Pico De Loro |Traverse Hike| New Trail Adventures

PICO DE LORO
Maragondon, Cavite and Nasugbu, Batangas
Major jump-off: DENR Station, Magnetic Hill, Ternate, Cavite
Minor jump-off: Ternate-Nasugbu Highway, Nasugbu, Batangas
LLA: 14° 12.855 N; 120° 38.785 E; 664 MASL
Days required / Hours to summit: 1-2 days / 2-5 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 3/9, Trail class 1-3
Features: Distinctive spire at the summit, forests, scenic views of Cavite

(Quoted from Pinoymountaineer.com)

PICO DE LORO2

Feb. 28, 2015

Nag plano ako na mag Hike with my Toshiba Teammates. Gusto kasi nila na pumunta sa Pico de Loro.

Marami rin akong ininvite from 5-star Hiker Group para sa climb na ito ngunit marami sa kanila ang may lakad nong araw na iyon. Pero buti na lang ay available si Kay.

Eto nga pala ang Revenge Climb ko sa Pico de Loro dahil nong last year na pag akyat ko dito ay hindi ako naka akyat sa monolith (Parrot’s Beak). Medyo bata pa ako non as a Hiker at Takot sa mga Buwis Buhay Stunts. Pero iba na ngayon, mas firm na ang attitude ko towards mountaineering at samahan mo pa ng matatapang kong mga kaibigan na handa kang alalayan sa  iyong mga bawat pag hakbang.

I dedicated this Climb to Kay. This was our very own that thing called tadhana version. Abangan ang kapanapanabik na istorya.

Here’s our Initial Itinerary. Hindi ko pa rin lubos maiisip na  hindi namin nasunod kahit anong nakalagay dito.

Lesson: Pico de Loro always taught me a lot of things about mountaineering.

Planned Itinerary:

5:00 am – Meeting time in SM Calamba

6:30 am – Robinson Dasma

8:30 am – Bayan Naic

9:00 am to 9:30 am – Arrive at Pico De Loro Jump Off – Start of Trek

11:30 am – Arrive at the Camping Site (Lunch Time)

12:00 pm to 1:00 pm – Go to Summit and Climb the Monolith

1:30 pm to 3:30 pm – Descend from the Summit

5:30 pm Arrival at Robinson Dasma

Estimated Budget: 500 to 600 php

Nagkita-kita kami nila Kay, Jeff at Cobar sa Calamba Crossing Terminal. 5:45 am ng umalis ang Van namin from Calamba patungong Cavite at nakarating kami ng Robinson Dasmarinas ng around 6:45 am.

DinaanaDSCN3448n namin sila Bibi, Sophie, Ate Vane, Francis at Josh sa Mcdonalds sa tapat ng Robinson. Pag katapos ng ilang batian at pagprepara ng aming gamit ay  nagtungo na agad kami sa Ternate Cavite.

Dahil pangalawang beses ko na pagbisita sa Pico de Loro ay kampante ako na masusunod ang lahat ng pinaplano ko sa araw na iyon. Nakakahiya din kasi sa mga kasama ko kung magfailed ang Hike na ito. The Pressure was really on my shoulders. Gusto ko kasi na mag enjoy sila! Gusto kong mapasaya ang aking kaibigang si Kay! Pero sa Hindi inaasahang mga pangyayari ay maraming unfortunate events na nagpabago ng aming Itinerary.

I wanted to take this opportunity to say Sorry Guys. Hindi ako karapat dapat na mag Lead sa inyo. Nahihiya ako sa  Lahat ng  Aberya at dagdag na gastos na inangkin nyo. I was not prepared!

Dahil sa mga nangyari sa Hike na ito ay naging mas matapang at mas organize na ako sa mga plano ko sa mga susunod na Hiking. I remembered last year nong nagplano rin ako ng akyat sa Pico de loro – that was my First Mountain and it taught me a lot of things

Lesson 1: Plan your meeting place and time

Lesson 2: Get contact number from Jump Off Point Rescue Team

Lesson 3: Don’t hike alone. Be with friends and meet new ones

Lesson 4: You must greet every hiker you will meet along the way

Lesson 5: Arrive early on camp site to have good place for your tents

Lesson 6: Seek for help when you don’t know what you’re doing

Lesson 7: I know you’re tired but still enjoy every moments

Lesson 8: As much as possible, Hike with your love ones (Cherish it!)

Lesson 9: Be Brave!

Lesson 10: Preserved natures Beauty.

Ang akala ko enough na ang list sa itaas subalit marami pa rin palang mga dapat isaalang alang sa bawat Pag akyat ng bundok.

Conversation before kami sumakay ng Van:

Bibi/Sophie – Guys may nakausap kami na dispatcher ng Van, Pede raw sila maghatid hanggang Pico de Loro Jump Off Point sa halagang 140php.

Jonat: Talaga? Ang mura ahh. Sige Jan na tayo, para mabilis ang biyahe.

Sumakay kami at nagbiyahe papuntang Ternate Cavite. Pico de Loro Here we come!

But suddenly, after 45 minutes na byahe ay biglang natanaw ko ang familiar place – Tagaytay. Nag panic ako dahil ang inaasahan kong daan  ay sa Trece Cavite. Sobra talaga ang pagtataka ko ng nasa Tagaytay kami at dumadaan sa Sky Ranch. Tiningnan ni Jeff kung saan patungo ang sinasakyan namin – Wahh Nasugbu Batangas!

Alam ko naman na may Jump Off Point sa Nasugbu going to Pico de Loro, kaya lang ang problema ay hindi ako nag research kung anong barangay at anong pangalan ng lugar ang dapat puntahan. Sobrang nagworry ako noon. Ayoko madissapoint ang mga Kasama ko.

9:00 am ng dumating kami sa Bayan ng Nasugbu. Sinabi namin sa Driver na Ibaba kami sa Jump Off Point dahil un ang usapan namin nong conductor bago kami sumakay.

Ngunit sa di inaasahang dahilan ay nagkaroon ng miscommunication between Conductor at Driver. Hindi kasi nasabihan ang driver na sa Jump Off Point sa may Ternate kami dapat ibaba. Ang biyahe kasi noong driver na sinakyan namin ay Nasugbu kaya nasa kabilang side yun ng Bundok.

Wala na kami choice kundi mag Traverse Hike sa Nasugbu to Ternate Cavite Trails.

DSCN3285

At dahil medyo malayo pala ang jump off Point sa Nasugbu tila ba nagkaroon ng matinding diskusyunan ang Conductor at ang Driver. Kami naman ay hindi alam kung saan kami ibaba. Medyo malayo na rin ang narating namin at bihira lang ang tricycle na nadaan. If I’m not mistaken ay Fuento Fuergo na kami ng tumigil  para magtanong.

Hindi ko alam kung itutuloy pa namin ang Hiking. Nakikita ko na sa kanila ang pagkadismaya. Sobrang nasaktan ako dahil ako ang nagyaya sa kanila at nag arrange ng plan para sa revenge climb na ito.

I decided na bumaba na kami ng Van at sumakay na lang ng Tricycle papuntang Jump Off Point. 300 php ang sinisingil sa amin sa isang tricycle. Medyo mahal pero Pinush na rin namin dahil andito na rin kami – Sayang naman kung hindi kami makakaakyat ng Pico de Loro.

DSCN3309

May bago na naman kaming problema, hindi pala alam ng driver kung saan ang Jump Off POint. Ang alam nya ay ang Hamilo Resort Club of Pico De Loro.

DSCN3307

Buti na lang at sa may tapat ng Gate ay may mag asawa kaming napagtanongan at ang sabi ay sa may Firing Range daw ang Jump Off. Nag kaintindihan naman sila ng driver namin at itinuloy ang pagmamaneho.

Ang tawag pala sa Firing Range na binanggit nila ay MSDC Security Force Training Ground. Dahil first time kung  mag hike doon sa Nasugbu Trails, nag sabi ako na kumuwa na kami ng Guide. Ayon kasi sa kaibigan kong si Keneth ay nakakaligaw ang trails sa Nasugbu side part ng bundok.

Tinaga kami sa Tour Guide – 500php per group of 5 then additional na 100 per person. Nine kami sa group kaya ang dapat naming bayaran ay 900php. At dahil nga iba ang itinerary namin ay hindi sapat ang aming budget sa ganong kalaking Guide Fee.

Nakiusap kami na kung pwede bang 400 php na lang para sa aming lahat kahit hanggang monolith lang dahil alam ko na naman ang Ternate Trails ng Pico de Loro. At alam ko rin na marami kaming hikers na makakasabay pababa kaya ang naging target ko lang talaga ay makarating sa may monolith at Ako na bahala kung pano kami bababa. Ang lakas ng Loob ko. hahaha.

Pumayag naman sila pero ang sabi, sa halagang 400 php ay hanggang Grotto lang daw ang ma-offer nila na Guide. Hindi na nila kami masasamahan hanggang monolith at sinigurado naman nila na after Grotto ay hindi na raw nakaka ligaw ang daan.

Pumayag kami at nag assume na worth it ang ibabayad namin.

Bago kami umalis ay nagpicture-picture muna kami, sayang ang memorable experience na ito. Unti-unti ng nagkakaroon ng liwanag ang aming Adventure.

DSCN3317

Dalawang Guide ang Ibinigay sa amin si Den Den at Marco.  Pagkapos ng konting pahinga ay nag umpisa na kami sa trekking.

After 15 mnutes ay napadaan kami sa isang maliit na kubo. Nakatagpo kami ng ilang nag Traverse na hikers na nagpapahinga  at masaya namin silang binati. Ang Feeling ko ay na starstruck sila sa mga kasama naming girls. haha Ikaw ba naman makakita ng mga Diwata sa Gubat.

DSCN3320

Habang nag lalakad kami ay nagkaroon din naman ng konting Jive si Kay and my Friends. Sobrang Astig at nagkakarroon sila ng connection. Hehe Masaya kaming nagbiruan habang naglalakad ng sa hindi iaasahang pagkakataon ay bigla na lang nadulas si Francis sa harap namin habang sinasabi na “Ano, Pagod na agad? ” (habang nagyayabang ay nadulas siya hahaha)

Sobrang laugtrip namin at buong araw namin yung lihim na pinag uusapan.

After 45 minutes ay nakarating na rin kami sa Grotto. May Kandilang nakasindi doon sa may imahe ng Birheng Maria. Naramdaman namin ang Presensiya ng Panginoon. Taimtim kaming nagdasal at nagpahinga sa holy ground na to.

DSCN3329

Pagkatapos magpahinga, Tumuloy na kami sa pagpunta sa Summit ng Pico de Loro.

Ngunit habang kami ‘y naglalakad ay biglang tumigil si Den Den at sinabing hanggang dito na lang daw sila. Sobrang Naging Incredible Hulk si Francis. Alam ko ang nararamdaman ni France at iba pa naming kasama. Ang totoo ay hindi ko rin natanggap na ganon lang ang value ng 400 php Guide Fee trekking. Sa Maculot nga nagbayad kami ng 1200 php ng traverse Hike. Pero ang ganong kadaling trails (yung tipong wala man lang akyat mode) ay hindi ko matanggap.

Pero nag point out naman sila Den Den na iyon lang ang usapan – hanggang Groto lang kami ihahatid. Ang naisip ko kasi ay tanaw na sa Groto yung monolith pero hindi pala. We did expect a lot from them kaya nakaka-disappoint.

Dahil kadadaan lang namin sa Groto at nag enlighten  pa rin sa aming mga Puso ang Love of God, Binigay pa rin namin ang 400php sa kanilang dalawa at nagpasalamat sa pag sama sa amin noong umagang iyon.

DSCN3335

Unti-unti ng nagiging mahirap ang pag-akyat namin.

Hindi ko rin inaasahan ang napakalakas na resistensiya ni Sophie at Cobaru. First time nilaang umakyat pero ang pag ascend nilang dalawa ay pang professional Hiker.

11016679_960112957333708_199179027_n

Medyo naging mabagal ang pag akyat namin nila Jeff, Josh, Bibi at Kay dahil sa Bigat na nararamdaman ng aming mga Puso. Tanong nyo pa kay Jeff at Kay. Ilang beses na rin kasing Binusted ni Kay si Jeff habang umaakyat kami ng bundok. hahaha.

DSCN3345

Para sa akin ay mas mahirap talaga ang Nasugbu Trails kumpara sa New Trail ng Pico de Loro, masyado kasing Steep ang mga trails at talagang kelangan mo ng Gutz para umakyat sa mga nag tataasang Rocks na nakaharang.

Nag karoon din kami ng problema ng biglang napahawak si Kay sa isang Kawayan na punong puno ng maliliit na Bolo. Medyo naging masakit ang mga tusok ng Bolo sa kanyang kamay, buti na lang at  mabilis na tinanggal ito ng band aid  na dala ni Ate Vane. Simula noon ay ingat na ingat na kami.

Ito ang last challenge bago namin marating ang monolith also known as Parrot’s Beak. Nakakakaba din ang part na ito dahil ang tangi mo lang gabay  ay ang nag iisang Puno na nasa gitna ng mga Bato.

DSCN3348

Hindi rin maiiwasan mag karoon ng sweet moments sa part na ito. hehe Alam na this! Prenupt!

DSCN3370

After 2.5 hours of trekking ay narating na din namin ang monolith!

Sinalubong kami ng malalakas na hangin. Masaya kaming nagpahinga at sinamantala ang napakagandang view sa taas. Tanaw na din namin ang Summit kung saan marami ka ring makikitang hikers na umaakyat.

Marami ang may balak umakyat ng Parrot’s Beak kaya kinailangan namin pumila – pang Lima kami sa goup na aakyat. Dahil 1:00 pm na , napagdesisyunang kumain muna kami ng tanghalian sa ilalim ng Matikas na Monolith ng Pico de Loro.

Jpeg

Eto lang ang pinaka mahirap na daan para makapunta sa Taas ng Monolith. Pag na conquer nyo na ito ay Pa-easy easy na lang kayo going to the Top of Parrot’s Beak.

Tips:

1. Don’t rely too much on the Rope

2. Don’t hesitate to ask for Assistance.

3. Be Brave and be confident that you can make it!

Akala ko dati sobrang hirap akyating ng Monolith ngunit hindi naman pala. Ito ay marahil sa ready made na Lubid na gumagabay sayo sa pag-akyat. Kaya mapabata or matanda ay tiyak na di mahihirapang akyatin ito. For me, mas mahirap pa ang way going to the summit of Pico de Loro rather than the monolith.

Pagkatapos namin marating ang tuktok ay nagpicturan agad kami. Malaki rin ang pasasalamat ko at nagvolunteer si Josh at Cobaru  na sila na lang ang aakyat sa Summit para kumuwa ng pictures  habang kami ay nasa Top ng Monolith. Wooh, Dream Come True ito! Thanks Guys!

The Lost Man!

Jpeg

Real Men Fear God!

Jpeg

Mountain-fie Photos

Frienduptial Photos with Kay!

Stepping Stone!

11026701_959831420695195_1396835170_n

Parrot’s Beak View from the Summit!

DSCN3437

DSCN3463

DSCN3442

Sad lang dahil ang daming vandalism na nakasulat sa taas ng Monolith. Sa mga Other Hikers na aakyat dito, Sana wag nyo pong tularan ang ibang Mountaineers na walang magawang Matino sa Buhay na nag susulat ng kung ano anong name sa mga Bato.

Pictures should be enough evidence sa Pagakyat ng Parrot’s Beak! Hindi na kelangan ilagay at engraved sa mga Bato na “I conquer Pico De Loro – *@&#($#$”

JpegBumaba kami ng monolith at nagtungo sa Summit ng Pico de Loro. Sobrang nakaka takot ng pababa ng Monolith dahil ang tanging gabay mo lang ay ang mga munting lubid na nakikita nyo sa pictures. Konting Ingat lang, Unti Unti! Mabuti ng Ligtas kahit abutin pa ng maghapon.

Hindi ko ma express ang saya ng pakiramdam ko noong nakababa kami. Sa Wakas, I finally Conqured the Monolith of Pico De Loro. Thank you po Lord for a Safe Climb.

DSCN3505

Revenge Climb with Awesome Buddies.

Pangalawang Beses ko nang pag-akyat sa Pico de Loro pero hindi pa rin ako makapaniwala sa Ganda ng View na nakikita ko sa Tuktok. Parang nag flashback lahat ng nangyari last year Overnight Hike namin dito. Nostalgic ang Feelings! Mix Emotion ba.

DSCN3448

Kay’s That Thing Called Tadhana:

Here’s the Reason why you should Climb Pico De Loro to mend your Broken Heart:

1. The Monolith is a symbol of Unwavering Love. No matter what you feel due to the Past decision you’ve made, Remember that you are special and with that Positive Thoughts, you’ll have those Unyielding Strength to accept tomorrow with Open Arms.

3. The Summit is a symbol of a Standing Point where you can see the Over all Picture of your Life. Remember,  your  Life always expresses the result of your dominant thoughts. So while ascending  to the Summit, Build your thoughts with new Perspective to improve.

4. Hard Trails is a symbol of Perseverance.It is  all about how you will  overcome the Easy and Hard Trails of the Mountain –  Not giving in to physical and mental fatigue of long walks and little step of moving on is a great start.

DSCN3535

After ng ilang Picture-Picture sa Summit, Kami ay tumuloy na pababa para pumunta sa Camp Site.

11020923_959664154045255_1869875227_n

Sobrang disappointed ako sa Camp Site ng Pico de Loro! Wala na ang Dati nitong Ganda! Isang taon lang ang nakalipas at sobrang naging Moderno na ang buong Camp Site!

My Personal Opinion:

1. C.R. Should be removed at the Camp Site. Upon arrival, I was so disgusted to the million of Empty Plastic Container that  was left beside the Toilets. How could you Feel that you were on the Mountain if  you could find a Rest Rooms 3 blocks away?

2. Too many 7-Eleven Store. I saw 3 Big Stores where you can buy any kind of Foods , Water and Etc. It took the very essence of Camping Life.

DSCN3544

Dahil hindi namin alam kung saan ang New Trail ay nagtanong kami kung saan pwedeng bumaba. At luckily, Tinulungan kami ng isang Certified Guide ng Pico de Loro  – Si Kuya Arjay.

Laking pasasalamat namin talaga kay Sir Arjay dahil hinatid nya kami kung saan dapat kami dumaan. Tinuro nya rin ang nalalabing Way ng Old Trail – sinaraduhan nila ito ng malalaking kahoy para hindi na muling  madaanan ng mga Hikers Pauwi. Ayon sa kanya, Last week daw ay meron naligaw na Mountaineers sa Pico de Loro, isang araw daw nila hinanap ang Way pero bigo sila sa pag navigate ng New Trails.

Nag paalaam at nagpasalamat kami kay Kuya Arjay. Halos 20 minutes din ang nilakad nya para sa amin ng walang hinihinging kapalit. I salute you Kuya Arjay!

Glimpse of New Trail

DSCN3549

Tips on New Trail:

DENR to Camp site using New Trail – Always Keep Right.

Comment: Basta pag nakakita kayo ng mga Sangang Daan, lage nyong pipiliin ang Kanang Way!

Monolith to Nasugbu Trails – Always Keep Right

Comment: Pag may nakita kayong sangang daan sa Nasugbu Trails lage ninyong pipiliin ang Kanang Way!

Note: This was my Personal Observation during our Hikes! 

DSCN3560

We arrived at DENR Camp Site around 4:45pm. Then, We cleaned ourselves before we went on to our Last Journey.

If you thought that this was the End, Well, You were definitely wrong. We had an unforgettable Final Destination Experience on our way Home.

1. From DENR to Bus Stop – One of our Tricycles  was accidentally lost its Brakes. (Ramdam na ramdam to nila Bibi, Sophie, at Ate Vane)

2. From Ternate to Tejero (riding a Bus) – We were welcomed by super long traffic jam.

3. From Tejero to Dasma (Riding a Jeep) – Our Jeep’s engine Sparked and had to make a full stop in the middle of the road.

Pinag iisipan pa rin namin kung Si Bibi or Sophie ang may Balat sa Puwet, pagkatapos mangyari ang lahat ng mga Unfortunate Events noong araw na iyon.

 

There’s a lot of Mistakes and shifted details from the initial Itinerary but I could say that This is one of my Great Hikes ever Experience during Traverse Day Hike!

We wrap up our adventure at Robinson Dasma where we departed in separate ways.

Thank you Guys!

Sa uulitin na Pag akyat ng Bundok!

Godbless!

“We are the 5-star Hikers and We’re Bonded by Natures”

 

Actual Itinerary:

5:00 am – Meeting time in SM Calamba

6:30 am – Robinson Dasma Cavite

9:00 am – Nasugbu Bayan

10:00 am – Start of Ascend

12:00 pm – Arrived at Monolith (Take LUnch)

1:30 pm – Start to Climb the Monolith

2:30 pm – Pico De Loro Summit

3:00 pm – Camp Site

3:00 to 4:45 – Descend going to DENR (New Trail)

5:30 pm to  7:00 pm – Go to Tejero

7:00 pm to 8:30 pm – Go to Robinson Dasma Cavite

 

Transportation:

Nasugbu – Ternate Traverse (Vice Versa)

Robinson Dasma Cavite to Nasugbu – 140php ( Van)

Nasugbu to Pico de Loro Jump Off Point – 300php (Tricycle for a group of 4)

Note: It’s better to Hire a Jeep in going to the Jump Off Point rather than Tricycle

DENR Pico De Loro Ternate Jump Off Point to Ternate Bus Stop  – 75php (Tricyle)

Ternate Bus Stop to Tejero Terminal – 41 php (Bus)

Tejero to Robinson Dasma Cavite – 21 php (Jeep)

 

Estimated Budget: 1000php

Guide Contact Number: 09071425978 – Kuya Arjay

 

Para sa mga nakilala namin sa Pico De Loro, Eto po ung picture nyo sa monolith:
DSCN3451

DSCN3452

Advertisements

25 thoughts on “Pico De Loro |Traverse Hike| New Trail Adventures

  1. JM says:

    thank you very much sir!

  2. Butch C. Castro says:

    im Planning to have an overnight hike with my sister do you know a club or any org. that organize overnight hike.

    • Based on information from DENR, Overnight Hike in Pico de Loro is been banned. So you can only do Day hike. hmm, I have a friend Sir Nino that organize Hiking please ask him.

      For inquiries please do text or call:
      Mountain Project/Niño “Doc Onin” Coliamco

      Sun – 09334515668

  3. hi Jonathan, thanks for posting this,so cool,i like the way how you describe your experience, SUPERB!

  4. master.ryo says:

    This looks fun! Wow, you guys have definitely nailed this one.
    I wish I could be a daredevil like you do. Keep climbing!

    I am looking forward for the Mt. Kalisungan post very soon. XD

    Cheers from : masterryo.wordpress.com

  5. dorothy says:

    very helpful jonathan.. thanks..

  6. Stephen says:

    Sir! sa pico de loro po ba pwede mag pitch over nyt stayed ?

  7. saldy says:

    ganda ng pagkakwento! thumbs up! tekaa,, aakyat kami nextweek! galing kaming tagaytay, magcommute lang kami going to ternate at wala akong idea kung saan sasakay. pls tulong! T.T sa Robinson Dasma anong sasakyan dun? may byaheng ternate ba dun? salaamaat.

    • Noong unang punta ko ay sa SM Dasma kami sumakay ng Jeep papuntang Tejero then from Tejero mag Jeep kayo Papuntang Bayan ng Naic. Then sa Bayan ng Naic mag Tricycle kayo papuntang Pico de Loro Jump Off Point sa Ternate. Kung makakasakay kayo ng Bus sa Naic ng Diretso Ternate edi un na lang sakyan nyo pero kelangan nyo pa rin mag tricycle papuntang Jump Off Point.

      At kung marami naman kayo. Mag arkila kayo ng Jeep from SM or Robinson Dasma ng Jeep Papuntang Ternate nasa 1500 ata ung arkila nong nag tanong kami. 🙂

      Thanks pala sa pagbabasa ng mahabang kwento. peace. 🙂

  8. saldy says:

    ui salamat sa suhestyon. bukas kami aakyat ! woot! nagtanong na ako kay mamang drayber, mag indang nalang daw kami pa naic then gagawin ko yang sinabi mo mag abang ng bus or tricy pagdating dun. bweset ngayun pa ako nagka meron hahaha! pero hindi ako papipigiiil! haha! salamat ulit!

  9. brenbravo says:

    Nice story!!!
    We’re planning to hike this coming December, sa Cavite lang din kami galing, ano bang dapat namin sakyan from SM Dasma/Robinson Dasma to Naic?

  10. rocelyn padernal says:

    interesting! i felt excited when i read this and it encouraged me to to climb in mt. pico de loro and to see how how beautiful is. we’re planning to hike on Dec 12, should we need to book a slot? or walk in nalang? thanks! 🙂

  11. krzlm says:

    Hi po , we’ll be making a documentary kasi , and isa ang pico de loro sa mga pupuntahan namin .. 1st time kami lahat pupunta dun , we can still contact kuya arjay if pwede nya kami iguide, sa nasugbu kasi kami mas malapit . thanks

  12. kimmy says:

    Sana may makasama ako plano ko rin pumunta jaan ang hirap kasi lumakad magisa . Ang ganda ng lugar 😊

  13. gerby says:

    akyat sana kmi kaso hindi pala pwd mg overnyt.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s