Mt. Maculot Traverse Day Hike

MT. Maculot – Traverse Hike

Cuenca, Batangas
Major Jumpoff: Mountaineer’s Store, Brgy. 7 “Siete”, Cuenca
Exit point (traverse): Brgy 5 (to Grotto), Cuenca
LLA: 13°55 N; 121°2 E; 706 MASL (Rockies) / 930 MASL (summit)
Days required / Hours to Rockies / summit : 1 day / 1-2 hr / 2-4 hr

Specs: Minor, Difficulty 3/9 (Rockies); 4/9 (Traverse) Trail class 1-3.

Features: Scenic views of Taal Lake, rock formations, forests

 (quoted from pinoymountaineer.com)

Itinerary:

5:00 am –  SM Calamba Laguna

7:30 am – Arrived at Robinson Lipa City

8:00 am to 9:30 am – Jump Off Point Bayan ngCuenca

12:00 am – Camp Site

12:30 pm to 1:30pm – Rockies / Take Pictures

2:30 pm – Summit of Mt. Maculot

5:30 pm – Arrived at Jump Off Point

7:00 pm – Arrived at SM Lipa City (Anything Goes from Here)

January 31, 2015

Nagplanong umakyat ang aming Master Hiker na si Keneth Sumague para bumisita sa napaka gandang Bundok Maculot. Day Hike lang kami dahil malapit lang naman ang Maculot sa Lugar – 2.5 hours na byahe lang ito galing Calamba laguna.

6:00 am ang Meeting Place sa Lipa.

Nagkita-kita kami nila Josh, Francis, DK at BB sa SM Calamba. Sobrang astig nga at 5:00 am ay nasa SM na ako. It’s a Mircale. Ang unang nakita ko ay si DK at si Francis. Maya maya ng konti ay dumating na rin si Josh.

At dahil sobrang late na ay hinanap na namin si BB, ang akala namin ay nasa Calamba Jeep Terminal si BB ngunit nagkaroon pala kami ng misunderstanding dahil nasa SM Calamba Jeep Terminal siya  naghihintay. But anyway, 6:15am ng kami ay umalis sa SM para pumuntang Lipa.

Matagal din pala ang byahe papuntang Lipa lalo’t alanganin na ang oras kaya sa hindi sinasadyang pagkakataon ay 7:30am na kami nakababa ng Robinson Lipa.

Para kay Roan, Michael at Keneth,

3 reasons why we were late:

1. Natrapik kami

2. Colorum ang jeep namin at hinuli ito ng Pulis

3. CR na CR na ako! You know what I mean.

Nakita namin si Roan at Keneth sa may Harapan ng Robinson. Doon kasi makikita ang Pila ng Jeep papuntang Cuenca Batangas. Ang dapat sakyan  na Jeep ay pa Lemery dahil dadaan kasi ito sa Jump Off Point ng Mt. Maculot sa may Bayan ng Cuenca.

35 Minutes din ang byahe papuntang Bayan ng Cuenca. Nagtagal din kami sa pagpupuno ng Jeep sa may Robinson kaya almost 9:00am na ng kami ay dumating sa Bayan.

Jpeg

 

Naglakad kami paloob para puntahan ang registration office ng Maculot.

Napakaganda ng Araw na ito. Maaliwalas at Kinamusta kami ni Haring araw para sa kapanapanabik na paglalakbay.

Nakarating kami sa Jump Off Point ng 9:30am. Ang Tour Guide na nakuwa namin ay si Kuya Jeff.

Para sa lahat na gustong Bumisita sa Mt Maculot, ihanda nyo ang inyong bulsa dahil required na ang  Tour Guide sa pag akyat sa bundok. Ito ay dahil sa maraming naacidente na napapabalita tungkol sa mga Hikers na pumupunta dito.

Traverse Hike ang Pinili naming package kaya 800php for group of 5 people  and additional 100 for exceeding person ang halaga ng dapat namin bayaran.

Medyo nagulat kami sa halaga na sinabi nila dahil 11 kami sa group kaya 1700 ang halagang sinisingil sa amin. Wah Sobrang Sakit non.

Ito na ata ang pinaka mahal na Tour sa lahat ng Bundok na napuntahan ko.

Pero dahil mabait si Sir Jeff ay binigyan nya kami ng discount – 1200php na lang para sa buong group namin. Yehey!

Tinagpo namin sila Michael kasama ang kanyang mga kaworkmate sa Souvenir Shops.

Pagkatapos ng ilang batian at pakilala sa aming mga kasama ay nagpatuloy na kami sa pagtahak papuntang Summit ng Mt. Maculot.

Madali lang ang trekking ng Mt. Maculot ngunit puro steep trails lang talaga ang daaanan kaya super nakakapagod. Isa sa mga gusto ko ay ang malalapit na Resting Stations. Halos Every 15 minutes ay nakakatagpo kami ng pahingaan at ang ilan pa dito ay may tindang buko.

DSCN2712

Sobrang maaliwalas ang pag ascend namin going to the summit dahil maraming puno ang promoprotekta sa amin sa mga sikat ng araw. Kita naman sa aming mga Ngiti.

DSCN2718

Isang problema ang kinaharap namin sa kalagitnaan ng aming Hike. Bigla na lang nahilo at namutla si Mam Lani. Medyo kinabahan kami dahil wala pa kami sa kalahati. Kung hindi talaga kaya ay wala kaming magagawa kundi itigil ang Hike na ito.

Isa sa mga nakalimutan ko talagang dalhin ay Medicine para sa First Aid – kung Kelan pa kailangan ngaun pa wala. Buti na lang at Boyscout si DK at nakapag offer siya ng Biogesic para mawala ang Hilo ni Mam Lani.

First time pala umakyat nila ng bundok kaya siguro nabigla ang kanilang mga katawan. Napahanga din ako sa kanya dahil, She is willing to continue the hike despite the odds.

Pinauna na kami ni Michael at nangakong susunod sila. May tiwala ako kay Michael kaya I don’t have the second thought na mag alala. Sa dami na naming pinagdaanan na Bundok – The Trust and Respect is always there.

DSCN2720

DSCN2736

Ito ang final station bago namin marating ang Camping Site.

Bago pala kami makapunta diyan ay nakasalubong kami ng mga nag gagandahan at naggwapuhang mga Hikers. Nakakastarstruck talaga, Lahat kami ay akma silang aalalayan sa kanilang pagbaba.hahaha Joke lang. Ligaw Tingin lang ang nangyari.

Ang kinagulat ko ay ang mga Actions ni BB – dahil  bigla nyang Niyakap yung lalaking Mestiso. Grabe lang. Bibi a.k.a. the Limatic Girl – a person who easily attached to Mestiso Guy. Peace.

Nagpahinga kami at uminom ng Buko habang bumubungad sa amin ang napaka gandang View ng Taal Lake.

DSCN2775

Ilang tumbling pa ay narating na namin ang Camping Site. Malawak ang lugar. Siguro kasya ang mga 20 camping tents dito.

Meron na ring Tindahan na available kaya okay lang kahit konting tubig at pagkain lang ang dalhin mo sa pag akyat. Ngunit ang sabi ng mga nagtitinda ay open lang ito tuwing Weekend kung kelan maraming hikers ang bumibisita sa Bundok. Kaya it’s be wiser pa rin na magdala ka ng sarili mong tubig throughout the adventures. Masarap inumin ang tubig lalo’t ikaw mismo ang nagdadala nito – The Great Bonds is there! and always be!

Nagtitinda rin sila ng mga Lutong Pancit and Many More. Kaya Binansagan itong  7-ELEVEN.

Nagpahinga muna kami dito para hintayin sila Michael – Malapit na raw sila. Yehey! kinaya ni Mam Lani at mukhang nakarecover na rin siya sa Hilo mula kanina.

DSCN2742

Nakilala rin namin ang pinaka batang Hiker na si Kyle. Nakaka inspired makita ang isang buong pamilya na may recreational activity na ganito.

Keneth: Gusto ko na rin magkapamilya at isama ang aking anak sa pag akyat n bundok. Sana Adventurous din ang makikilala ko na soulmate.

DSCN2763

Nagprepare din kami ng maliit na kubo dahil sobrang init na ng sikat ng araw. Wala kasing gaanong puno sa may camping site kaya talagang nakakasunog ng balat – naglagay kami ng munting pang harang na plastic. Nagbigay ito ng kaukulang na lilong para sa aming lahat. Malupet lang talaga si Keneth at Roan sa pag-gagawa nito.

DSCN2761

Ilang minuto pa ay dumating na sila Kuya Bayan at sabay sabay na kaming kumain ng tanghalian.

Maraming putaheng dala ang mga kasama ko – itlog na pula, Century Tuna, Fish, Hotdog at Jollibee Foods.

Sabay sabay naming pinagsaluhan ang mga pagkain.

Ang next destination namin ay ang Rockies ng Mt. Maculot. Ito talaga  ang pinag mamalaking lugar ng Bundok na ito dahil meron itong napakagandang view ng Taal Lake. I assure you that this place can take your breath away!

DSCN2771

Pagkatapos namin magpahinga ay nagtungo na kami sa Rockies! Here we come!

Medyo delikado ang papunta doon kaya nagwarning din si Kuya B at ang aming Guide na konting ingat lang sa pag akyat.

DSCN2785

Sobrang daming tao ang naabutan namin sa Rockies kaya kelangan namin maghintay para sa aming turn – makipot kasi ang daan.

Tanaw pa lang sa malayo ay nakakakaba na. Isa ito sa mga delicadong bundok na naakyat ko. Ang sabi ko na lang sa sarili ay kelangan malagpasan ko ito – I want to be Brave just for this day

Umakyat kami ng buong Tapang para puntahan ang isa sa 7 wonders of the Mountains here in the Philippines!

Medyo mahirap talaga ang pag akyat –  Nakakatakot at the same time ay para bang konting pagkakamali mo lang ay pede kang malaglag at maumpog sa naglalakihang mga bato.

Reminder: Guys, Please Take your time! Wag kayo magmamadali sa pag akyat. Safety First!

DSCN2801

DSCN2804

Ito ang bumungad sa amin sa Taas! Wow , Ang ganda ng View!

DSCN2783

Kanya-kanya kaming hanap ng Puwesto. Tatagan lang ng Loob Guys. Ang sabi ko nga, Delikado talaga ang Rockies kung hindi ka mag iingat ng double time.

Iwasan nyo rin ang mang-gulat dahil bangin talaga ang bawat sulok nito – isang out of balance lang ang mangyari ay magpapaalam ka na talaga sa Planet Earth.

Here’s some of our Photos!

The Brave and Courageous!

Mga Diwata ng Kabundukan!

DSCN2859

DSCN2854

Unsung Heroes!

DSCN2866

10924818_10203444481821675_6946777979264226392_n

Relax lang ng Walang Pagsisisi!

DSCN2874

Buwis Buhay – Please don’t Try this at Home!

DSCN2887

DSCN2880

DSCN2845

Kinakabahan talaga ako kay Francis sa mga Pose nya dahil isang pagkakamali lang ay mamamaalam na kami sa kanya.

Can anyone stop this Guy? Wahh, Ang hirap panoorin ng  mga huling sandali niya. haha joke lang

Maraming Salamat po God at hindi nyo kami pinabayaan kahit medyo pasaway talaga.

Isinunod namin ang kabilang dulo ng Rockies. Hindi talaga kami tinitigilan para ma-amaze sa ganda ng view. Thank you po Lord for creating this wonderful scenery.

DSCN2913

I was so fired up to climb more Mountains and to travel Overseas after seeing this.

There’s more to Life than just sitting around in the four corners of the Office/House! Why not take a time to visit this kind of place and look for more adventures? If you want, I’m willing to take you here once again. Of course, I’m planning to return and climb again the Rockies of Mt. Maculot! No Doubt! It is one of my favorite.

DSCN2897

DSCN2894

Hindi rin kami nagtagal sa Rockies dahil kulang na kami sa Time. Traverse kasi ang gagawin namin at wala pa kami sa kalahati ng aming adventure.

Dito na nag start mag kakilala ang dalawang Soulmate:

DSCN2852

Kunyari pa sila pero ang totoo concern sila sa isat isa. haha. Kuya Jeff and Bibi! Congrats for a sweetest Courtship in the Rockies!

DSCN2919

Bumaba kami ng may bagong perspective –  Nature is generous so let’s protect what we receive from it.

Nagtungo na kami papuntang Summit. Medyo mas naging mahirap ang trails na dinaanan namin dahil maraming nakatumbang Puno sa daanan. Pero di namin alintana ito –  masaya naming sinuong ang lahat para marating ang Tuktok ng Mt. Maculot.

DSCN2928

10952261_10203444456021030_8312759314739139896_n

45 minutes din ang inabot bago namin marating ang Tuktok ng Bundok. Wala ka rin masyado makikita sa taas dahil maraming nakaharang na mga Puno at damo. But It was really great to conquer Mt. Maculot!

DSCN2946

after 15 minutes na pahinga ay nagprepare na kami bumaba. 2:30 na rin kasi at maari na kaming gabihin sa daan.

Habang kumakain kami ng Chocolates ay napagtanto ni Francis at Josh na Iba raw ang Sarap ng Goya! Ito na raw ang pinaka masarap na chocolates na nakain nila. hahaha. Nawala daw ang Uhaw, Pagod at Gutom na nararamdaman nila kanina. Goya Knows Best how to comfort you in the mountains. (Advertisement lang)

Para sa Akin ay mas mahirap ang trekking sa kabilang side ng Bundok. Masyado kasing Steep at kailangan mo talaga kumapit sa mga Lubid na naka-abang pababa.

10982259_10203444432500442_4945284099084919539_n

10978666_10203444420460141_5742767526645459138_n

Sobrang Nasubukan ang aming Climbing Skills. Dahan dahan kaming bumaybay sa lubid.

Pero may isang tao sa amin ang mabilis na bumababa – Si Keneth. Wala na siyang pakialam kung saan siya pupulutin sa bawat hakbang at lambitin nya. Ang Hard Core lang ni Keneth nong time na yon.

Pero nong naka-usap ko siya kung bakit sobrang nagmamadali ito pababa, Ang Tanging nasagot nya lang ay

Keneth: Natatae ako tol! Ito na ata ang pinaka mahirap na bundok na akyat ko. Dahil dito lang ako sinubukan ng ganito.

Jonat: I feel you and understand your situation. hahaha. eto tissue, pede ka naman jan sa tabi mag labas ng something. tsk tsk. pinahirapan mo pa sarili mo sa pagpipigil. hahaha

Ilang minuto pa at natanaw na namin ang Grotto.

DSCN2949

May mga daanan ng kuryente malapit sa Grotto kaya konting ingat lang sa pag hakbang. Hindi natin sigurado kung Live wire or Hindi. Wag nyo ng testingin ahh. Malayo pa kayo sa Baba! Remember, Safety First!

DSCN2957

Dito namin hinantay ang aming mga kasama. Nagpahinga kami at dinamdam ang napaka sarap na ihip ng Hangin noong hapon.

10959518_10203444411779924_5439836583845159444_n

Ang lupet lang dahil sementado na ang daan namin pababa simula sa Groto. Ang sabi ni Roan at DK ay tuwing mahal na araw ay maraming taong nag pilgrimage sa lugar na ito.

Nalungkot ako dahil medyo napabayaan na rin ang station of the cross ng Groto. It was better if the locals would rebuild this place. However, we did felt that in every step that we’d made along this journey was radiated by the Lord’s Love and Guidance. Thank You po.

Nalungkot ako ng kami ay nakababa dahil hindi kami nakabili ng souvenirs sapagkat nasa kabilang dulo pala matatagpuan ang tindahan nito. Binalak pa namin pumunta doon ngunit ng makita namin na palubog na ang araw ay hindi na rin kami tumuloy.

Marami ring Tips ang binigay namin kay Kuya Jeff para sa Job well done Tour Guide. Malaking tulong talaga siya para sa amin lalo na’t nong time na hindi na kinaya ng aming mga kasamang babae na magdala ng Bag. He really lend them his hand to help. Thank you Kuya Jeff. Keep it up. Be a good Model for other hikers.

The Experience of Mt. Maculot Traverse Hike was already engraved within us. Astig. Maculot – Pasulong!

I was really Happy to have you Guys in this Journey. I will never forget all those Buwis Buhay moments that we all had with this Trip.

We wrapped up our adventures at SM Lipa. We replenished ourselves with mouthwatering foods –  just an complete drive to cure our “Pagod”.

Jpeg

5-star Hikers for this Trip:

DK, Francis, Josh, Roan, Keneth, Michael, Bibi, Lani, Alvin and Reuben

mt maculot 3

Hiking Budget:

Guide:

Traverse Hike – 800php for group of 5 people / additional 100php for additional member

Rockies Hike – 400 php for group of 5 people / additional 100php for additional member

Guide Contact Number: Sir Jeff – 09279385183

Buko – 10php

Cantoon Pancit – 45php

Personal:

Goya Chocolates, Jelly Ace, Garbage Bag, Gatorade(1.5L) and Bottled Water (1.5L)

Transportation:

Los Banos to Crossing Calamba – 20php

Crossing calamba to Lipa City (Robinson Mall) – 48php

Robinson Terminal to Cuenca Batangas  – 25php

Advertisements

2 thoughts on “Mt. Maculot Traverse Day Hike

  1. Kallen says:

    Wow, parang ang saya saya niyan! Gusto ko din sumama sa ganyan. Soon 😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s