa gabi.

DSCN2218

Isinabit din ni Marjorie ang Duyan nila ni Ryan sa ilalim ng puno. Ayos, ang galing ng kanilang duyan kasi may zipper na maaring i-convert to a Cocoon Like Duyan.

DSCN2209

Inihanda na rin namin ang Pagkain namin sa Gabi. Kanya-kanyang Toka lang sa mga gawain. Si DK ay nag lead sa amin sa pag luluto. Naging sunod sunuran kami sa kanyang mga Plano.

Si Salting ang Lumamas sa Itlog na Pula at Kamatis. Ako ang naghanda ng Sinaing. Si Francis, Ryan, Kuya Jun Jun at Jayson ang nagpasiklab ng Bonfire para magka ilaw kami sa gabi at para may gamitin na rin kami sa pagluluto.

Nagtayo din kami ng Y-Y analysis na Lutuan sa ibabaw ng Bonfire. Ang sabi ko nga, baka may Delta Analysis din na Lutuan para kumpleto regados na – Engineering 101.

Sobrang Thankful din namin kala Kuya Jun Jun and Jayson dahil tinulungan nila kami maghanap ng kahoy at magpadingas ng apoy. If you can’t do some things for the first time, God will send you someone to help you get through it.

Lahat ay tulong tulong na nagprepare.

8:30pm ng kami ay mag start kumain ng Diner. Tinawag namin sila Kuya Jun Jun para samahan kami sa munting handa ng tropang Campers.

I was happy that we really had a great time that night. The foods were superb. Kahit na lasang kamay ni Salting ang Itlog na Pula. Overall, It was Amazing!

Pagkatapos namin kumain ay inayos namin ang aming kalat. Pinasok din ni Francis ang Tent nya sa loob ng Kubo. Malamig daw pag sa labas sila natulog. Nyak, Hala hindi na ito Camping!

Si Ryan at Marjorie ay sa tent ko sana matutulog ngunit hindi rin nila kinaya ang lamig at nakipagpalit na rin sa akin sa may Kubo.

I was hoping na majority sa amin ay mag camping talaga that time. Pero siguro nga ay Hindi pa Prepared ang ilan sa amin para sa ganitong sitwasyon.

Nahiga ako sa aking munting Tent –  Gusto ko talagang maranasan ang Mag Camping! Kaya tinatagan ko na lang ang loob ko kahit medyo malamig. Ang motivation ko ay isa itong preparation para sa Mt. Pulag Overnight Hike Camp. Mas malamig kasi doon ng di hamak sa gantong klima. Kaya Dapat talaga Kayanin ko toh! Dream Big!

Magkakasamang natulog sila DK, Salting, Francis at Jeff sa isang maliit na Kubo. What Happened in Mt. Romelo Stays There. haha. Mukha silang maniac na natulog habang tinitingnan ang Picture ni Camille. hahaha peace.

10:00pm ng patayin namin ang ilaw para magpahinga.

DSCN2280

7:00 am ng lahat kami ay nagising at simulang kumain ng umagahan. Ang menu namin ay Noodles at Bread. Kaya talagang nawala ang lamig namin sa buong katawan habang hinihigop ang mainit na sabaw.

Nag hugas naman sila ryan at marj sa Fountain of Youth ng Ilog Romelo. Preparation ito sa nalalapit na K_S_L. hehe

DSCN2265

8:30am ng lumisan kami sa Camp Site para puntahan ang Batya Batya Falls at Sampaloc Falls.

DSCN2298

Dito nagstart ang napaka delikadong Hike namin. Kung saan saan kami dinaan nila kuya Jun Jun. Worth it naman. Ramdam namin talaga ang Buwis Buhay na pag Bisita sa Falls.

Ang una namin pinuntahan ay ang Batya Batya Falls. Pinapili kami ni kuya Jun kung pupunta pa kami or tatanawin na lang namin sa malayo ang falls.

Ang napagdesisyunan ay tanawin na lang sa malayo ang falls. Kelangan kasi mag langoy papunta sa Batya Batya Falls at majority sa amin ay hindi marunong lumangoy or wala ng ganang lumublob sa tubig dahil sa napakalamig na panahon at tubig ng ilog.

Batya-Batya Falls

Napaka delikado talagang puntahan ung View Point ng Batya Batya Falls dahil sa bangin ka mamamaybay  para lang masilayan ang napaka Elegant na Batya Batya Falls. Halos kaparehas lang din ang itsura nito sa Sapang Labo ngunit mas malalim ang tubig kaya piling mga tao lang ang kayang maka bisita dito.

Pagkatapos tingnan ang pag agos ng tubig sa Batya Batya Falls, Kami ay nagpatuloy na sa pagpunta sa kasunod na Talon na bibisitahin namin.

Habang papunta kami sa Sampaloc Falls ay nakakuwa si DK ng isang Hinog na Bunga ng Cacao. Noong una ay kinakabahan ako tikman baka kasi samain ang tiyan ko, pero nong nakita ko na sarap na sarap sila sa pagkain ay tumikim na rin ako ng Konti – At napaka sarap talaga ng lasa nito na may pinaghalong tamis at asim.

Sampaloc Falls

DSCN2578
Ito ang huling falls na pinuntahan namin kaya sinulit talaga namin ang bawat moments dito.

Kanya Kanya talagang Pose lang ang lahat.

Ting Vs Nate:

Revolution!

This slideshow requires JavaScript.

Kakashi-Sensei

Pagkatapos ng walang kupas na picturan ay nagyaya si Marjorie na kumain ng natirang Pagkain namin Kagabi – Tuyo at Kanin. Muli na naman kaming nakabawi ng Lakas.

 

Dito na rin nagkaroon ng malaking problema si Marjorie, Napigtas kasi lahat ng tali ng kanyang Sandals. Kaya si Ryan ay hindi mapakali kung paano i-repair ito.

Buti na lang at Certified Boy Scout si Kuya Jun Jun at Kuya Jayson, Nagawan nila ng paraan para muling madikit ang tali ng sandals gamit ang alambre.

DSCN2597

Salute you Guys!

Habang kami ay nag Pipicturan ay unti-unti kaming inatake ng mga Limatic. Dito lang sa Sampaloc Falls kami dinikitan nito. Wah, sobrang nakakabahala. Lahat kami first time makakita ng ganong klase ng hayop.

Si DK ay naka Trimatic, Si Francis, Ting, Marj at Ryan ay naka two-matic. Overall, ay naka Eleven-matic kami sa lugar na iyon.

Akma pang inalagaan ni Francis ang kanyang Two-matic para daw lumaki pa ito. Gusto nya kasi makita kung gaano kalaki ito pag nakasisip na ng dugo.

“For everyone information, Limatiks are leeches, small worm-like creatures residing at most rain forest areas.These parasitic creatures suck blood on their preys to live.” (quoted from iampinaybyahera)

Duguan kaming lumisan sa Sampaloc Falls. Pero sad ako noong time na iyon, sa aming 7 ako na lang ang hindi dinidikitan ng Limatic.

Pati ba naman leeches ayaw sa akin? Bakit ganon ang buhay? hahaha

DSCN2671

Nagpatuloy na kami sa pagbalik sa Jump Off Point. Habang pauwi ay napadaan kami sa napaka Gandang Lugar na ito. Diba ang Astig lang ng Kuha namin dito. Two Thumbs up!

Nagkaroon din kami ng Engkwentro sa isang Sundalo na naninirahan sa Mt. Romelo. Astig. He’s ready to fight for Love!

DSCN2680

1:30pm ng makarating ulit kami sa Registration Office ng Mt. Romelo at Buruwisan Falls.

Bibili sana kami ng Souvenir ngunit isang damit na lang ang available kaya hindi lahat nakakuha.

We took our final photo together with Kuya Jun Jun and Kuya Jayson here. They were both Great Tour Guides. Hindi nila kami pinabayaan in the whole Trip.

20150125_132230

We went back to Jump Point Off point at Brgy. Macatad to send our Goodbyes to this very nature loving place of Sierra Madre – Mt. Romelo (Buruwisan /Lanzones/Sapang Labo/Batya-Batya/Sampaloc Waterfalls.

mt romelo pic2

 

Hikers for this Trip!

Thank you Guys for a Wonderful Camping Experience!

Nate

 

Here’s the Breakdown of our expenses:

Hike Budget:

Guide: 600 (overnight hike)

Cottage: 300

Food: 200 per person (Contribution)

 

Personal Things:

x2 liter

x1 burner (1099+79 php)

 

Transportation:

Crossing Calamba to Sta. Cruz Bayan Laguna – 45 php

Sta. Cruz Bayan to Siniloan L– 40 php

Siniloan Bayan to Brgy Macatad – 20 php

 

What to Expect in Camp Site:

7-ELEVEN CAmping Store, Comfort Room, Cottages and Electricity

 

Here’s our Tour Guide Contact Number:

Kuya Jayson at Kuya Jun Jun: 09484805792

Tips:

Pede kayo mag-request kay Kuya Jun Jun ng pede nyong kainin like Fresh Isda or Karne para sa Overnight Hike Preparation nyo. Pede sila magprovide ng ganon para mas mapadali ang Camping Life. Basta Be sure to Commit Yourself na Pupunta kayo para di rin sila ma-abala.

Tara at Puntahan nyo rin ang Lugar na ito!

Advertisements

One thought on “Sierra Madre – Mt. Romelo (Buruwisan/Lanzones/Sapang Labo/Batya-Batya/Sampaloc Waterfalls)

  1. […] If you have time, please check my Adventure to these 8 Amazing Waterfalls – Sierra Madre – MT. ROMELO […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s